Hired #25

5.2K 145 12
                                    

Five years later...

"Ma, ano pong dala ninyo?" napangiti ako at tinignan ng buong pagmamahal ang apat na taong gulang kong anak- si Schyler. 

"Of course your favorites baby, here" ibinigay ko sa kanya ang dala-dalang plastic. Galing kasi ako sa lungsod dahil kailangan kong mamili ng gagamitin para sa darating na celebrasyon. 

"Yes, thank you po mama" hinalikan ako sa pisngi ni Schyler at agad na niyang binuksan ang binili ko sa kanya. Habang nakatitig ako sa anak ko ay hindi ko maiwasang maging masaya sa kinahahantungan ng sakripisyo ko.

Ng gabing iyon ay akala ko habang buhay na akong mananatili sa syudad. Ngunit tinulungan ako ni Arch na makatakas sa lugar na iyon kasama ang asawa niya. Siniguro niyang walang makakakita sa akin ng inuwi niya ako sa pamilya ko. 

At ng malapit na ako sa bahay namin ay nabahag ang buntot ko at inisip na kaya ko bang magpakita sa mga magulang ko na malaki ang tiyan ko? At alam ko din na hahanapin ako ng pamilya ni Michael kaya napagdecisyonan ko ulit na tumakas.

Sumakay ako ng bus papuntang Pinamungahan. Alam ko kasi na malimit ang signal doon at walang nakakakilala sa akin. Mabuti na lamang at may dala pa akong pera ng mga araw na iyon at nakahanap ako agad ng matutuluyan. 

At iyon nga, limang taon na ang lumipas at dito na ako namuhay kasama ang anak ko. Kamukhang-kamukha niya ang ama niya ngunit kaugali niya ako. 

"Ma, kailan po ako pwedeng pumunta sa work mo?" Nagtratrabaho ako sa isang resort dito sa Pinamungahan. Kailangan ko din kasing kumayod dahil naubos ang pera ko noong naipanganak ko si Schyler. Ang daming gastusin at wala akong ibang mapagkukuhanan ng pera kaya ang ginawa ko ay namasukan ako bilang tagalinis ng pool sa resort.

"Sa susunod na linggo pwede kang pumunta doon anak dahil magkakaroon kami ng party at pwede kitang isama" sa totoo lang pwede ko naman talaga siyang isama araw-araw dahil may kilala ako sa loob ng resort.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako agad nakapasok sa resort na iyon ay dahil sa lalaking ipinakilala sa akin ni Anna.

Harold is one of the owner of that resort. Noong nag- apply ako ay sakto namang naalala ako ni Harold. At first ay nag atubili pa ako dahil hindi ko siya kilala at mas lalong malapit siya kay Anna kaya sinubukan ko talagang iwasan siya ngunit ng magkita na naman kami kasama ang anak ko ay nagtanong siya.

Kaya sinabi ko sa kanya ang lahat. Buti na lamang at naiintindihan niya. Sa kanya ko din nalaman na pinaghahanap ako ng mga Villona. Sinabi niyang wala siyang pagsasabihan sa kung nasaan ako at papayag akong magtrabaho sa resort.

I grabbed the chance and it makes us more closer than before.

"Mama, I wanted to see Daddy Harold and say thank you for always accompanying us" ngumiti ako at naghanda na ng makakain namin ni Schyler.

Lagi kasing bumibisita dito si Harold at kung pupunta man kami ng lungsod ng anak ko ay lagi niya kaming sinasamahan. Close na din sila ni Schyler dahil kapag nasa trabaho ako ay minsan pinupuntahan ni Harold si Schyler at gagala silang dalawa. Then after their gala, susunduin nila ako sa trabaho at kakain kami sa bahay ni Harold.

Ang dami kong hindi inakala na mangyayari sa buong ko. Iyong tipong isang taon akong nagdusa ay kapalit naman noon ang ilang taon kong naging masaya.

Kung tungkol naman kay Michael, masasabi kong tanggap ko na ang relasyon naming dalawa. Iyong hindi na talaga kami pwede sa isa't- isa. Unti-unti ng naghilom ang sakit na naramdaman ko mula ng iniwan niya ako at kinalimutan lahat ng pangako niya.

Pagkatapos kung maghanda ay inaya ko na si Schyler na kumain. Hawak naman nito ang kanyang laruan na kabibili ko lang.

"Mama, salamat po ulit" hinalikan ako ng anak ko sa pisngi at nagpatuloy na sa pagkain.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now