Hired # 27

5.3K 108 19
                                    

Flashback

THIRD PERSON POV

Masaya ang nararamdaman ni Maria lalo na at masusulosyonan na nila ang problema. Nagpapasalamat siya ng malaki dahil dumating ulit sa buhay nila si Phoebe. Ayaw niya kasing magpabuntis kay Michael. Hindi dahil sa hindi niya ito mahal ngunit may mga tanong pa siya sa kanyang isipan na hindi niya kayang sagutin.

Kailangan niya munang umalis para hanapin ang sarili at iyong sinabi ng doctor na hindi siya maaring mabuntis ay malaking kasinungalingan lang iyon.

Tinignan ni Maria at hawak niyang litrato. Nakita niya ito sa isang kahon na nasa loob ng bodega. Sa likod ng litrato ay may nakasulat din doon.

M ♥ M forever

Alam ni Maria na hindi si Michael iyon dahil ang lalaki sa litrato ay hindi niya kilala at kapag pilit naman niyang inaalala ay sumasakit ang ulo niya.

Noong una ay hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa paghahanap ng kasagutan pero ng maglinis ulit siya ay nakita na naman niya ang isang notebook- diary niya na hindi niya maalala. Pupuntahan niya ang mga lugar na iyon at maghahanap ng kasagutan.

Nang magpaalam sa asawa alam niya na maaaring maraming magbago sa buhay niya. Sa pakikitungo niya dito kung ano man ang malalaman niya sa nakaraan pero nasisiguro niyang babalikan niya ang lalaking nagmahal sa kanya ng lubos.

Hinalikan niya sa labi ang asawa at nagpaalam. Tahimik na ipinagdadasal na sana ay maging maayos ang lahat para makapagsimula na siya ng bagong buhay kasama ang anak niya at asawa.

Phoebe, ingatan mo ang mga mahal ko. Piping panalangin niya.

Ang paalam niya sa asawa ay may pupuntahan siyang seminar at sa tuwing tumatawag ito o tatawag siya ay sinisigurado niyang hindi nito mahahalata ang pagsisinungaling niya.

Nagpatuloy si Maria sa paghahanap ng kasagutan. Pinupuntahan ang mga lugar na dati nilang pinagpasyalan ng lalaking kasama.

Nagtatanong sa mga tao kung minsan bang nagpunta doon ang lalaki sa litrato. Maraming kwentong nalaman pero hindi niya parin maisip kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

Hanggang sa isang gabing paghahanap, biglang sumakit ang ulo ni Maria at tila binabalik siya sa nakaraan.

May isang babaeng umiiyak, nagmamakaawa sa lalaking paulit-ulit siyang sinasaktan ngunit hindi nito magawang iwanan ang lalaki dahil sa labis na pagmamahal. Hanggang sa dumating ang puntong nag-aaway ang dalawa at naaksidente.

"Ahhhh!" sigaw at iyak lang ang tanging nagawa ni Maria. Walang nakakarinig sa kanya. Masakit ang kanyang ulo sa nalaman pero mas masakit ang puso niya dahil nakalimutan niya ang lalaking pinag-alayan ng lahat.

Iyak ng iyak si Maria at ayaw niya pang umuwi, hindi niya kayang makita ang asawa dahil ang totoo ay nararapat siya sa binatang nakita niya sa nakaraan.

Lumipas ang buwan at sinisisi ni Maria ang sarili kung bakit nawala ang lalaking mahal niya.

Gusto niyang mamatay, gusto niyang sundan ang lalaki ngunit may nakahanap sa kanya. Ang ina ni Michael at ang ina ng taong mahal na mahal niya.

"Bakit?" Iyon lang ang natanong niya sa dinami-daming tanong na nasa isipan niya ay iyon lang ang naitanong niya. Bakit? Bakit hindi nila sinabi ang lahat sa kanya?

She is suffering everyday until she lost it. She was diagnosed with depression.  She want to end it, she's not listening to everyone.

She is inside this white room reflecting all the things happened in her life until she hears a cry.

The Hired BabyMakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora