Chapter 15

2.1K 63 1
                                    







Inalalayan nina AJ ang babae papuntang clinic para magamot ang mga sugat nito. Di na rin nagtagal sina AJ sa clinic dahil dumating na din ang sundo ng babae.

"Ay!!"

Malakas na saad ni AJ. Nasa byahe sila ni Andrei pauwi sa kanila. Wala naman syang sundo dahil alam sa kanila na si Andrei ang maghahatid sa kanya.

"Ano?"
"Nabaliw ka na ng tuluyan?Bruha?"
"Bakit bigla-bigla kang sumisigaw dyan?"

Tanong ni Andrei sa baklang-baklang tono. Nilingon lang saglit ni andrei ang kaibigan bago tinuon muli ang mata sa kalsada. Mahirap na pag naaksidente silang dalawa.

"Nakalimutan kong itanong ang pangalan nung babae kanina."

Paliwanag ni AJ. Napailing na lang si Andrei sa sinabi ng kaibigan. Itinukod naman ni AJ ang kanyang siko sa may bintana. Sinandal nya din ang kanyang ulo sa may gilid.

"Pinroblema mo talaga yan?"

Tanong ni andrei ng huminto sila dahil sa traffic. Napabuntong hininga si AJ sa tabi ni Andrei. Lumingon sya kay Andrei at saka nagsalita.

"Gusto ko syang maging kaibigan. Drei."
"Ang gaan nyang kasama."
"Mukha din syang mabait."
"At higit sa lahat....ang cute nya pa."
"Sana magkita ulit kami."

Sunod-sunod na saad ni AJ. Malawak din ang pagkakangiti nya. Nilingon sya ni Andrei at tinaasan sya ng kilay.

"Cute?"
"Kung tuta sya,,,pwede pa ang word na yun sa kanya."
"Di mo ba nakikita ang itsura nya kanina?"
"Ang liit na nga nya, wala pang kakorte-korte ang katawan nya , at ang masaklap pa....flat chested pa sya."

Mahabang pangiinsulto ni andrei sa tinulungan nilang babae. Nagsimula na ding umabante ang sasakyan nila. Sinamaan ng tingin ni AJ si Andrei dahil sa sinabi nito.

"Manyak!!"
"Baklang manyak!!"

Malakas na saad ni AJ sa kanyang kaibigan. Pero ngiti lang ang sinukli ni andrei dito. Lalo namang nainis si AJ. At dahil sa sobrabg inis, hinigit ni AJ ang tenga ni Andrei ng buong lakas. Biglang napapreno si andrei. Nabitawan ni AJ ang tenga ni andrei at napasubsob si AJ sa unahan ng sasakyan.

"Ano bang problema mo!!"
"Kung nabangga tayo?"

Galit na galit na saad ni Andrei. Bumalik din sa lalaking-lalaki na boses ang pagsasalita nya. Medyo namumula ang tenga na hinigit ni AJ.

Manyak.

Pabulong na saad ni AJ bago umayos ng upo. Di na ulit sya nagtangkang magsalita. Kahit bakla si Andrei di maipagkakaila na nakakatakot ito pag nagagalit.

"Sinasabi ko lang ang totoo."

Kalmadong saad ni andrei. Bago balutin ng katahimikan ang loob ng sasakyan.

Naging tahimik na ang naging byahe nila. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita muli. Agad na bumaba si AJ sa sasakyan ni Andrei ng makarating na sila sa bahay. Walang imik-imik. Mabilis din namang pinaandar ni andrei ang kanyang sasakyan paalis sa lugar na yun.

"Good evening po."

Bati ni AJ ng makapasok na sya sa loob ng bahay. Nakita nyang masayang nagtatawanan ang magulang nya at ang kapatid nyang naglalaro ng video game.

"Oh,,ate."
"Ang haggard mo ata ngayon?"

Pagbibiro ni Jacob. Umupo si AJ sa may sofa at nagpangalumbaba. Nagkatinginan naman ang kanyang mga magulang dahil sa inakto ni AJ.

"May problema ba?"

Tanong ng kanyang ina. Umupo din ito sa tabi ni AJ. Tumayo naman ang tatay ni AJ at pumunta ng dining area. Busy naman si jacob sa paglalaro ng video games.

My Dream GayWhere stories live. Discover now