Hired #14

4.4K 99 10
                                    

Gusto ko sanang umalis ngunit nakita na ako ni Daisy kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad. 

"Look who's here" anito at tumawa pa. Kasama niya na naman si Carrina at siguro si Jefrey din. 

"Daisy, ayaw ko ng away ngayon" mahinang sabi ko. Tinawanan ulit ako ni Daisy at nakisali pa si Carrina. Hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung bakit nagawa sa akin ito ni Carrina. To think that we were friends. 

"Same as me my dear cousin. I don't want to ruined my happy moment so don't worry. No fight today" napangiti ako lalo na at umalis na silang dalawa. Ipinagpatuloy ko naman ang pagbili ng makakain naming dalawa ni Michael at naisip si Daisy. 

May pagkakataon pa kaya para matama namin ang lahat at bumalik sa dati ang turingan namin? I know that what she did to me is unforgivable pero naisip ko kung ang Diyos nga napatawad tayo ng paulit-ulit tayo pa kaya? Ang kapal naman ng mukha natin kung hindi natin papatawarin ang mga taong nanakit sa atin. 

So that means papatawarin ka din ng kaibigan mong si Maria? usig ng konsensya ko na hindi ko na pinansin. Masaya ako ngayon at hindi ko na muna iisipin ang mga mangyayari sa hinaharap. 

Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay pinuntahan ko na si Michael. Buti nalang at malaki ang lugar kaya hindi na ulit kami ng kita ni Daisy.

"Bakit ka natagalan? Susundan na sana kita kaso nahihilo parin kasi ako" anito at kinuha ang pinamili ko.

"Mahaba kasi ang pila doon. Eto at kumain ka muna tsaka uminom ka ng tubig" agad naman siyang kumain kaya kumain na din ako. Meron namang restaurant dito sa loob kaya lang mamaya na siguro kami kakain doon. As of now, enjoy muna.

"Saan mo gustong sumakay ulit?" tanong ko kay Michael na agad din akong natawa dahil tila ba nakakita siya ng multo sa sobrang putla niya ngayon.

"Pwede bang no rides muna? Sa nakikita kong natitirang sasakyan ay lahat nakakahilo" napailing na lamang ako. Ang duwag talaga ng lalaking ito pero ang cute. Napahagikhik pa ako sa naisip.

"Okay pero kailangan sasakyan ulit tayo ha? Para hindi ka mahilo yang Mr. Toad nalang" turo ko sa pambatang version ng tower drop. Agad naman siyang tumango kaya napangiti na ako.

"As of now doon na muna tayo malapit sa roller coaster. May nakita akong pwede nating laruin doon without riding those rides" tumango na ako sa gusto ni Michael at sinundan siya. Akala ko nagbibiro siya pero noong malapit na kami sa roller coaster part ay meron ngang mga palaro doon. May pong, basketball, ring shoot at tsaka iyong patutumbahin mo ang naka pyramid na can. 

Bawat laro din ay may iba't-ibang premyo which is kapag may limang puntos ka sa laro ay makukuha mo ang malaking teddy bear.

"Michael, kaya mong makuha ang malaking stitch na iyan?" tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ang laro at inobserbahan. Ito iyong laro na patutumbahin mo ang pyramid. Kapag naipatumba mo lahat ng pyramid which is ang tatlong pyramid ay mapapanalunan mo ang malaking stitch na sinabi ko kay Michael. 

"Try natin" sabi niya at pumila sa bilihan ng token. Tag sampung piso ang presyo ng token nila. Self service lang din ang pagbili. Bali meron silang vendo machine para don. Bumili naman ng sampong token si Michael at binigyan niya din ako.

Bawat laro ay katumbas ng limang token. Binigay na niya sa staff ang token niya at binigyan naman siya ng limang ipangbabato niya.

"Michael kunin mo iyong malaki ha, yan ang gusto namin ni baby" sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang tiyan ko at kinindatan ako. Kinikilig na naman ako ano ba naman yan.

"Para kay baby at sayo" anito at nagsimula na sa paghagis. Napasimangot ako sa kanya  ng hindi niya matamaan ang mga cans. Kahit man lang patumbahin ang nasa itaas ay hindi niya nagawa.

"Sorry" at tumawa na naman siya. Napasimangot ulit ako.

"Ang hina mo naman eh" maktol ko pa sa kanya.

"Hey, we both know that I'm not, remember may baby tayo?" at tumawa na naman siya tsaka ako niyakap. ang sarap sa feeling.

"Thank you" mahinang sabi ko sa kanya. 

"There's no need to say that, halika at iyong ibang laro naman ang subukan natin" at iyon na nga. Sinubukan namin ang ibang laro. Tawa lang ako ng tawa lalo na at nagpapacute siya sa akin kapag ihahagis na niya ang nasa kamay niya. 

"Dali na" sabi ko at kinuha sa kanya ang nasa kamay niya tsaka hinagis iyon. Napatalon naman ako sa tuwa ng mashot ko ang hinagis ko.

"Hey hey, easy" anito at niyakap ako. 

"Natalo kita eh" 

"Si baby, kaya mag-ingat ka" sabi nito kaya tumigil na ako. Ngumiti ako sa kanya at naglaro ulit kami. Padamihan kami ng ma shot na ring hanggang sa maubos namin iyong binili niyang token na worth of 500 pesos. 

"Thank you for this" sabi ko habang hawak ang medium size ng hello kitty. Napasimangot na naman siya dahil sa totoo lang ako naman talaga ang nakapanalo nitong hello kitty, kahit kasi isa ay wala siyang natamaan.

"Ikaw ang bumili ng token kaya parang ikaw na din ang nagbigay" paliwanag ko sa kanya at inaya na siyang sumakay kami sa Mr. Toad. As I said kanina maliit lang siyang version ng tower drop it's good for the kids actually. 

"Hindi naman siguro ito nakakatakot diba?" anito habang nakaupo na kami. Apat kaming nakasakay sa ride na ito. Tinawanan lamang siya ng dalawang kasama namin na magshota din. 

"Tingin mo naman diba na maliit lang ito kaysa sa adult version kaya don't worry hindi ka mamatay dito" natatawang sabi ko. 

Hindi ko lubos akalain na ganitong klase pala ang lalaking ito. Hindi din naman siya suplado noong una pero akala ko kasi napakamasculine niyang tao. Not that his reaction right now stating that he is not pero kasi, ah basta.

Nagsimula na kaming itaas ng sinasakyan namin at mahigpit na nakahawak ang kamay ni Michael sa akin. Kasabay ng pagbagsak ng sinasakyan namin ay ganoon din ang nararamdaman ko. Alam niyo yon, napakaingay ng paligid pero iyong sigaw niya ang naririnig ko, iyong mukha niya ang nakikita ko. Iyong pintig ng puso ko ang nagsilbing ingay sa paligid ko. Tama man o mali, mahal ko na siya at hulog na hulog na ako sa kanya.

------------------------ ♥♥♥ ------------------------

Another short update as of the moment. And thank you for waiting kung kailan ako mag-uupdate ng story na ito. Susubukan ko talagang mag update every week para naman matapos na ang kwento at mabasa niyo pa ang iba. Sa mga nag comment thank you sa pagpapaalala at kung anong hindi niyo naintindihan. Don't worry plot is already there sa kwento ang pagsusulat nalang talaga. Comment kung anong gusto niyong mangyari sa kwento. 

Gusto niyo bang magkatuluyan si Phoebe at Michael o mas gusto niyo ng kwentong tama at si Michael tsaka si Maria hanggang huli? 


The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now