Hired # 30

6.5K 109 25
                                    

"So, how was it?" Napalingon siya kay Harold. Isang linggo na ang lumipas mula ng magkakilala si Michael at Schyler, hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan niya ang pangyayaring iyon. 

Hindi niya kasi inakala na maghahanap si Schyler ng ama. Akala niya ay sapat na nito na tinuturing na ama si Harold. Hindi naman sila nagkulang pero tingin niya'y ganoon talaga kahit anong gawin natin, they will seek for something that could make them happy. 

Masayang-masaya si Schyler magmula noon dahil lagi na silang magkasama ng ama niya. Bukas nga ay mamamasyal daw sila ng papa niya at kasama din siya. Natural na sasama siya dahil wala siyang tiwala kay Michael. Ayaw niya paring masaktan ang anak niya. 

"Tama ka, masaya nga siya na nakilala niya ang papa niya" tumabi sa akin si Harold at hinawakan ang kamay ko. Masaya naman ako sa piling ni Harold  at ni minsan ay hindi ako nito pinabayaan. 

"Lagi niya kasing sinasabi sa akin iyon." Tumango ako at wala ng isang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin sa kanya o kung may itatanong siya tungkol sa akin at kay Michael. Napag-usapan na naman namin ito at alam kong gusto niya din makasiguro.

Hinawakan ko ang pisngi ni Harold at tinitigan ito.

"Malapit na Harold, hindi ko pa nakakausap si Michael tungkol sa set up namin sa buhay ng bata pero malapit na Harold" ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Walang sino man ang hindi mahuhulog kay Harold. Lalo na at laging pinapakita nito kung gaano ito kabait. 

"Halika, gumala tayo - igagala ko kayo ni Schyler" Tumango ako at pinuntahan na si Schyler upang bihisan.

"Mama may gala tayo bukas kasama si papa kaya wag mo iyong kalimutan" iyon agad ang ibinungad niya sa akin. Tumango ako at pinatayo siya.

"Sa ngayon Schyler ay kasama na muna natin si Daddy Harold mo. Hindi mo ba siya na miss?" Ngumuso ang anak ko bago ako sinagot.

"Namimiss pero miss na miss na miss ko si papa ko" nagbuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang anak ko. Mahal naman niya si Harold at alam kong pipiliin niya si Harold kaysa sa lalaking ngayon lang niya nakilala.

"Pupunta tayo ng lungsod, balita ko ay may perya doon gusto mo bang pumunta?" Nag ningning ang mata ni Schyler at ito na ang nag-asikaso ng sarili.

"Sasaya ngayon ang daddy Harold mo dahil makakasama ka niya" sabi ko dito. Ngumuso ulit ito at hindi na ako pinansin. Umupo ako sa tabi nito at hinawakan siya upang patigilin sa ginagawa. 

"May problema ka ba kay Daddy Harold mo anak?" Bigla na lamang itong umiyak kaya mas lalo akong nalito. Anong nangyari?

"Sabi kasi ni papa ay aagawin ka sa amin ni Daddy Harold. Ayaw ko na siyang makasama dapat kayo ni papa ang magkasama para happy family tayo" Nabuo muli ang galit ko para kay Michael. Anong karapatan niya upang sabihin ang bagay na iyon?

"Akala ko ba ma magkaibigan lang kayo ni Daddy Harold pero bakit ganoon? Sabi ni papa, magpapakasal ka na kay Daddy Harold ang daya mo naman ma, iiwan mo na ba ako?" Napapikit ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong mukhang maihaharap kay Harold dahil sa pinagsasabi ng gagong 'yon.

"Anak makinig ka, hindi ka dapat makinig sa papa mo. Hindi mo man ito maiintindihan pero hindi kasi kami pwede ng papa mo anak." May pamilya na ang papa mo, gusto ko iyong sabihin sa kanya pero hindi ko kayang makita na masasaktan siya. 

"Sa ngayon anak pagbigyan mo naman ang Daddy mo, hindi ka ba masaya na inaalagaan niya tayo?" at parang doon lang natauhan si Schyler at agad na itong bumalik sa pag-aayos ng sarili. 

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now