Hired #1

20.1K 211 7
                                    

[MICHAEL]

"Hon?" Nag- angat ako ng ulo upang tanungin si Maria ng bakit. Nasa office lang ako ng bahay namin pero sa boses niya ay parang nag-  aalala siya.

"Hmmm?" Lumapit siya sa akin at umupo sa hita ko kaya naman ay itinigil ko na muna ang ginagawa ko.

"What is it my beautiful wife?" Agad naman itong pinamulahan sa sinabi ko. I always says she's beautiful whenever she's around dahil gusto kong maramdaman niya na kahit matagal na kami ay hinding- hindi ko siya iiwan. Mahal na mahal ko siya kahit limang taon na kaming magmasama. Two years lived in and  three years married.

Kaya lang, hindi parin kami kompleto. Wala pa kasi kaming anak.

We keep on trying pero wala parin.

"Hon, I went to Dra. Jannelle para naman malaman natin kung bakit hindi parin tayo nagkaka- anak" niyakap ko siya ng mahigpit. Matagal ko na siyang kinumbinsi noon pero ayaw niya talaga kaya naman laking saya ko ngayon dahil dito sa sinabi niya.

"And, bakit daw?" Hindi ko mapigilang kabahan sa sasabihin niya sa akin. Gusto ko na talagang may anak kaming dalawa dahil alam ko sa sarili ko na magiging isang ama lang ako kapag may anak na ako.

"I-i cant... bear a child" at doon para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makahinga sa sinasabi niya. Paano na? Hindi ko na ba mararanasan ang maging isang ama?

"H-hon?" Napapikit ako ng tinawag niya ako. Dahan- dahan ko siyang inalis sa pagkakandong niya sa akin at tumayo ako.

"I n- need to breath" at walang lingon- lingong umalis ako ng bahay. Mahal ko siya pero nasasaktan ako. Naghintay kasi ako. Umasa pero wala lang pala ang lahat. Sayang lang.

"BRO, tama na yan" hindi ko pinakinggan ang mga kaibigan ko. Alam ko naman na sobra ang reaksyon ko pero masakit kasi na hindi ko masisilayan ang anak ko.

"Ano ba kasi ang problema?" Hindi ko siya sinagot.

Matapos kong mag walk out kanina ay dumiritso ako sa bar ng kaibigan ko— si Alvin Ignacio.

Basta lang ako pumasok dito at humingi ng maiinom at ng makita ako nito ay agad niya akong dinaluhan pero hindi ko parin sinasabi ang problema ko.

Kaya ang resulta ay tinawagan niya ang ibang kaibigan namin. Sina Alfred Madrigal at Jade Esquerra.

"Ano ba kasi ang problema ng isang yan?" Tanong naman ni Jade. Napansin kong nagkibit balikat si Alvin at uminom na rin.

"Basta nalang yan pumunta dito at nagpakalasing. May problema ata sila ng asawa niya" napapikit na naman ako ng marinig ko iyon.

Problema. Isang problema na kailan man ay hindi mareresulba. Kahit anong gawin namin ay hindi ko parin masisilayan ang little Villona.

"Mukhang iyan nga ang problema. So pare, ano nga?" Napabuntong hininga ako at nilagok ko na muna ang beer na iniinom ko.

"Maria cannot bear a child" mahinahon kong sabi. Just by thinking that thought breaks my heart.

"And? Simple lang naman ang solusyon diyan eh. Hired a babymaker" napailing ako. Alam kong hindi papayag si Maria sa plano nila.

"Hindi pwede bro. Walang matinong babae ang gustong magdala ng bata na hindi kanya" ani naman ni Alfred. His right. Wala talaga.

"Why not give it a try right?" Umiling na lamang ako.

"Pag- iisipan ko na muna. Okay lang bang sa inyo na muna ako matutulog Alvin? Kahit ngayon lang" paki- usap ko. Tumango naman ito at nagpatuloy na kami sa pag- inom.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now