Chapter 14

1.9K 70 2
                                    



Kalahating oras na lang ang bakante ni AJ na oras pero pumunta na sya sa room 102, ang kwarto ng susunod nyang klase. Nakayuko sya habang binabagtas ang kahabaan ng corridor.

"Bakit sya mag-isa?"
"Akala ko ba kasama nya ang prince 4?"

Lalong napayuko si AJ ng marinig nya yun sa dalawang babae na nilampasan nya.

"Baka naman iniwan na sya?"
"Baka playtime lang sya ng prince 4?"

Narinig pa ni AJ. Malakas kasi ang pagkakasabi nung babae. Halatang ipinadidinig talaga sa kanya yun. Di tuloy mapigilan ng ibang mga estudyante na pagbulungan sya. Mabilis na paglalakad. Ito ang ginawa ni AJ para lang makarating sa kwarto nila.

Nagdiretso agad si AJ sa kanyang upuan ng makapasok na sya sa kwarto. Yung iba nyang mga kaklase ay pinagtinginan sya. Inabala na lang ni AJ ang sarili sa pagbubukas ng mga apps sa phone nya.

--

"Bro."
"Ang hard mo kay AJ kanina."

Saad ni julius kay Kinneth. Nasa locker room sila sa may gym. Katatapos lang nilang maglaro ng basketball. Nagbibihis sina Julius at Kinneth samantalang nasa loob pa ng shower room sina emman at Andrei.

"I'm just being real."

Saad ni kinneth habang sinusuot ang shirt na suot nya kanina. Wala na syang extrang damit dahil pinagamit nga nya kay AJ ang damit nya. Nagsuot na din sya ng black suit para magmukha namang disente ang itsura. Nagkibit balikat na lang si Julius sa sinabing yun ni Kinneth. Lumabas naman sina Andrei at emman sa loob ng shower room na nakatapis lang ang ibabang parte ng katawan nila.

"Di ako natuwa sa ginawa mo kay joanna."

Sambit ni Andrei ng tumabi ito kay Kinneth. Magkatabi kasi ang locker nila at katabi naman ni julius ang kay emman.

Nilingon ni kinneth si andrei na abalang pinupunasan ng tuwalya ang buhok. Isinara na din nya ang pinto na locker nya at isinukbit ang strap ng bag nya sa kanyang balikat.

"It's her fault andrei."
"You know me."
"Ayaw kong tinuturuan ako."

Yun na lang ang nasabi ni kinneth bago lumabas ng locker area. Hinabol lang sya ng tingin ng tatlo.

"That's kinneth and his attitude."
"Bro."

Si emman naman ang nagsalita habang isinusuot ang damit. "Tsked" na lang ang naisagot ni Andrei. Tinapik-tapik muna ni Julius ang balikat ni Emman at Andrei bago ito lumabas dun.

Sa paglabas ni Julius sa locker room ay natanaw nya si Kinneth na nakatayo lang sa tapat ng ring at pinagmamasdan ang buong court.

"Hey. Bro."
"Are you okay?"
"Mukhang malalim ang iniisip natin ah."

Inakbayan ni julius si Kinneth habang sinasabi yun. Siniko naman sya ni kinneth sa tagiliran. Napangiwi naman si julius dahil medyo malakas ang pagkasiko ni kinneth sa kanya. Napalayo pa sya ng konti kay kinneth.

"Manahimik ka na lang kung wala kang matinong sasabihin."

Seryosong untag ni Kinneth habang abala pa din sa pagsipat sa buong court. Nagpamewang si Julius ng may maisip na itanong kay Kinneth.

"Tell me the truth."
"You didn't mean it. Right?"

May pilyong ngiti sa mga labi ni julius habang sinasabi nya yun kay kinneth. Pinapatungkol ni julius ay yung naganap sa pagitan ni Kinneth at AJ. Ang lahat ng sinabi at inasal ni kinneth kay AJ. Nilingon na ni kinneth si Julius.

"What do you mean?"

Nagbabantang tingin ang ipinakita ni kinneth kay julius habang tinatanong yun. Napa"whoa" na lang si Julius habang kinakawag-kawag ang kamay sa harapan ni kinneth. Umaatras din ito habang ginagawa yun.

My Dream GayWhere stories live. Discover now