Chapter 49

1.5K 81 1
                                    


I want you back...

Out of no where ay nasabi ni AJ yun. Nakatingin lang sya sa ceiling ng kwarto nya habang nakahiga sa kama.

Alas nuebe na ng umaga pero di pa bumabangon si AJ. Nakailang katok na din ang katulong nila sa pinto ng kwarto nya para pababain sya para magalmusal.

Tok tok tok tok

"Nak? Joanna?"

Boses ng kanyang ina pero di man lang bumangon si Joanna sa kanyang kama.
"Nak? Okay ka lang ba?"

Nagaalalang boses ng kanyang ina. Napatingin na si AJ sa may pinto ng madinig nya yun.

"Okay lang po ako nay.."

Sagot nito sa kanyang ina. Umupo na din sya sa kama. Nilingon nya din ang orasan. Sa paglingon nya sa orasan, nakita nya ang phone nya. Tumayo sya at agad na kinuha yun. Nagbabaka sakali sya na may text muli si Andrei sa kanya. Pero sa pagbukas nya ng phone nya ay wala syang nakita kundi puro text lang ni Kinneth.

Napaupo si AJ sa kama habang nakatitig sa kanya telepono.

Di ka na ba ulit magtitext o tatawag man lang? Usal nya pa.

Bigla syang napatingin sa "call app". Mabilis nyang binuksan yun at pinindot ang phone number ni Andrei. Tatawagan nya ito.

"I'm sorry. The number you have dial is out of coverage area.... Please try your call later."

Ito lang ang narinig nya. Di nya macontact si Andrei.

Asan ka ba?  Bumalik ka ng bakla ka. Tatamaan ka talaga sa akin.

May inis na sabi ni AJ. Padabog pa nyang binagsak ang phone sa kama. Tumayo sya at nagdiretso sa banyo.

Habang naliligo ay si Andrei pa rin ang iniisip nya. Saan nya ito hahanapin.

"Mam Joanna. May bisita po kayo."

Nadinig nyang saad ng katulong sa may pinto. Kalalabas lang nya ng banyo.

Na naman?

Taas kilay na tanong nya habang pinupunasan nya ng towel ang basang buhok.

"Mam?..."

"Magbihis lang po ako manang."

Sagot nya sa katulong. Pumasok na sya sa walk-in closet  at mabilis na namili ng damit na isusuot.

Di naman nagtagal ay nakapagdamit na sya. Naglakad sya papunta sa may side table. Kinuha nya ang phone at wallet nya. At sa huling pagkakataon ay sinilip nya ang sarili sa salamin. Lumabas na sya ng masiguro nyang okay na ang itsura nya.

"Manang. Asan na po yung bisita ko?"

Tanong ni AJ sa isang katulong na nakasalubong nya. Di nya nakita sa living room ang bisitang sinasabi.

"Ay mam. Sa sasakyan na lang daw po nya sya magiintay. Nasa labas po."

Napakunot ng noo si AJ. Naguluhan man ay lumabas na lang sya para makita kung sino ang bisita nya.

"Kinneth? Ano---"

"Are you free?"

Nakangiting singit agad ni Kinneth sa sinabi ni AJ. Malawak ang pagkakangiti nya habang nakatingin sa mukha ni AJ. Wala kang mababakas na lungkot sa mukha nya. Parang isang panaginip lang ang naging drama nila ni AJ kahapon.

"We already---"

"Alam ko..."

Putol na naman ni Kinneth sa sinabi ni AJ. Di pa rin naaalis ang malawak na ngiti na nakapaskil sa mukha nya.

My Dream GayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang