Special Chapter # 2

6.7K 111 13
                                    

Two years later...

Ito ang araw na hinantay mo ng kay tagal
Buhat ng ikaw ay natutung magmahal ...

Lahat ay nakangiti, nagagalak sa mangyayari ngayon araw. Pinaghalong kaba at saya ang puso ng bawat tao na naroon. Nakahanda sa mangyayaring pag-iisang dibdib ng dalawang taong labis ang pinagdaanan.

Napupuno ng pinaghalong asul at puting bulaklak ang paligid. Nakatayo ang lahat at naghahanda na sa paglitaw ng bride.

Nasaktan at nabigo, lumuha at natuto
Ang pag-ibig nga ay hindi isang laro

Sa isang parti ng simbahan ay nakatayo si Michael. Kinakabahan dahil baka nagbago ang isip ng babaeng kanyang pakakasalan.

"Papa dapat nasa pinto ang mata mo" hindi niya na mabilang kung ilang ulit na siyang sinabihan ng kanyang anak na huwag maglilikot pero natatakot kasi siya na baka nawala na ang pagmamahal sa kanya ng ina ng anak niya.

Ramdam niya hanggang ngayon ang saya ng pinagbigyan siya ni Phoebe pagkatapos ng ilang buwang umuwi ito sa probinsya. Akala niya ay hanggang doon nalang sa pagiging magulang nila ang relasyon na mabubuo pero bumalik si Phoebe sa buhay niya at hindi na niya ito pinakawalan.

Sa milyong milyon na tao dito sa mundo
Ay may nag-iisang nakalaan para sayo

Araw- araw niyang niligawan si Phoebe, araw-araw siyang nagdadasal at humihingi ng tulong kay Maria na sana bulongan ito ng dating asawa na sagutin siya. Nangako siya ditong mamahalin niya ito buong buhay niya.

Siya rin ang dahilan bat mga dating sininta
Ay hindi ipinagkaloob sayo ng tadhana

Napatingin si Michael sa pinto ng simbahan dahil unti- unti itong bumukas at doon nakita niya ang pinakamagandang babae sa buhay niya.

Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan
Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan

Suot nito ay pinagawang wedding gown ng ina niya na galing pa sa ibang bansa. Gusto niyang ibigay kay Phoebe ang kasal gusto nito dahil deserve ni Phoebe ang lahat ng kagandahan sa mundo.

Dahan dahan kang naglalakad patungo sa akin
Sa saliw nitong tugtugin.

Nahigit ni Michael ang hininga nga maglakad na palapit sa kanya ang babaeng aalayan niya ng pagmamahal habang buhay.

Tan tananan
Tan tananan
Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan

"I promise that I won't waste any chances na binigay mo sa akin to prove how much I love you."

Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw na pinagdasal niya na tatanggapin ni Phoebe ang makasama siya habang buhay.

Hindi niya kasi kayang maghintay pa ng matagal dahil gusto na niyang makasama araw-araw ang mag -ina niya.

Tan tananan
Tan tananan
Aking makakasama sa magpakailanman

Habang papalapit si Phoebe sa altar ay hindi mapigilang umiyak ni Michael. Malapit na, ilang hakbang nalang ay magiging Mrs. Villona na ang babaeng minahal niya noong una niya itong makita.

Ang pag-ibig na hinanap ko ng kaytagal

Nagmano si Michael sa magulang ni Phoebe at nangakong aalagaan niya si Phoebe at mamahalin habang buhay.

Nahanap din kita, bigay sakin ng Diyos na lumikha

Habang buhay... iaalay ko ang buhay ko na mahalin at pagsilbihan si Phoebe.

Nahanap din kita
Nahanap din kita aahaah...
Ikaw pala sinta
Ang bigay sakin ng Diyos na lumikha

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride" everyone cheered for the newlyweds. They are happy with what they have right now and everyone know kung nasaan man si Maria ay masaya din ito sa pagtatapos ng kwento ni Phoebe at Michael na masayang mamumuhay kasama ang anak nilang si Schyler.

Isang pamilya...

------❤❤❤------
And yes, this final update written shortly just to sealed the love story of the two people who love each other.

🎶 : Wedding Song by Davey Langit
P.S. Pakinggan niyo iyong kanta sa youtube, promise parang gusto niyo na din magpakasal. Wedding

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now