Hired # 23

4.7K 103 6
                                    

Na delay ng isang linggo ang sinasabing pamamasyal ni Maria dahil dumating ang mga magulang ni Michael sa bahay at doon na muna namalagi upang makasama ang mag-asawa.

Kaya buong linggo din akong nasa labas ng bahay at doon na nagpapahinga dahil pagod akong makipag-usap sa kanila.

"Phoebe handa ka na ba?" huminga ako ng malalim at nilingon si Maria.

"Oo handa na ako, aalis na ba tayo?"

"Aalis na tayo, ipapakuha ko lang itong mga gamit mo" tumango na lamang ako at lumabas ng kwarto.  Umalis na din si Maria upang tawagin ang mga kasambahay. Mamalagi kasi kami ng ilang araw sa beach resort na napili nilang puntahan namin. 

Masaya naman ako talaga sa nangyayari ngayon dahil kahit papano ay hindi na muna ako ginugulo ng kahit sino sa pamilya nila. Tsaka nakakatulong talaga sa nararamdaman ko ang pag-iiwas din ni Michael sa akin.

Ng lumabas na ako ng bahay ay naabutan ko si Michael sa labas at inaayos ang sasakyan habang si Maria ay hindi ko pa nakita. Marahil marami pa siyang ginagawa sa loob ng bahay dahil narinig ko na magkakaroon din sila ng party para sa hindi ko alam kung saan.

Tinignan ako ni Michael tsaka ngitian ito iyong unang pagkakataon na ginawa niya ito. Iyong ngumiti siya sa akin ng hindi pilit. Hinawakan ko ang kamay ko at hinaplos ang singsing na bigay niya.

Don't be so stupid Phoebe. Move on na tayo diba?

Tumayo ako ng tuwid at pumasok ng sasakyan. Pinipilit ang sarili na gawin ang tama at unahin na muna ang kasiyahan nila kaysa sa sarili ko. Hinaplos ko ang tiyan ko at pinikit ang mata ko.

Baby, mahal kita at alam ko sasaya ka kapag nasa piling ka nila.

"Phoebe may nararamdaman ka ba?" naimulat ko ang mata ko at nakita ko si Michael na nag-aalala ang tingin sa akin. Umiling ako at ngitian siya. Umayos ako ng upo.

"Okay lang ako Michael. May naalala lang" tumango ito at lumabas na ulit. Maya-maya pa ay pumasok na ang mag-asawa. Todo alalay naman si Michael dito at hindi ko maiwasang mapangiti. 

Ngayon ko lang na realize that Maria is so precious. Ang dami niyang pinagdaanan na masasakit at tama lang itong ginagawa ko. Maria is a friend and surely, I will forever guilty with what I did to her. 

"Hon, daan na muna tayo sa grocery. Mamimili pa ako ng makakain natin along the way" iniwas ko ang tingin ko sa dalawa at tumingin na lamang sa labas. Hindi ako naiingit I am more guilty with what I did kaya hindi ko kayang tignan silang dalawa.

Umalis na kami ng bahay at kasama namin sa loob ng van ang driver at isang kasambahay. Sa pagkakaalam ko ay sasama si Anna at ang pamilya ni Michael. Hindi ko talaga alam kung anong meron at kung anong paghahanda ang kailangan sa pupuntahan namin. 

Natulog na lamang ako dahil malayo pa ang byahe namin. Mabuti na lamang at ako lang mag-isa dito sa likod at komportable naman ako sa kinaroroonan ko.

Nagising ako ng maramdaman kong tumigil kami. Akala ko nakarating na kami sa resort ngunit ng tinignan ko ang labas ay nakita kong nasa parking lot kami ng isang mini-mall.

Tumingin naman ako sa harapan at narinig kong nag-uusap ang dalawang kasama namin. Nasa loob siguro si Michael at Maria.

"Napakaswerte ni Maria no? Minahal at inalagaan siya ni sir Michael kahit na may past ito sa namatay na kapatid ni Sir" tinig iyon ni Melody, iyong kasambahay na kasama namin.

"Tama ka nga no? Kung hindi dahil kay sir Michael baka patay ni si Ma'am Maria ng gabing iyon" pilit kong hindi na sila pakikinggan pero malakas kasi ang boses nila.

"Ikaw ba Kuya Lando, nagmahal ka na ba ng lubos pa sa kaya mong mahalin ang isang tao?" Tinignan ni Kuya Lando, iyong driver namin, si Melody. 

"Nagmahal na ako Melody pero hindi kagaya ng pagmamahal na binibigay ni Sir kay Ma'am Maria" tumingin sa harap si Kuya Lando.

"Hindi ko kasi kayang magsakripisyo kahit sa pag-ibig pa iyon. Takot kasi akong pagsisihan ang lahat ng hirap na binigay ko tapos kulang pa pala" natahimik ang dalawa kaya umayos ako ng upo at parang doon nila ako napansin. Nilingon ako ni Melody at ngumiti ito sa akin. 

"Hello po ma'am Phoebe. Ayos lang po ba kayo o nagugutom po ba kayo?" umiling lang ako sa kanya. Tinignan ko ang labas at nagtanong kung kanina pa ba sila Maria sa loob.

"Malapit na po siguro iyon Ma'am Phoebe. Kanina pa kasi sila at tingin ko hindi naman uubusin ni Ma'am Maria ang tindi nila sa loob" humalakhak pa ito kaya nakitawa na din ako.

"By the way ma'am Phoebe, may tanong ako" tumango ako. 

"Nagmahal na po ba kayo ng todo? Iyong tipong kaya niyo pong tanggapin ang lahat -lahat sa kapareha niyo?" hindi ako nakasagot ako. Ganoon ba iyong pagmamahal na mayroon ako kay Michael? Iyong tanggap ko lahat kahit masakit?

"Nako ma'am pwede naman pong wag niyo nalang sagutin" ngumiti ako.

"Alam mo kasi Melody, kapag nagmahal ka kailangan magsakripisyo ka. Hindi kasi ibig sabihin na nagmahal ka ay masaya ka na. Minsan kapag nagmahal ka, uunahin mo ang kaligayahan niya kahit na nasasaktan ka" natahimik ang paligid kaya tumawa ako. 

"Wag niyo nalang seryosohin ang sinabi ko, echos lang 'yon" nag-usap-usap pa kami tungkol sa mga pangyayari sa buhay namin. Nagtaka pa sila kung bakit ko tinanggap itong pagdadala ng anak nina Maria at Phoebe kaya sinabi ko na lamang na dahil sa pagkakaibigan.

Maya-maya pa ay bumalik na sila Maria at nagsimula na kaming nagtungo sa pupuntahan at nakatulog na naman ako sa byahe. 


NAGISING ako at napansin kong nasa loob na ako ng isang kwarto. Nakarating na pala kami. Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kasama ko, siguro ay hahanapin ko na lamang sila sa labas. 

Nagbihis din ako at habang nag-aayos ng buhok ay nakarinig ako ng katok.

"Ma'am Phoebe, maghahapunan na po tayo" it is Melody. Tumayo na ako at binuksan ang pintoan tsaka sumunod sa kanya. Lumabas kami sa villa na kinaroroonan ko at nakita ko kaagad kung nasaan sila.

May salo-salo sa nipa hut na malapit lang sa villa ko. Nandoon na din ang pamilya ni Michael at may iba pa silang kasama. Ng dumating ako doon ay binati ko ang lahat at naupo sa tabi ni Anna.

"Phoebe, this is Michelle and Mark. Our wedding coordinator" napakunot ang noo ko, wedding coordinator?

"Oh, they're getting married again Ate Phoebe. You know renewing of vows and a beach wedding experience" napalunok ako. Maging masaya ka Phoebe. Ngumiti ako at tumango na lamang. 

Nalaman ko din na naghahanda din sila ng baby shower kaya labis ang kaligayan ng pamilya. Sa salo-salong iyon doon ko napagtantong wala lang pala ako sa pamilyang ito. Hindi ako tinanong kung anong gusto kong mangyari sa baby shower. 

Ako lang talaga iyong taong nagdala ng anak nila at pagkatapos ay itatapon na lamang pabalik sa kung saan ako nanggaling. 

Pumikit ako at pilit na iniintindi ang lahat. 

"Are you okay Phoebe" everyone looked at me kaya ngumiti ako at tumango na lamang tsaka kumain.

Okay lang talaga ako, Promise.

------------------------------- ♥♥♥ ---------------------------------

Sorry for the late upload. Actually matagal ko ng natapos ang chapter na ito kaso ng e-pupublish ko na sana ay bigla nalang nabura lahat ng sinulat ko kaya inulit ko ulit siya. 

Enjoy reading and don't forget to leave a comment below. Salamat. 

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now