Hired # 19

4.4K 87 2
                                    

Hindi naging maayos ang lahat. Nawawalan na ng oras sa akin si Michael at kahit sa gabi ay hindi na niya ako napupuntahan. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa mga pangyayari.

Palaging si Maria o di kaya ang mga kasambahay ang nag-aalaga sa akin dahil nagkaproblema sa companya nila.

Kagaya ngayon, limang buwan ko nang pinagbubuntis ang nasa sinapupunan ko at pupunta kami ulit sa OB ko. Kanina pa din ako pinipilit ni Maria na doon na sa mommy ni Michael pero umayaw ako. Hindi pwede dahil walang alam ang mga magulang ni Michael tungkol sa sitwasyon namin.

"Please Phoebe? Gusto ko talagang doon ka kay mommy para masisiguro kong safe kayo ng baby ko" gusto ko siyang sigawan dahil sa kakulitan ngunit naaawa ako sa kanya.

Magmula kasi noong bumalik siya ay lalo siyang pumayat. Hindi ko alam kung may problema silang mag asawa o may iniinda siyang sakit. Pinapakita niya kasi lagi na masaya siya dahil excited siya sa darating nilang 'baby'.

"Pwede pag-isipan ko Maria? I mean, komportable na kasi ako ngayon sa kung sino ang OB ko" sabi ko na lamang at tumingin sa labas ng sasakyan.

Malapit na kaming makarating sa hospital.

"Okay, but we will visit mommy on her clinic. Gusto ka niyang makilala" napalunok ako. Does she knows already?

"We will go to the mall today to buy the other baby things then to mommy's clinic para sabay na tayong mag dinner" wala na akong nagawa kundi ang tumango. I secretly text Michael sa plano ni Maria. Hindi pa siguro niya nababasa dahil wala akong natanggap na reply.

Nakarating kami sa hospital at agad kaming pumunta sa OB ko. Noong una ay ako lang ang pumasok dahil nagpunta muna sa C.R si Maria.

Natuwa naman ako doon dahil makakausap ko ng maayos ang OB ko.

"Magandang umaga po" bati ko dito. Pinaupo muna ako nito at nagsimula ng magtanong.

"Hindi naman sa nangingialam ako pero bakit sumang-ayon ka sa ganitong sitwasyon? Nangangailangan ka ba?" natahimik ako. Wala kaming papel na pinermahan at wala akong makukuhang kahit ano mula sa kanila.

"Hindi ko naman talaga po ito ginusto. Nalungkot lang ako sa kaibigan ko at sumang-ayon nalang ako pero po kasi..." nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya pero wala akong ibang mapagsabihan.

"Anak ko kasi ito. Noong gagawin na namin ang process para maging surrogate ay nalaman namin na buntis ako at ang ama ay iyong asawa ng kaibigan ko" napayuko ako, tahimik lang kaming dalawa hanggang sa may nadinig akong kumatok. Pumasok si Maria at bigla akong kinabahan. Narinig niya kaya kami?

Ngumiti si Maria sa amin at nagtanong na sa doctor kung nagsimula na ba kami.

"Hinintay ka po talaga namin ma'am. Halika Ms. Phoebe, titignan na natin kung ano ang gender ng baby mo" sumunod ako sa kanya at inayos na ang sarili ko.

Kinakabahan ako sa totoo lang. Baby ko din ito eh, mas masaya kung nandito si Michael.

"By the way, my husband texted me he is here malapit na. Can we wait?" parang may nagpalakpak sa tenga ko. Michael is here. The love of my life is here.

Labis ang tuwa na naramdaman ko. Actually crowded na kami sa loob at kung normal lang ito ay ako lang ang papapasukin pero ganoon na nga siguro kapag mayaman. Kayang gawin ang lahat masunod lang ang gusto.

Napa-isip ako sa anak ko, ayaw ko siyang maging spoiled. Gusto ko na kapag lumaki siya ay hindi siya aasa sa kung anong meron ang pamilya niya. Gusto kong pagdaanan niya ang hirap upang makamit ang pangarap niya.

Ano kaya ang mangyayari kapag nanganak na ako? That's four months from now. 

"Thank you for waiting" napatingin ako sa pinto. Parang tumigil ang lahat at nag slow motion si Michael sa paningin ko. Gusto ko siyang ipaglaban. 

"Hon, we are going to know our baby's gender and I am so excited" magiliw na sabi ni Maria kay Michael. Hinalikan naman ni Michael sa labi si Maria kaya napaiwas ako. How I wish bigyan naman kami ulit ni Michael ng pagkakataon na magkasama.

"Let's start?" Anunsyo ng doctor. Pinahiran niya ng gel ang tiyan ko tsaka niya nilapat iyong hawak niya sa tiyan ko. Ginalaw-galaw niya iyon hanggang sa pinakita nito sa amin si baby.

"Your baby is very healthy and I bet she'll be pretty like her mommy" namula ang mukha ko at napaluha ako. A girl, my baby.

"Thank you so much for this Phoebe, I really owe you a lot. Thank you" niyakap ako ni Maria kaya napatingin ako kay Michael. Nakatitig lamang siya sa monitor at napaluha. 

Ang sikip, ang sikip ng pakiramdam na tatlo kami sa buhay ni baby pero maging kasama kaya ako nito hanggang sa lumaki siya? 

Tinignan ko si Michael. Nakatitig siya sa akin and he is smiling. 

"Thank you, Phoebe." and there, unti-unting umagos ang mga luha ko. Hindi ko alam but I am expecting that he will say I love you to me. I am so disappointed.

"GOOD THING we know the gender of the baby, pwede na nating simulan ang kanyang kwarto at mamili ng ibang gamit..." excited ang boses ni Maria habang naglalakad kami papasok sa mall. Gaya ng napag-usapan ay mamimili muna kami ng kulang sa gamit ng baby at pupuntahan namin ang magulang ni Michael.

"Anything you want Maria, ibibigay ko sa kanya" iba na siya. Iyon lang ang nasa isip ko. Nag-iba talaga si Michael at gusto kong malaman kung bakit niya ako nakakalimutan.

Ng makarating kami sa baby section ay hinayan na namin si Maria sa paglilibot. Ayaw niyang mawalay kay Michael pero ng makakita ng magandang damit ay nawala na ang attention ni Maria sa asawa kaya agad akong lumapit.

Niyakap ko siya pero ganoon nalang ang pagkabigla ko ng lumayo siya sa akin.

"Phoebe, my wife's here. I don't want her to see us with our affair" napayuko ako. 

"Bakit Michael? Akala ko ba ilalaban mo?" dahil sa totoo lang, nalilito ako sa kanya. 

"Mali kasi ito Phoebe, nagpadala lang ako sa lungkot kaya natin iyon nagawa, kaya ko iyon nagawa sa iyo" nanlisik ang mga mata ko at hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

"Gusto mo bang malaman ni Maria ang lahat Michael? Ang tungkol sa baby? O gusto mong umalis ako ngayon din" desperado na ako. Mahal ko si Michael at akin siya magmula ng may nagbunga sa sinapupunan ko. Umiling si Michael sa akin at nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Please Phoebe, I'll make it up to you. Pagod na kasi ako Phoebe kaya sana intindihin mo ako" naawa ako bigla sa kanya ng matitigan ko ang mga mata niya. Anong nangyayari?

"Pangako Phoebe, ngayon lang. Kailangan kasi ako ni Maria" 

pero mas kailangan kita Michael. Ang sarap isigaw ng mga katagang iyon ngunit nakita ko ang lungkot at pagod sa mga mata niya ay natahimik ako at hinayaan na lamang ang lahat ng ito. Mahal niya ako at alam ko iyon. 

Maghihintay ako Michael. Mahal kita. 

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now