Chapter 27

1.5K 55 1
                                    





Inalalayan ni Andrei si AJ papunta sa room nila. Si Andrei din ang nagdala ng bag nito.
Nasa corridor sila at maingat na naglalakad. 

Nang makarating sila sa room nila ay pinagmasdan sila ng mga kaklase nila. Sa kanila lang dalawa nakatingin ang lahat maging ang mga kaibigan nila.

Maingat na iniupo ni Andrei si AJ sa upuan nito bago sya umupo sa kanyang upuan.

"Ang sweet natin ah."

Pabirong bungad ni Emman kay andrei ng makaupo na ito. Malakas ang pagkakasabing yun ni Emman. Lalong tumahimik ang buong kwarto. Naipaling ni AJ ang kanyang mukha sa gilid dahil feeling nya ay ang pula ng pisngi nya. Sinamaan na lang ng tingin ni andrei si Emman. Naghand gesture si Emman na parang sinizipper nya ang bibig nya.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang prof nila sa huling subject. Ang"Economics".

Gaya ng umagang subject nila ay nahirapan din si AJ sa lesson sa "Economics". Di na lang nya ipinahalata na masama na naman ang pakiramdam nya.

Isang oras lang ang klase nila sa "Economics at mabilis na tumakbo yun.

"Okay guys. Listen."
"Next week will be our "foundation week".
"Your class need to think a booth for the foundation week."
"Hanggang friday dapat makapagisip kayo ng booth nyo para maipasok sa listahan."
"Goodluck guys."
"Class dismiss."

Anunsyo ng prof nila bago ito lumabas ng room. Nagkaroon ng matinding debate ang mga estudyante ng makalabas ang prof nila. Nagkakagulo sila kung anong booth ang gagawin nila.

Every year ginaganap ang "foundation week". Walang rules sa pagpili ng booth. Hinahayaan ng "student counsel" ang mga estudyante ng "JC University" na magenjoy. Parang tinuturing nilang "freedom week" ang "foundation week". Malaya silang gawin ang lahat sa buong linggong yun. May iba't-ibang activities ang nakahanda sa event na yun.

"Where you going?"

Takang tanong ni Andrei kay AJ ng tumayo ito sa upuan. Nilingon sya ni AJ.

"I'll go ahead."
"Uwi na ako."

Isinukbit na ni AJ ang strap ng bag sa balikat nya. Inayos nya din ang saklay nya. Ihahakbang na nya ang paa nya ng hawakan sya ni Andrei sa may siko.

"Let's go."
"I'll drive you home."

Napaangat ng ulo si AJ. Napatingin sya sa mata ni Andrei. Habang nakatingin sya sa mata ni andrei ay kinukuha naman ni andrei ang bag na nakasukbit sa balikat nya. Yung ibang estudyante na nasa room pa ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Maging ang mga kaibigan nila.  Maliban kay Kinneth na parang bored na bored sa eksena ng dalawa.

"Guys. We'll go ahead."
"Ihatid ko pa si Joanna."

Wika ni Andrei ng lingunin nya ang mga kaibigan nila. Matapos noon ay ipinaling nya muli ang ulo nya kay AJ. Tiningnan nya ito sa mata.

"My girlfriend."

Mahinang saad ni Andrei kay AJ. Di nya inaalis ang mata nya sa mata ni AJ. Seryoso ang mga tingin na yun. Napaiwas naman si AJ ng mata. Napangiti si Andrei sa naging kilos nito.

Di narinig ng mga kaklase nila ang sinabing yun ni Andrei dahil sobrang hina noon at parang bulong na.

Inalalayan ni Andrei si AJ sa paglalakad. Nakatingin lang ang iba sa kanila habang naglalakad palabas ng room.

---

"Bro. Anong nangyari?"
"May kakaiba sa kanila."

Naguguluhan na tanong ni Julius kay Emman. Nagkibit balikat si Emman. Lumabas na yung ibang estudyante.

My Dream GayWhere stories live. Discover now