Hired #8

5.2K 104 8
                                    

[Phoebe]

"Hindi ba talaga pwede na sa bahay ko nalang ako?" Tanong ko kay Maria. Kararating lang namin sa bahay nina Michael at kanina ko pa siya kinukulit na umuwi.

"What my wife says, 'yon ang masusunod" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. May gosh! Bakit ba galit siya?

"Fine! Dito na nga ako titira" umalis na ako at pumunta sa garden nila. Kami lang dalawa sa bahay nila, ayaw kong mag-isip ng masama dahil alam ko naman na impossible na iyon. And besides, hindi ko na din naman iyon uulitin. Imagine, do some nasty things to your friend's husband then doing it all over again? My gosh, ayaw kong maging kabit.

Nagmumuni-muni lamang ako sa garden ng tumunog ang telepono ko.

Maria calling...

Napabuntong hininga ako. Sorry talaga Maria sa nagawa kong kasalanan sayo. I cleared my throat and answer the call.

Maria?

[PHOEBEEE!!! My gosh excited na ako sa magiging baby namin ni Michael. Alagaan mo ng mabuti ha?]

Yes yes of course, aalagaan ko talaga ito. Anak ko ito eh (Isip-isip ko)

[Salamat Phoebe, at sana magkasundo kayo ng asawa ko. Parti ka na ng pamilya namin]

Natahimik ako. Pamilya
Siya, si Michael at ang anak ko. Hindi ako kasali, wala ako sa pamilyang sinasabi niya.

[Phoebe? Andyan ka pa?]

Yes Maria, sorry may iniisip lang

[Phoebe naman, set a side the problems please? Makakasama yan sa anak ko]

Mapakla akong napangiti.

Sorry Maria.

[O'sya, tapos na ang break ko. Babalik na ako sa loob. Pakikumusta nalang ako sa asawa ko. Alagaan mo siya please?]

Yes, I will don't worry.

[Salamat Phoebe, I love you bye]

Napatitig ako sa telepono. My life is about to change. Am I ready for it?

"Tapos ka na?" Napaigtad ako sa nagsalita. Tinignan ko si Michael at ngumiti ng mapakla.

"If you're done, come inside. Magpahinga ka" tumango na lamang ako at pumasok na sa loob ng bahay. May kwarto sa first floor at doon ako mamalagi. Okay na din sa akin dahil malayo sa kwarto nilang mag-asawa.

Nagbihis na ako at nagpahinga. I need to think of this things. Hanggang kailan ako magsisinungaling?

Hinawakan ko ang tiyan ko. Baby, whatever may happen remember that I love you. Mommy loves you very much.

I closed my eyes and sleep. I will have a long day tomorrow. For sure.

I WOKE UP early in the morning. I don't know if Michael's awake. Nagluto nalang ako ng agahan for mysef. Bahala siya kung ano ang kakainin niya.

"Wow? Is that for me?" Napalingon ako sa kanya at akmang sasagutin siya ng magsalita na naman siya.

"well thank you. But if your doing that just to please me and to let me fall for you? Sorry, I love my wife" natawa ako sa sinabi niya at the same time nainis. Ang kapal naman ng mukha niya!

"Excuse me, this is not --" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya.

"I'll be gone for the whole day, may trabaho ako and you... You stay here in my house and don't do something stupid. If you need anything you can call me but don't expect that I'll be the one who will give you what you need..." tumalikod ito at naglakad paalis ngunit may sinabi na naman ito na ikinainis ko.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now