Chapter 7

2.3K 94 7
                                    





Inihatid nga ni Andrei si AJ.Di na pumasok si andrei sa last na subject nila.Pinagpaalam din nila ni AJ dahil nga sa nangyari sa kanya.

Nasa sasakyan sila ngayon at bumabyahe.Si andrei ang nagdadrive at katabi naman nya si AJ.Nakasandal ang ulo ni AJ sa may upuan at nakapikit.Nakapikit lang sya pero di natutulog.

"Hey.Bestie.Nahihilo ka pa ba?"

Tanong ni Andrei.Lumingon din ito saglit sa kaibigan bago finocus muli sa daan ang kanya mata.

"Bakit mo ginawa yun?"

Sa halip na sagutin nya ang tanong ng kaibigan ay iba ang tinanong nya.

"Ang alin?"

Maang-maangan ni Andrei.

"Bakit mo sinabi sa kanila ang pagiging magkaibigan natin?"

"Are you insane?"

Sunod-sunod na tanong nya.Medyo may inis na din sa boses nya.

Nalaman ni AJ na alam na ng prince 4 na magbestfriend sila.Dahil sinundo sya sa clinic ng prince 4 at inihatid sa sasakyan ni andrei.

Halo-halo ang naramdaman ni AJ dahil doon. At ngayon nga ay wala sya sa mood na makipagusap sa kanyang bestfriend.

Nangako sila sa isa't isa na walang dapat makaalam.Pero totoo nga ata ang kasabihang"Promise meant to be broken."

Nanahimik na lang si AJ habang nakasandal sa upuan ng sasakyan ni Andrei.Hanggang iniintay na makarating sila sa bahay nila.

Di rin nagtagal ay nakarating na din sila sa bahay nina AJ.Binagbuksan sila ng gate para makapasok ang sasakyan ni andrei sa loob.

"Thank you sa paghatid.Drei.Makakaalis ka na.Magpapahinga na ako."

Plain na sabi ni AJ ng makahinto na sa may garahe ng sasakyan.Bumaba na din sya.Humawak sya ng mahigpit sa may pinto ng kotse dahil nahihilo pa sya ng konti.Agad namang lumabas si Andrei at mabilis na pinuntahan si AJ para alalayan ito.

"No need.Kaya ko."

Pagtanggi ni AJ sa alok ni andrei.Hinawakan kasi ni andrei ang siko at bewang  ni AJ para alalayan ito pero inalis agad ni AJ yun.

"Pwede ba bestie.Di gagana sa akin ang katigasan ng ulo mo ngayon."

"Sa ayaw at sa gusto mo ay ihahatid kita sa kwarto mo."

"Period."

Sunod-sunod na sambit ni Andrei.Bigla nya ding binuhat si AJ.Bridal style.

Nagsimula ng maglakad si andrei papasok ng bahay.

"Manang"

"Pakiakyat na lang po sa kwarto ni Joanna ang isang basong tubig at merienda na din."

Sabi ni Andrei sa katulong na nakasalubong nya ng makapasok na sila sa loob.

"Sige po ser."

Sagot naman ng katulong sa kanya.

Nagdiretso na din sya sa hagdan pagkatapos noon.Maingat syang umakyat sa hagdan.Ikinawit naman ni AJ ang mga kamay nya sa leeg ni Andrei para di sya mahulog.Ipinikit nya din ang mga mata nya dahil nagsimula na naman syang mahilo.

Agad din naman silang nakarating sa kwarto ni AJ.Nasa bungad lang ang kwarto ni AJ sa second floor kaya madali itong narating.Meron ding kanya-kanyang pangalan na nakasabit sa bawat pinto kaya di ka maliligaw.

Iniupo agad ni Andrei si AJ sa may kama.Lumuhod sya para matanggal ang sapatos na suot ni AJ.

"Magpahinga ka ng mabuti.Okay?Bestie?"

My Dream GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon