Hired #11

5.1K 106 11
                                    

It's been a month living on the same roof with my best friend's husband. And all I can say is I am slowly falling. With the care na pinapakita niya sa akin, hindi ko maiwasan ang hindi mahulog sa kanya pero pilit ko iyong winawala sa aking isipan. Hindi kasi tama at hindi dapat itong iniisip ko.

"Are you ready?" Michael asked when he saw me sitting in the sala. I smiled weakly and stood up.

"Oo, kanina pa kita hinihintay" ngayong kasi naka schedule iyong check up ko sa OB ko. Two months na ang baby ko sa tiyan although hindi naman siya gaano kahalata. 

"Tara" sumunod na ako sa kanya at hindi ko na naman maiwasang isipin ang nararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa gwapong nilalang na ito. At hindi lang iyon, bunos pa ang tudo alaga niya sa amin ni baby - ay mali pala ako. Alaga niya sa baby lang pala.

Napabuntong hininga ako at sumakay na sa kotse. Alam kong napansin ni Michael ang mood ko kaya hindi na ako nagtaka ng magtanong ito.

"Okay ka lang? It looks like may sakit ka" umiling lang ako sa kanya at tumingin na sa labas. Akala ko magtatanong pa siya pero pinasibad na lamang niya ang kotse.

Habang nakatingin sa malayo, naalala ko iyong mga panahong may nag-aalaga sa akin. I was in highschool that time and yes- it was Daisy's fiance. 

He was like a perfect prince charming in my eyes. Hindi kasi basta love at first sight iyong amin eh. He was the antagonist of my own story. He keeps on saying bad things to me and keep on pissing me off. Until it turned out that our classmates notice about our quarrel. They keep on teasing us and of course-- na inlove ako sa kanya at ganoon din siya. 

I was the happiest girl that time. Imagine, handsome guy fell in love with an ordinary girl like me? Grabi kung maka-alaga noon ang damuhong 'yon. Walang araw na hindi niya ako pinakilig at mas lalong walang araw na hindi ako umuuwing nakangiti. 

But alam mo naman- hindi habang buhay na masaya ka lang, nangyari ang mga nangyari at nauwi kami sa sakitan.

"Are you really okay?" napapitlag ako at tinignan ko si Michael. Nandito na pala kami at mukhang kanina niya pa ako tinatanong.

"Y-yeah, may iniisip lang ako" lumabas na ako ng kotse at naglakad na papasok sa hospital. Habang si Michael naman ay nagtatanong pa rin.

"Iniisip mo ba ang tungkol sa bata? Kung okay ba kaming maging magulang niya?" tinignan ko ito ng pagtataka at tumigil muna saglit.

"What do you mean?" 

"Alam mo kasi, naisip ko na ang unfair ko lang kung kukunin ko ang bata sa iyo. Oo nga't I can provide everything pero masakit isipin na kinuhanan kita ng isang bagay na maaaring makapagpasaya sayo" mapakla akong napangiti. Ngayon niya talaga iyon naisip? To think na pwede naman niya akong pabayaan noon. I can explain to Maria that I don't want it anymore yet ano ang ginawa niya? 

"Michael, there's no need to think of it that way. Oo nga't napagkasunduan natin ito pero hindi niyo naman siguro siya ipagkakait sa akin diba? To think na ako din naman ang nagdala sa kanya sa mundong ito" huminga ako ng malalim at tinignan siya ng mataman.

"Whatever may happen Michael hindi niyo ilalayo ang bata. Makikita ko parin ito at gusto kong maging parti ng buhay niya. Iyon lang Michael. Kahit hindi na niya ako kilalanin bilang tunay niyang ina" at dumiritso na sa doctor ko. 

"Look, sorry for earlier" tumango na lamang ako at kinausap na ang OB ko. Marami siyang tinanong at si Michael lahat sumasagot non. Mula sa paglilihi ko at sa mga kinakain ko. 

"Good thing to know that you are now hands on with this pregnancy Michael. Surely, this baby of yours will be happy dahil magaling mag-alaga ang daddy" natawa kaming dalawa ni Michael. Mukhang walang nangyari kanina. 

Pinahiga ako ng OB ko so that we can see the picture of the baby inside. Although hindi pa naman namin malalaman ang gender ng bata.

I was in paradise when I saw the reaction of Michael. It's not the first time na makikita namin ang baby kaya lang ito ang first time na iba ang reaction niya. Kita mo na talaga ang pagmamahal ni Michael sa bata.

"Thank you... thank you so much" natameme ako sa kanyang ginawa. Michael is teary eyed and he kissed me on my forehead. 

Parang wala siyang pakialam sa ginawa niya at parang normal na gawain lamang iyon kaya hinayaan ko na. gusto mo naman. Of course... not. I am just happy with this and I guess, I should savor these moments with him. Hahayaan ko na muna ito hanggang sa bumalik na si Maria. 

After the check up ay dumaan na muna kami ni Michael sa Mall at kumain. 

"Narinig mo iyong heartbeat niya? Nakaka inlove at nakaka excite..." ngiting-ngiti ako sa itsura ni Michael. Kakaiba talaga. Hinawakan pa nito ang aking kamay habang nagsasalita at parang normal lang iyon sa kanya kaya ako naman ito, todo kilig. Mas nahuhulog pa ata ako ngayon lalo.

"After nating kumain ha mamili na muna tayo ng gamit niya. Gusto ko ng simulan iyong nursery room niya at lahat- lahat basta mamimili tayo" hinawakan ko ang pisngi niya at pinatigil muna siya sa pagsasalita.

"Okay, dahan-dahan na muna. Pwede tayong mamili ng gamit para sa nursery room although hindi lahat dahil hindi naman natin alam ang gender ng baby" umiling ito at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya.

"No, we can buy naman other colors na pwede sa dalawang gender" at hindi na nga siya nagpatigil kaya hinayaan ko na lamang siya. 

I KEEP ON LOOKING around at naghahanap din ng damit ni baby. We choose green or white para pwede kahit anong gender. Kanina pa kami paikot-ikot dito sa baby sections at marami na siyang nabili.

"Look at this crib mas gusto ko ito kaysa una kong nakita. What do you think?" tinignan ko ang napili niya. Though may pagkapare-pareha naman ang mga crib but mas gusto ko ito dahil sa ibang structure ng wood nito. 

"Yes, gusto ko din ang design nito. So, we will pick this one?" tanong ko. Tumango ito at agad na tinawag iyong babaeng kanina pa naka assist sa amin. Iniwan ko na muna siya at naghanap na ulit ng may nakita akong cute na damit. 

Its a green onesie. Simple lang siya pero nagandahan talaga ako. Kaya kinuha ko na ito ngunit may ibang kamay rin ang nakakuha nito. 

"Nako sorry miss pero ako ang nauna-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na ang babaeng may hawak ng onesie.

"Oh, look who's here? What are you doing here my dear cousin?" kinakabahan ako sa pagkikita naming ito. Hindi ko na sana siya papansinin ng magsalita na naman siya.

"Don't tell me, buntis ka? Sinong ama? Ang fiance ko?" sunod-sunod nitong tanong.

"Will you please shut up? Kung ano man ang ginagawa ko dito wala ka ng pakialam doon" at tuluyan na akong umalis. Hindi ko nakita si Michael kaya lumabas na muna ako ng store at naghanap ng mauupuan. Ti-next ko nalang si Michael kung nasaan ako at doon na lamang kami mag-uusap.

Buti na lamang ay hindi na lumaki ang issue namin ni Daisy. Hindi ko gustong makipag-usap na naman sa kanya dito sa mall baka maulit na naman ang nangyari noon. I want to have a peaceful life and I want to reconcile with them. 

"Hey" inangat ko ang aking ulo at ngitian siya.

"Sorry for leaving you there" ngumiti naman ang huli at tinanguan ako. 

"I saw what happened there. Nakausap ko na ang nobyo ng pinsan mo and he promise na tatapusin na niya ang gulo. They are getting married anyway, and about our things pinadeliver ko na sa bahay" tumango na lamang ako at tumayo na.

"Uwi na tayo?" hinawakan nito ang aking kamay at nagsimula na siyang maglakad.

"Uwi na tayo" aniya. 

-- *** -- 

Okayyyyy. I'll end it here na muna. Happy reading and thank you for waiting. 

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now