Chapter 13

1.9K 76 5
                                    




Ano ba naman ito.
Pati ba sa damit pag-iisipin ako?

Sobrang naguguluhan si AJ kung kaninong damit ang pipiliin nya. Ipinikit nya ang kanyang mata at huminga ng malalim. Bigla nyang kinuha yung damit. Di nya alam kung kaninong damit ang nakuha nya kasi nakapikit sya ng kinuha nya yun. Pumasok ulit sya sa loob ng restroom.

Habang nagpapalit si AJ sa loob ay nakatulala ang apat sa labas. Di nila mapaniwalaan ang nangyari. Nagkatinginan sina Emman at Julius sa isa't isa.

Damit kasi ni Kinneth ang nakuha ni AJ. Gulat na gulat si Kinneth ng mangyari yun. Napatingin din sya kay Andrei na nakatulala pa din sa tabi nya. Napahinga muna ng malalim si Andrei bago nya itinago ang damit na hawak nya sa loob ng bag nya.

Ilang minuto lang ang tinagal ni AJ sa loob. Pagkalabas nya ay nakatingin lang ang apat sa kanya. Napataas sya ng kilay dahil sa kinilos ng prince 4.

"Let's go?"

Yaya ni AJ sa prince 4. Tumango lang sina emman at julius habang titig na titig si andrei kay AJ. Poker face naman si Kinneth sa tabi ni andrei.

"Bruha ka!!Bestie!!"
"My hidden desire ka pala kay fafa Kinneth ko!!"
"Traydor ka!!"

Pagbubuhos ng galit ni andrei sa kanyang utak. Nagpupuyos ang damdamin ni Andrei dahil sa ginawa ng kanyang kaibigan.

Naglakad na sila. Nauna muli sina Emman at Julius sa paglalakad. Nagkukulitan pa sila, binabatukan ni Emman si Julius at gagantihan din ni Julius si emman ng batok.

Tahimik naman na naglalakad sa likod nina emman yung tatlo. Si Andrei, kinneth at AJ. Parang may anghel silang kasama dahil sa masyadong katahimikan.

"Ano bang nangyayari?"

Tanong ni AJ sa kanyang utak. Pasimple din nyang nililingon sina andrei at kinneth sa tabi nya.

"Let's have some coffee."
"I know a place"

Pagaaya ni Emman kina AJ. Hinarap nya ang tatlo sa likod nila. Naglalakad sya habang sinasabi yun. Nakatalikod sya habang naglalakad sa daan. Saka sya humarap sa dinadaanan nya ng tumango sina andrei bilang pagsang-ayon sa gusto nya.

Papunta sila sa "JC Cafe". Isang cafe na nasa loob ng Campus. Meron ding iba't-ibang cafe sa loob ng campus pero ang "JC Cafe" ang pinakagusto nya. Nung una pa lang kasi nyang matikman ang kape dun ay nagustuhan na nya kaya dun na sya lagi nagkakape at minsan ay tumatambay na din.

Mabilis lang nilang narating ang cafe. Di nila inaasahan na maraming customer ngayon. Halos mapuno na ang lahat ng lamesa. Pagbukas pa lang ng "glass door" ng cafe ay nilingon na sila ng mga estudyante na nasa loob ng cafe. Yung iba pa ay nagbubulungan.

Napalingon si emman sa apat na babaeng palapit sa kanila. Siniko din sya ni Julius na katabi nya.

"Bro. Chicks."
"Infairness sexy sila ha."

Mahinang saad ni Julius kay Emman. Nilingon ni emman si julius at binigyan ng pilyong ngiti.

"Hello boys"
"You are the prince 4. Right?"

Malanding sabi ng isa sa apat na babaeng lumapit sa kanila. Lumapit si Emman sa babaeng nagsalita. Malapit na malapit. Napakagat naman yung babae sa labi nya. Napangiti naman si Emman dahil dun.

"Yes we are."

Sagot nya sa babae. Mas inilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ng babae. Konti na lang ay mahahalikan na nya ito.

"What can I do for you? Sexy miss?"

Inilagay ni Emman ang kamay nya sa bewang ng babae at hinapit ito palapit sa kanya. Mapangakit na boses ang gamit ni Emman habang sinasabi yun. Di naman mapigilan ng babae na magblush. Pilyong ngiti naman ang nakapinta sa mukha ni Julius. Habang titig na titig naman si AJ kay emman. At nakapoker face lang sina andrei at kinneth sa tabi ni AJ.

My Dream GayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora