Hired # 22

4.7K 99 4
                                    

Sa ilang araw kong pamamalagi sa bahay nina Michael na kasama ang kapatid nito na si Anastacia ay hindi ko na naisip ang tungkol sa nangyari sa amin ni Michael. 

"Ate may ipakikilala ako sa'yo" nasa labas kami ng bahay at nag-uusap ni Anastacia na mas gusto niyang tawagin ko siyang Ana dahil mahaba daw iyong pangalan niya.

"Sino iyan boyfriend mo?" ganito lang ang ginagawa namin sa maghapon dahil hapon naman siya pumupunta dito.

"Hindi 'no. Kaedaran mo na ito at nakita niya kasi iyong post ko sa social media na kasama ka. Gusto niyang makilala ka" tumango lang ako at hinayaan siya sa gustong gawin.

Pinakilala niya sa akin si Harold, isang engineer at may sarili itong company. In-add friend niya sa social media ko iyong Harold. 

"Nag chat siya sa akin na gusto ka niyang maka-usap ng personal pero sabi ko bawal pa. Siguro kapag tapos na ang lahat" ngumiti ako at nag scroll pa lalo. Wala naman akong intensyon na makipagrelasyon sa ibang tao dahil mas gusto ko pang aalahanin ang sarili ko. 

Ayaw ko na kasi ulit ng sakit ng ulo. Mukhang hindi kasi ako maswerte sa pag-ibig at lagi nalang ganito ang nangyayari.

"Alam mo ate Phoebe, masaya ako lalo na at nakikita ko ang glow mo" lagi niya iyong sinasabi sa akin. Na kesyo gumaganda daw ako at nakakamove on na ako sa kapatid niya. 

Hindi niya alam na kahit masaya ako ay nasa puso ko pa din si Michael. Wala lang, gusto ko lang siyang mahalin hanggang sa dumating ang panahon na kailangan ko ng bumalik sa dating buhay ko.

"Ate Phoebe, saan ka nga ulit nakatira?" hindi siya nakatingin sa akin kundi sa cellphone niya.

"Sa Toledo, nandoon ang buhay ko. Alam mo bang bakasyon lang talaga ang ipinunta ko dito? Ngunit naaberya nga itong buhay ko sa inyo at hindi ko na naaasikaso iyong dating buhay ko" nagkwento ako sa kanya ng mga nangyari sa akin. Mabait naman sa akin si Ana at alam ko na kaibigan na ang turing niya sa akin.

"Ate wag kang magagalit sa akin ha? Alam mo naman diba kung ano talaga ang dahilan ng lagi kong pagpunta dito pero promise ate nitong nakaraan ay gusto na kitang kasama lagi" natawa ako. Lagi niya kasing pinapaalala sa akin iyon.

Sa totoo lang ay inutusan siya ng mga magulang niya na puntahan ako upang maka move on. Para kapag bumalik na si Michael at Maria ay tanging ang bata nalang talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. 

Seven months. Ilang buwan na lamang at manganganak na ako. Kinakabahan ako lalo na noong pinakita niya sa akin at video ng isang ina na nanganak. 

Tumahimik na kaming dalawa at nagkanya-kanya na kaming aliwin ang sarili. Napatitig ako sa kawalan.

Tama ba talaga itong lahat? 

Pumunta ako dito, hindi lang para magbakasyon kundi para na din ayusin iyong magiging negosyo ko. Seven months ago at nagsasaya lang ako sa buhay ko.

Pero iyong isang gabing pagkakamali ko ay gumulo ang mundo ko. Nalito ako at hindi ko na kayang bumalik sa dati. 

Nawala ang mga tao sa buhay ko at napalitan iyon ng mga taong patuloy na ginugulo ang buhay ko.

Siguro tama nga na ibigay na lamang kay Michael ang baby. Baka kapag nasa kanya na ay babalik na ulit sa dati ang lahat. Magiging masaya na ulit ako, selfish man pakinggan pero napapagod din kasi ako. 

Pagod na akong magmakaawa kay Michael at sa lahat ng tao sa mundong ginagalawan nila.

Dumaan ang ilang araw ulit at nagpapahinga ako sa likod ng bahay. Mag-isa lang ako ngayon dahil may pinuntahan si Ana. Wala lang naman sa akin iyon dahil isang buwan  na lang at babalik na ulit sa dati ang buhay ko.

Habang nagpapahinga ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan. Sino kaya 'yon? Wala naman akong inaasahang bisita.

"Phoebe?" malakas ng tawag ng kung sino man galing sa loob. Tumayo na ako at naglakad papasok ng matigilan ako.

Nakatitig sa akin ang mga mata ng lalaking minahal ko nitong nakaraan. Nakatitig siya at hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman niya ngayon. 

May pagkasabik, pagkamiss, pagmamahal ngunit pumikit siya at umiling. Nabaling naman ang atensyon ko dahil may biglang yumakap sa akin. 

"Phoebe I miss you" Maria. Tinignan ko ang lalaking nakatitig sa akin na walang emosyon. 

"I miss you too" mahinang usal ko habang nakatitig kay Michael.

"Phoebe pasensya ka na at umalis ako. Hindi ko alam kung anong nangyari pero masaya ako at maaalagaan kita" napakunot ang noo ko. May nangyari ba?

Dinala ako ni Maria sa sala at doon kami nag kwentuhan.

"Kumusta na ang baby ko Phoebe?" ngumiti ako at kinuha ang kamay niya tsaka dinantay sa tiyan ko.

"Healthy ang baby Maria, at salamat din kay Ana dahil sinasamahan niya ako dito sa bahay para hindi ako mabagot" tumango ito at hinaplos ang tiyan ko.

"Mamahalin ko siya Phoebe, pangako ko iyan sa'yo" nawala ang ngiti ko. Gusto kong umiyak dahil palatandaan lang iyon na aalis talaga ako sa buhay ng bata.

"Hon, hindi ka pa ba magpapahinga?" napabaling ang atensyon namin kay Michael. May pag-aalinlangan ang kanyang mga mata ngunit ng tignan nito si Maria ay parang kumalma ito.

"Magpapahinga na muna ako Phoebe. Bukas naman ay mamamasyal tayo sa beach" hinalikan ako ni Maria sa pisngi at pumanhik na ito sa kanilang silid.

Bago naman umalis si Michael ay tinanguan ako nito at ngumiti siya sa akin.

"It's good to see you again Phoebe" humakbang na ito palayo sa akin.

"What happened to us Michael? Care to tell me your reasons for leaving me?" napatigil ito pero umiling lang siya tsaka pumanhik na din sa kanilang silid.

Napabuntong hininga naman ako. Bakit ko ba iyon tinanong sa kanya? Kung tutuusin dapat ay hindi ko na siya pinansin.

Pumasok na din ako sa loob ng aking kwarto upang magpahinga. Madali na din akong mapagod ngayon dahil malaki na ang tiyan ko.

Humiga ako sa kama at nag-isip ng mga bagay-bagay. Mali ang naging desisyon ko noon, iyong pagpayag ko sa ganitong sitwasyon.

Napatawa na lamang ako. Akalain mo 'yon, ang dami kong kinalimutan para lang tapakan ng mga taong ito. Hinaplos ko ang aking tiyan at tahimik na hiniling na sana ay matapos na ang lahat ng ito.

Tandaan mo lang palagi anak, mahal na mahal kita at alam kong aalagaan ka ng ama mo.

Natulog na ako upang makapagpahinga dahil napagod ako sa komprontasyon namin kanina at kailangan ko din ihanda ang sarili ko para sa pagkikita ulit namin kanina.

Alas otso ng gabi ng makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Kinusot ko ang mata ko at dahan-dahang bumangon upang pagbuksan ang kung sino man ang nandoon.

"Ms. Phoebe? Handa na po ang hapunan" binuksan ko ang pinto at lumabas na. Nakita ko naman iyong maid nila Michael at ginaya ako papunta sa hapag kainan.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag kaharap ko si Michael.

Bago paman ako pumasok sa kusina ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Phoebe, naka move on kana diba? 'wag ka na maghanap ng kasagutan kung bakit ka niya iniwan. Talagang gago siya at siguro mahal niya lang talaga ang asawa niya kaya act normal.

Tumikhim ako at ngumiti tsaka nagpatuloy na sa hapag. Nandoon na din ang mag-asawa.

"Magandang gabi sa inyong dalawa" bati ko pa dito. Ngumiti sa akin si Maria habang si Michael naman ay hindi man lang ako tinignan.

"Halika at kakain na tayo Phoebe. Don't forget to drink your milk..." Marami pa itong sinabi at kung hindi pa siya pinigilan ng asawa ay baka hindi pa sila nagsimula sa pagkain at magutom silang lahat.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now