Hired # 26

5.1K 121 17
                                    

"I am really sorry Phoebe. I never expected na pupunta sila dito" Paliwanag ni Harold habang sinubukang paandarin ang kotse. Naiinis pa ako sa kanya dahil ang bagal niya kumilos.

"But Phoebe, I guess you need to face them" umiling ako at hindi siya pinansin. Tinignan ko si Anna wala na siya doon kaya napanatag na ang loob ko lalo na at umalis na kami sa resort.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta para taguan na naman sila pero may tiwala ako kay Harold. Hindi niya din naman sinasadya ang nangyari kanina.

"Harold thank you" ngitian ko siya at tinignan ang anak ko. Naglalaro lang ito sa biling laruan ko kahapon. Panatag na ako at malayo na kami sa mga taong iyon ngunit huminto ang sasakyan namin ng may mga sasakyan sa harap namin na nakatigil.

"Anong nangyayari Harold?" kinabahan na naman ako ulit.

"Hindi ko alam Phoebe" ngunit nalaman ko din ang sagot sa tanong ko ng bumukas ang pinto ng isang sasakyan at may lumabas doon.

"M-michael" nag panic ang loob ko. Nagsisigaw na ako kay Harold na gumawa ng paraan ngunit hindi na nagawa ni Harold.

Kahit kasi sa likod namin ay my sasakyang nakaabang. Tinignan ko muli ang harapan at nakita ko si Michael. Nanlilisik ang kanyang mata sa galit ngunit nakangisi na nakatingin sa akin.

"Harold, anong gagawin ko?" hinawakan ni Harold ang kamay ko at tumingin muna ito kay Schyler na naglalaro pa din bago bumaling sa akin.

"I guess Phoebe, it's time to talk to him. Wala tayong kawala ngayon Phoebe. Kausapin mo lang siya, hindi naman masama si Michael para saktan ka" gusto kong umiling ngunit alam kong tama din siya. Wala kaming kawala.

"Dito lang muna kayo" sabi dito at hinalikan sa noo si Schyler bago bumaba.

Ng makababa ay mas lalong lumawak ang ngisi ni Michael at tumingin pa ito sa gawi ni Harold bago ako sinalubong.

"It's nice seeing you again, Phoebe" napalunok ako pero hindi ako nagpadala. Lalaban ako ng patayan para sa anak ko.

"It's not nice seeing you, Michael" matapang kung sagot. Humakhak ito at umiling. Hinawakan ako nito sa magkabilang braso at tinitigan.

"Wala ka ng kawala" hinatak niya ako papasok sa sasakyan at sininyasan ang mga kasama niyang umalis na.

Tumingin ako sa sasakyan ni Harold at alam kong alam na nito ang gagawin. May tiwala ako kay Harold kailangan ko lang munang ayusin ang gusot na ito para maramdaman ko ulit ang kakaibang saya. Tiis lang muna tayo anak.

HINDI ko alam kung saang lugar niya ako dinala pero nandito kami sa loob ng restaurant, VIP room.

Magkaharap kaming dalawa ngayon at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Marahil ay tinatansya niya muna ang itatanong.

"Ano bang kailangan mo Michael?" pagbasag ko sa katahimikan. Ngumisi ito sa akin at tinawag ang waiter. Nag order na muna ito ng makakain namin bago ako binalingan ulit.

"Nasaan ang anak ko?" Napataas ang kilay ko. Ang kapal talaga ng mukha ng gagong ito. 

"Hindi ko sasabihin Michael. Masaya ka na diba? Iniwan mo na ako at ang pag-iwan mong iyon sa akin ay siyang pag-iwan mo din sa anak mo" matigas na pagkakasabi ko ngunit ng tignan ko ang mata ni Michael ay tila natigilan ako. Anong nangyayari?

Pagod na pagod ang mga mata ni Michael na nakatingin sa akin. Hindi ko alam at sa totoo lang, hindi ko gustong malaman ngunit bakit ganito? Akala ko ba masaya na siya ng iniwan ko siya?

"Bigla ka na lang naglaho Phoebe. Iniwan mo ako, galit na galit si daddy sa nangyari pero mas nagalit ako Phoebe. Iniwan mo ako, hindi ka naniwala sa akin" napatawa ako ng mapakla. Ano nga bang dapat kong e-expect sa taong ito? Puro kasinungalingan, walang paninindigan.

"Hindi ako biglang nawala Michael. Umalis ako, nagtago ako dahil sa akin niyo isisisi ang lahat. Wala akong kasalanan, oo minahal kita Michael pero tumigil na ako ng binaliwala mo na ako. Tumigil na ako kakahabol sa attention at pagmamahal mo ng bumalik kayo galing sa hindi ko alam kung saan. Kaya please Michael, stop this crap!" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi kaya.

"Phoebe, ginawa ko lang ang responsibilidad ko. Kailangan ako ng asawa ko Phoebe... si Maria-" pinatigil ko siya. Umiling ako, I don't need those explanations.

"Ginawa ko din ang responsibilidad ko Michael. Bilang isang ina ayaw kong masaktan ang anak ko. Noong una sumang-ayon ako na manatili para sa kaligayahan niyo pero ang ikulong ako?" uminom ako ng tubig. 

"Iyon ang hindi tama Michael" umiling ito at hinawakan ang kamay ko. Inilayo ko naman sa kanya ang sarili ko.

"Mali ka Phoebe. Ganoon ang nangyari dahil kailangan ako ni Maria. Hindi pa kita makukumusta at takot lang kami na umalis ka. Hindi naman alam na dahil doon ay aalis ka" 

"Dahil napagod ako Michael. Napagod ako sa pamilya ninyo at ayaw ko na magisnan ng anak ko ang ganoong klasing pamilya" tila natigilan si Michael sa nadinig.

"Ano ang alam mo sa pamilya ko Phoebe? Tingin mo talaga masasamang tao kami?" Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero kasi, iyong lahat ng nangyari sa akin. Hindi pa ba iyon sapat para sabihing magulo ang pamilya nila?

"Prinoprotekhan lang ng mga magulang ko ang anak ko. Gusto nila itong makasama at gusto din nilang makabawi kay Maria. Wala ka kasing alam Phoebe at basta ka nalang nag-isip ng masama" tinignan ko siya. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya sa akin. Ako pa talaga ang nag-isip ng masawa. Mapakla akong ngumiti.

"Bakit Michael, wala din ba akong karapatan na protektahan ang sarili ko? Nadadaan sa maayos na pag-uusap ang lahat Michael. Almost a year akong namalagi sa inyo, pinakot mo at pinaniwalang mahal mo ako habang iyong mga naiwan ko? Iyong buhay na meron ako ni wala ka ding alam" tumayo ako ganoon din si Michael. 

"Tapos na ang pag-uusap na ito Michael. Wala kang mapapala sa akin dahil kahit anong gawin mo, hindi mo makikita ang anak ko" aalis na sana ako ngunit hinawakan ni Michael ang braso ko. Napangiwi pa ako sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Five years Phoebe... limang taon mo siyang nakasama. Naghanap ako Phoebe pero tama ka wala akong alam sayo kahit isa" binitiwan na ako nito.

"Wala akong alam kung sino ka at kahit iyong mga nakakilala sayo ay hindi nila sinasabi kung nasaan ka dahil hindi na nila alam ang buhay mo, kaya tama ka..."

"Pero kasi Phoebe, anak ko ang tinago mo. Pagkakamali natin ang tinago mo, hindi pa ba sapat ang ilang taong pagtatago Phoebe?" natahimik ako ulit. Hindi ko mahanap ang boses ko sa kung anong gusto kong sabihin. 

"Wala na si Maria... matagal na" doon ako napalingon sa kanya. A-anong ibig sabihin nito?

-------------------------------------- ♥♥♥ ------------------------------

Happy reading. Few more chapters then epilogue na. Kayo ba, mapapatawad niyo pa ba si Michael? At what do you think happened to Maria? Ano sa tingin niyo ang ibig sabihin ni Michael na wala na si Maria?

Comment down below. 😘

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now