Chapter 29

1.5K 64 11
                                    


"Anong atin?"

"What is it? Bro."

Tanong ni Julius at Emman sa kabilang linya. "Group Call" ang gamit nya. Di nya macontact si Kinneth. Tinawagan sila ni Andrei. Nasa daan si Andrei at nagmamaneho sya. Kaaalis lang nya sa bahay nina AJ.

"Kailangan ko ng tulong nyo."

Saad ni Andrei. Nakaearphone sya para makapagmaneho sya ng maayos.

"Anong klaseng tulong yan?"
"Chix ba yan?"

Hyper na saad ni Emman. Napaikot naman si Andrei ng kanyang mata. Dinig nya pa ang tawa ni Julius.

"Gusto nyo bang kayo ang tulungan ko para mamatay?"
"Umayos kayo."

Pagbabanta ni Andrei sa dalawa. Nabalot ng katahimikan ang linya.

"Listen."
"I need your help. Both of you. Bukas na bukas din."

Basag ni Andrei sa katahimikan. Di na talaga nagsalita ang dalawa sa kabilang linya. Nakinig lang sila kay Andrei.

"Para saan ba yan?"
"Anong meron bukas?"

Tanong ni Julius sa seryosong tono. Napapindot ng busina si Andrei dahil may dumaang pusa sa harapan. Malapit na sya sa bahay nila.

"For Joanna."
"I have something for her."
"And I need you both."
"Early tomorrow."

Paliwanag ni Andrei. Nakarating na sya sa bahay nila. Kusang bumukas ang censored gate nila. Ipinasok na nya ang sasakyan at ipinark sa garahe katabi ng sa kanyang ama.

"Whoa."
"Dumada moves tayo ah."
"Binata ka na tol."

Pagbibiro ni Emman. Nag "tsked" na lang si Julius at Andrei. Sabay.

"Shut up. Emmanuel."

Malutong na saway ni Julius. Bumaba na si Andrei sa sasakyan nya. Dire-diretso lang ang paglalakad nya papasok ng bahay. Dinig na dinig nya ang pagaaway ni Emman at julius.

"Emman."
"I want you to inform all the students tomorrow."
"I don't want to fail."
"I want it to be special for joanna."

Seryosong wika ni Andrei. Nakapasok na sya sa bahay nila. Nakita nyang wala sa living room ang ama nya kaya umakyat na lang sya sa taas, sa kwarto nya.

"Copy that."
"What is your plan?"

Wika ni Emman. Nakapasok na si Andrei sa loob ng kwarto nya. Ibinagsak nya ang bag nya sa kama. Inalis nya ang butones ng polo nya.

"It's already fix."

Sagot ni Andrei. Umupo sya sa dulo ng kama nya. Inalis nya ang sapatos nya at pati medyas.

Bago tawagan ni Andrei ang dalawa ay natawagan na nya ang magaasikaso ng surpresa nya para kay AJ bukas. Settle na ang lahat. Mabilis nakaisip si Andrei. Kaya lang nya tinawagan ang kanyang mga kaibigan ay dahil di na kayang magisa.

"That's great."
"So see you tomorrow then??"

Saad ni Julius. Dinig naman ang pagaagree ni Emman sa sinabi ni Julius.

"Okay tomorrow."
"At 7."

Sagot ni Andrei habang nakatingin sa relo nya. Humiga din sya sa kama nya habang nakalapat sa sahig ang mga paa nya.

Pagkatapos ng sinabing yun ni Andrei ay ibinaba na din nina Julius at Emman ang tawag. Huminga ng malalim si Andrei at madiin nyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Goodluck sa akin bukas. Kung hindi ko lang love na love ang bestie ko, di ko ito gagawin.

Untag ni Andrei sa kanyang utak. Nakapatong ang kaliwa nyang braso sa kanyang noo. Hawak nya ng mahigpit ang phone nya.

My Dream GayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant