Chapter 28

1.5K 58 8
                                    


"Hey. Hottie."

Pangaakit ng isang babae kay Kinneth. Ginagala pa nung babae ang kanyang kanang hintuturo sa mukha ni Kinneth. Ibinaba pa nya ito sa matigas na dibdib ni Kinneth. Wala namang reaksyon si Kinneth. Seryoso lang ang mukha nya habang iniinom ang "tequilla" sa baso nya. Nasa "Haven Bar" sya. Ang paboritong bar nila.

"You want to have fun."
"Libreng-libre ako."

Patuloy na pangaakit ng babae. Nakasuot ito ng bodyfit na red dress. Maputi ito at talagang may ipagmamalaki ang kanyang dibdib. "Sexy Flirt".

"Hey."
"Look at me."

Hinawakan nung babae ang mukha ni kinneth at saka ihinarap sa kanya. Nginitian nya si kinneth pero bored na tingin lang ang isinukli ni kinneth sa kanya. Nagkagat labi pa ito pero marahas na iniiwas ni kinneth ang mukha nya dito.

Hinawakan ni kinneth ang baso nya at pinaikot ang tequilla sa baso. Nilingon nya muli ang babaeng flirt sa tabi nya.

"You want to have fun. Huh?"

Dinala nung babae ang kanyang kanang hintuturo sa kanyang bibig at mapangakit na kinagat ito. Napaangat ni kinneth ang gilid ng kanyang labi. Dinala nya ang baso nya sa kanyang labi at mapangakit din na hinalikan ang gilid ng baso.

"I'll give you fun."

Inilapit ni Kinneth ang baso nyang may lamang tequilla sa harapan ng babae. Gulong-gulo ang babae. Wala syang ideya sa gagawin ni kinneth.

"What are yo---"
"What the hell?!!!"
"Are you insane?!!"

Tumayo ang babae sa high chair at ipinagpag ang kanyang damit. Ibinuhos ni Kinneth ang tequilla sa may dibdib ng babae. Mismo sa may "cleavage" nito.

"I'm not.."
"Bye."

Kalmadong saad ni Kinneth. Tumayo na sya sa kanyang upuan. Nagiwan lang sya ng dalawang libong piso sa counter at umalis na pagkatapos. Madami-dami din ang nainom nya pero nasa katinuan pa sya.
Paglabas nya sa "Haven Bar" ay kinuha nya sa kanyang bulsa ang susi nya. Pinindot nya ang alarm ng sasakyan para magbukas ito. Mabilis lang syang pumasok at pinaandar ang sasakyan na parang walang bukas dahil sa bilis.

---

"Nabusog ka ba?"

Tanong ni AJ kay Andrei. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan. Nasa may living room naman ang magulang at kapatid ni AJ. Nasa may garden sila ng bahay. Magkatabi silang nakaupo sa upuang bato na nandoon. Malapit sila sa swimming pool.

"Hindi lang busog."
"Busog na busog. Bestie."

Nakangiting sagot ni Andrei. Itinuon nya ang dalawang kamay sa upuan na inuupuan nya at saka tumunghay. Kitang-kita nya ang mga bituin sa langit. Alas syete na ng gabi.

"Bestie?"

Taas kilay na tanong ni AJ. Ipinaling ni Andrei ang ulo nya sa gawi ni AJ.

"Ano?"

Kunot noo namang tanong nito kay AJ. Nagpout si AJ ng labi nya.

"Bakit bestie?"
"Dapat may endearment tayo."

Humagalpak ng tawa si Andrei tipong mapapalingon ang mga ibon, aso at pusa sa kanya dahil sa lakas ng tawa nya.

"At anong nakakatawa?!!"

Maingat na tumayo si AJ. Hinawakan nya ng mahigpit ang saklay nya at pagkatapos noon ay hinarap nya si Andrei. Mas lalo lang lumakas ang tawa ni Andrei.

"Ikaw."
"Nakakatawa ka. Bestie."
"Endearment?"

Wika ni Andrei na hindi pa din humihinto sa pagtawa. Hawak-hawak nya pa ang tyan nya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now