Chapter 37

1.4K 49 7
                                    






"Oh.... Hi there."
"Alone?"
"Do you want me to join you?"
"Sayang ang kagwapuhan mo kung magisa kalang na umiinom dyan sa sulok."

Wika ni Shane kay Kinneth ng lapitan nya ito at umupo sa katabing upuan.

"Leave me alone."
"I don't need you."
"Get lost."

Walang emosyong sagot ni Kinneth. Hinawakan nya ang baso ng alak na nasa harapan nya at ininom iyon.

Parang wala namang narinig si Shane dahil mas lumapit pa ito kay Kinneth. Mapangakit nyang pinadulas ang kamay nya papunta sa balikat ni Kinneth.

"Common."
"Alam kong gusto mo ng kausap."
"I'm here... You can talk to me."
"I will listen."

Malambing na sabi ni Shane. Mapangakit pa nyang hinawakan ang tenga ni Kinneth gamit ang kamay nyang nasa balikat pa din nito.

Nasa di kalayuan lang ang mga kaibigan ni Shane. Nakamasid lang ang mga ito sa ginagawa ni Shane kay Kinneth.

"Bobo ka ba?!!"
"O ga munggo lang talaga ang utak mo kaya di ka makaintindi?!"

Marahas na ibinaba ni Kinneth ang baso sa lamesa. Muntikan pa itong mabasag. Napatingin pa ang ilang tao na nandun.

Dahil sa pagkagulat ni shane, mabilis nyang inalis ang kamay nya sa balikat ni Kinneth. Tumayo sya at dumistansya dito.

"Your a jerk Kinneth."
"And your a loser too."

Saad ni Shane. Naghalukipkip pa sya at matamang tiningnan si Kinneth bago ito nagpasyang umalis.

Napahigpit ang hawak ni Kinneth sa baso nya ng marinig nya yun.

I'm not!! Shit!! I'm not a loser. I will never let that happen.

Saad ni kinneth sa kanyang utak. Marahas nyang ininom ang alak sa baso nya hanggang sa maubos ito. Kumuha sya ng isang libong piso sa bulsa nya. Inilapag nya yun sa lamesa at pagkatapos ay naglakad na palabas.

---

"Tomorrow. 6 in the evening. I'll pick you up. Good night.--- Drei."

Basa ni AJ sa text ni Andrei sa kanya. Nakahiga si AJ sa kanyang kama. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan.

Nagtipa ng reply si AJ.

"Okay. Good night. See you tomorrow. I love you Drei.---Joanna."

Tinitigan ni AJ ang tinype nyang text para kay andrei. Ilang segundo lang ay binura nya yun at nagtype ulit ng panibago.

"Okay. Tomorrow then. Good night. Drei.---Joanna."

Muling tinitigan ni AJ ang ginawa nyang text. Ilang ulit nyang binasa yun.

Matapos ang limang ulit na pagbabasa ng text na tinype nya, niyakap nya ang phone nya at malalim na napaisip habang nakatingin sa ceiling ng kwarto nya.

Kahit sa text wala akong lakas ng loob na mag I love you. Mukhang hanggang sa isip ko na lang masasabi ang salitang yun.

Wika ni AJ sa kanyang utak. Ipinikit nya pa ang mga mata nya.

Nang minulat nya na ang mata nya, muli nyang hinarap ang phone nya at saka pinindot ang send. Mabilis ang tibok ng puso nya habang pinagmamasdan ang pagload ng text na sinisend nya.

Parang napatid ang hininga nya ng makita nyang magsend ang text nya.

Joskoo!! Magkakasakit ata ako sa puso dahil sa baklang ito.

Saad nya habang ipinapatong ang phone nya sa lamesa sa may gilid. Umayos sya ng higa. Dahan-dahan nyang ipinikit ang kanyang mga mata. At nagsimula ng matulog.

My Dream GayWhere stories live. Discover now