Hired #2

10.7K 171 3
                                    


[Phoebe]

"So, mga magkano kaya ang gagastusin natin sa mga materyales?" Tanong ko kay Arch. Nandito ako sa firm niya upang ayusin ang mga gagamitin namin para sa ipapagawa ko.

Mahigit isang linggo na akong nandito sa City at medyo naninibago parin ako. Mukhang mas sanay na akong mamalagi sa probinsya.

Marami pang sinabi sa akin si Arch tungkol sa ipapagawa ko. May pinabago kasi akong style at may inayos na rin.

Nakausap ko na din ang girlfriend niya na siyang nakatuka sa interior design ng shop.

"Thank you Arch!" Sabi ko at niyakap siya, ganoon din ang ginawa ko sa girlfriend niya.

"Thank you ulit sa inyong dalawa ha? Matagal ko na din itong pinangarap eh, ngayon lang talaga ako nagka tempyo at mabuti nalang nakita ko ulit itong si Arch" nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. Matapos ay nagkwentuhan pa kami ng kung ano- ano hanggang sa kailangan na nilang bumalik sa pagtratrabaho dahil may meeting pa sila sa ibang client.

Nagpaalam nadin ako sa kanila at agad na pumunta sa parking lot. Ng makapasok ako ay agad naman akong nakatanggap ng mensahe galing sa kaibigan ko.

From: Carrie
Ses' kita tayo ngayon sa Mango? Never pa tayong nakapunta doon during college right? Why not make it now?

Napailing na lamang ako. I dont know if may problema pero gusto ko ding magsaya ngayon. Just tonight but I hope, Maria isnt there dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung magkita kami ulit.

Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang makita ulit lalo na noong lumuhod pa siya sa akin para magmakaawa.

To: Carrie
Sure. See yah!

Nag drive na ako papuntang mango. Alam ko naman kasing traffic eh dahil pagabi na din.

Habang nagmamaheno. Sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Maria. Iyong ginawa niyang pagluhod sa harapan ko para lang gawin ko ang gusto niya.

Naaawa ako sa kanya pero alam ko naman na hindi ako ang dapat niyang gawing baby maker dahil desinti akong tao. I mean may buhay ako, at ang magpabuntis sa ibang tao para lang maibigay sa kanila ang nais nila ay isang malaking no.

Nasa tamang pag.iisip pa naman ako para isipin iyong gusto niya.

Mahigit isang oras din akong nakarating sa mango at napangisi na lamang ako dahil tamang- tama iyong pagdating namin nina Carrie.

Bago paman sila pumasok ay tinawag ko na siya.

"Carrie!!" Nakangiting kaway ko. Lumingon naman ito at ng makita ako ay agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Thank you naman at nagkita na tayo ulit! Gosh hindi ko alam kung paano kita hagilapin dahil mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap" aniya at umirap pa ito. Napatawa na lamang ako.

"At hindi ko din alam kung kailan ka pa ganyan. Damn Carrie before ni hindi ka makasuot ng ganyang damit- I mean sexy na damit dahil may pagka boyish ka!" Its true, sa aming magbabarkada ay si Carrie ang medyo boyish pero cool.

"Alam mo naman, nabinyagan na kaya naging babae" hirit niya pa bago kami pumasok. Napapailing na lamang ako. Aside from that kasi ay si Carrie din ang isang tanyag na NBSB sa aming magkakaibigan.

"Anyways, bago ko makalimutan since nakilala mo na si Alvin, ito naman ang mga kaibigan niya. Si Rafael..." ngumiti sa akin iyong Rafael.

"Nice to meet you lady" aniya at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Nice to meet you too" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Nako bolero 'yan girl kaya wag kang mahuhulog dyan!" Sabi ni Carrie, umiling lang ako at ngumiti. Pinagpatuloy naman niya ang pagpapakilala sa akin ng mga kasama namin.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now