Chapter 11

2.1K 91 8
                                    

Jne's Note

Sorry po sa late na update..Not feeling well lang.

Don't forget to write any comment and vote.

Grazie mille!!everyone
Buonsera guys!!
Love lots.❤
God bless.
Jne⭐

************

Ng matapos kumain si andrei at ang dad nya ay nagdiretso na sya sa kwarto nya. Binagsak nya ang kanyang katawan sa kanyang malambot na kama. Napabuntong hininga sya at pinikit ang kanyang mga mata.

"Best actor ka bakla.....Kaya mo yan."

Pagchicheer ni andrei sa sarili nya sa kanyang utak.

Ilang minuto din syang nakahiga sa kama nya ng maisipan na nyang tumayo para makapaglinis na ng katawan. Sanay si Andrei na naliligo pagkarating nya sa bahay nila. Malinis talaga sya sa kanyang katawan.

Naging mabilis ang kilos ni andrei sa paliligo dahil pagod na din sya.

Lumabas sya ng bathroom na nakatapis ang pangibabang parte ng katawan nya. Habang naglalakad sya papuntang kama ay pinupunasan nya ng isang pang towel na hawak nya ang kanyang buhok para matuyo ito agad.

Kinuha nya ang phone nyang nilapag nya sa may side table ng dumating sya sa kwarto nya. Plano nyang itext si AJ dahil may kailangan syang sabihin dito.

Umupo sya sa gilid ng kama at nagsimula ng magtype ng message para kay AJ.

"Bestieeee......I'll pick you up tomorrow. Let the courting begin. Wait for me. Good night.---Drei"

Sinend na nya yun pagkatapos. Ng masiguro nyang nasend na ang text nya ay binalik na nya ang phone nya sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama nya.

Tumayo si andrei at pumasok sa walk in closet nya na katabi lang ng bathroom nya. Nagsuot lang sya ng boxer short at isang sando.

Kahit na bakla si Andrei ay lalaki pa rin sya manamit. Di sya mahilig magdamit babae. At hindi rin sya mahilig maglagay ng kolorete sa mukha nya.

Ng makapagdamit na sya ay humiga na sya sa kama nya. Nilingon nya muna ang phone nya. Nagbabaka sakali sya na magrereply si AJ sa kanya.

Lumipas na ang sampung minuto, labing limang minuto ay wala pa rin syang natanggap na message sa kanyang bestfriend.

"Tulog na ata ang bruha."

"Napagod masyado."

Saad ni Andrei sa kanyang utak. Nilingon na lang nya ang kisame ng kwarto nya. At ilang saglit pa ay dinalaw na din sya ng antok.

Samantalang mahimbing na natutulog si AJ. Di na sya nakapaghapunan. Hinayaan na din sya ng kanyang magulang na matulog para may lakas sya pagpasok nya sa school bukas.

---

Naalimpungatan si AJ. Bigla syang napabangon sa pagkakahiga nya. Nasilaw sya sa sikat ng araw na tumama sa mukha nya ng lingunin nya ang bintana ng kwarto nya. Hindi kasi kakapalan ang tela ng kurtina ng bintana nya. May pagkalace din ito kaya tumatagos ang sikat ng araw pag umaga.

Nag-inat si AJ matapos makarecover ng mata nya sa pagkakasilaw sa araw. Napalingon din sya sa orasan na nakapatong sa lamesang nasa gilid ng kama nya.

"Maaga pa pala."

Sambit nya sa utak nya. Napalingon din sya sa phone nya na katabi lang ng orasan. Bigla syang inatake ng curiousity kaya kinuha nya ito para tingnan kung may nagtext sa kanya.

Nakita nya ang message ni Andrei sa kanya.

"Abat nagmessage pala si bakla sa akin."

"At kagabi pa ito."

My Dream GayWhere stories live. Discover now