Chapter 25

1.5K 54 2
                                    




Tahimik lang si AJ at kinneth sa loob ng sasakyan. Diretso lang ang tingin nila sa unahan. Nakakabingi ang katahimikan.

Labing dalawang minuto ang lumipas ng makarating sila sa school. Mabilis na ipinark ni Kinneth ang sasakyan nya sa parking lot.

"Thanks."

Maikling saad ni AJ kay Kinneth ng mapatay na ni kinneth ang makina ng sasakyan nya.

Parang wala namang narinig si Kinneth dahil agad na itong bumaba ng sasakyan. Sinamaan ni AJ ng tingin si Kinneth na nasa labas na.

Ang bastos nya talaga.

Inis na saad ni AJ sa utak nya. Binuksan na nya ang pinto. Una nyang inilabas ang saklay nya. Isinukbit muna ni AJ ang bag nya sa balikat nya bago sya dahan-dahang lumabas.

Gulay. Mas mahirap pa pala ito sa inaakala ko.

Reklamo ni AJ sa utak nya. Nakafocus lang ang mata nya sa lupa na aapakan nya.

Patayo na si AJ ng bigla syang maout of balance.

"Ay!!"

Malakas na anas ni AJ. Pero naging mabilis ang kilos ni Kinneth kaya sa bisig nya bumagsak si AJ. Bumagsak sa lupa ang saklay ni AJ habang sya ay nasa bisig ni kinneth at magkatitigan sila. Mata sa mata.

"Ugly clumsy."

Wika ni Kinneth habang titig na titig pa din sa mata ni AJ. Nagsalubong naman ang kilay ni AJ. Napaangat ang gilid ng labi ni kinneth dahil sa inasta ni AJ.

"Bitawan mo nga ako!!"
"Alis nga!!"

Inis na saad ni AJ. Pilit din syang kumakalas sa hawak ni Kinneth. Binitawan naman sya ni kinneth pero muntikan na naman syang matumba kaya hinawakan muli sya ni Kinneth.

"Bastos ka talaga!!"
"Nananadya ka ba?!"

Malakas ang boses ni AJ kaya yung ibang estudyante na dumadaan ay napatingin sa kanila at pinagusapan sila.

"Ako pa?"
"Sabi mo bitawan ka."
"Ang gulo mo."

Wika ni kinneth. Pinulot nya ang saklay ni AJ. Isinandal nya yun sa may sasakyan.

"Tse!!"
"Manahimik ka."

May inis sa boses ni AJ. Naghalukipkip din sya. Umiling na lang si Kinneth.

Ilang minuto sila sa may kotse ni Kinneth. Tahimik at hindi nagkikibuan.

"Ano naman yan?"

Nakataas ang kilay na tanong ni AJ kay kinneth ng inilahad ni Kinneth ang kamay nya sa harap ni AJ.

"Kamay?"
"Sa pagkakaalam ko ay yun pa din ang tawag dito."

Pilosopong sagot ni Kinneth. Mas lalong nangunot ang noo ni AJ.

"Pinipilosopo mo ba ako?"

Seryosong tanong ni AJ. Masama din ang tingin nya kay Kinneth.

"Hindi."
"Sinasagot ko lang ang tanong mo."

Kalmadong sagot ni Kinneth. Nakalahad pa din ang kamay nya sa harapan ni AJ.

"Tara na?"

Nakangiting parang walang problema na sabi ni Kinneth. Mas inilapit nya din ang kamay nya kay AJ. Marahas na napakamot sa ulo si AJ. Sa halip na kamay ni Kinneth ang hawakan ay yung dalawang saklay nya ang kinuha nya.

"Bahala ka dyan."
"Bwisit ka."

Padabog na iniaapak ni AJ ang saklay sa lupa kada hahakbang sya. Napakamot naman si kinneth sa kanyang kilay habang napapangiti.

My Dream GayWhere stories live. Discover now