Hired # 28

5.6K 113 9
                                    

[Phoebe]

"She killed herself Phoebe..." Michael is already crying and I don't know what to react after everything that I heard.

Totoo ba iyon? Bakit naman niya iyon nagawa sa sarili niya?  Am I at fault too?

"Hindi niya ang sakit ng pagkawala ng anak namin" I went to Michael and hugged him. Iyon lang siguro ang magagawa ko sa kanya. Kahit naman kasi galit ako sa kanya ay may pinagsamahan naman kaming dalawa.

"Michael... I'm sorry" and I am sincere with my sorry. Kung hindi ako dumating ulit sa buhay nila marahil ay hindi nangyari ang lahat ng ito.

"I'm at fault Phoebe, kung hindi kasi ako naging gago hindi ito mangyayari lahat" Umaayos ng upo si Michael kaya bumalik na ako sa upuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya at tila tinatantsa ko kung anong sasabihin.

May dinikot si Michael sa bulsa niya at may inilabas na white envelope— iyong email envelope.

"Iniwan to ni Maria para sayo" napalunok ako, deserve ko bang tanggapin ang sulat na iyon?

Kinuha ko ang envelope at tinitigan. Bakit naman siya magbibigay ng sulat sa akin? Para sabihin sa akin ang sakit na pinagdaanan niya? Para manumbat sa akin?

"She left that on her bed sa loob ng hospital. Marami siyang iniwang sulat Phoebe, at isa iyan sa mga sulat na naiwan niya" tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Natatakot akong buksan dahil hindi ko alam kung anong kalalabasan kapag nabasa ko ito.

"Hinanap kita Phoebe dahil isa iyon sa hiniling niya sa akin." Napatingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Mahalaga ka sa kanya Phoebe, nagkataon lang na nahihirapan siya sa nga pangyayari sa buhay niya noong mga panahong iyon" Wala na uling nagsalita sa aming dalawa. Hanggang sa napagpasyahan naming umuwi na.

Inuwi niya ako sa resort at nagpasalamat ako dahil nandoon din si Harold. Naghihintay sa aking pagbabalik, nilingon ko si Michael ng makababa na kami ng kanyang sasakyan.

"Hindi pa kami aalis Phoebe, gusto ko pa ring kilalanin ako ng anak ko at gusto ko siyang makita" tumango na lamang ako dahil hindi ko pa alam.

Tama bang magtiwala ulit ako? Alin ba doon ang totoo at alin ang kasinungalingan?

Lumapit ako kay Harold at ngumiti. Iginaya niya ako kung nasaan ang anak ko at kasalukuyan itong natutulog sa loob ng kwarto dito sa resort.

"Dito na muna kayo Phoebe, alam ko naman na marami ka pang kailangan ayusin" tumingin ako sa kanya at sa natutulog kong anak. Mahalaga sa akin si Harold, sa mga araw na magkasama kami ay unti-unti ko siyang nakilala. Mabait na tao si Harold at lagi niyang inuuna ang tingin niya'y tama. Tingin ko din ay ginagawa niya ito dahil ito ang nakikita niyang tama para sa buhay ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Harold. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero isang pasasalamat ang lumabas sa labi ko.

"Mahalaga kayo sa akin Phoebe, at kung pipiliin mo akong manatili sa buhay mo, Gusto kong buo ka at si Schyler" Hinaplos ni Harold ang mukha ko.

"Gusto ko walang matirang what ifs sa puso mo dahil gusto kong magbubukas ka ng panibagong yugto ng buhay mo na totoong masaya ka na kapiling ang mahal mo" napapikit ako.

Iniwan kami ni Harold sa kwarto dahil may aasikasuhin na muna siyang trabaho kaya naman ay tinabihan ko Schyler.

Hinaplos ko ang mukha niya. Matalinong bata si Schyler kahit hindi ko ito tanungin ay alam kong alam na niya ang mga pangyayari pero dapat ko ba talagang ipakilala siya sa ama niya?

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now