Epilogue

8.7K 114 9
                                    

[Phoebe]

Tulala akong naglalakad habang tinatahak ang daan pabalik sa kwarto. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nalilito ako at gusto ko nalang takasan ang lahat.

Ano ka ba naman self, lumuhod lang sayo magiging tanga ka na naman?

Bumalik ang lahat ng ala-ala ko kay Michael mula noong una kaming nagkakilala hanggang sa nagkasakitan kaming dalawa. Unti- unti akong kinakain ng mga ala-ala namin na gusto atang manumbalik sa puso at isip ko.

Tapos na ako kay Michael, gusto kong sumaya pero tama ba talaga? Sino ba talaga ang pipiliin ko? Bakit naguguluhan ako?

Napaluhod ako sa damuhan dahil sa panghihina. Naubos ang buong lakas ko dahil sa pananakit ko kay Michael pero bakit hindi ako sumaya? Bakit mas bumigat ang pakiramdam ko gayong nakapili na ako?

Tama, si Harold ang dapat kong piliin. Ang dami niyang sinakrispisyo sa amin, inalagaan niya kami at itong pagmamahal na ibibigay ko ang magiging kabayaraan ng lahat ng iyon.

Sasaya ka ba?

Oo, sasaya ako dahil mahal ko si Harold. Natitibag pa ang nararamdaman ko sa kanya pero alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at siya ang pipiliin ko.

"Mama, I want you to choose papa para may happy family na ako" 

Naisip ko si Schyler, hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan pero alam kong maiintindihan niya ako pagtanda niya.

"Kapag nag decision ka Phoebe, siguraduhin mo na si Schyler ang prioridad ng decision mo"

Tama naman si Harold, may anak na ako at sa lahat mg desisyon ko sa buhay alam kong maaapektuhan ang anak ko.

"Give me a chance Phoebe and I will prove it to you how much I love you"

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala, nalilito ako sa kung ano at kung sino ang pipiliin ko. Hindi ko alam kung kanino ko huhugutin ang lakas na pumili sa kanila.

Tinanaw ko ang langit at pinilit ang sarili na tumayo. Walang mga bituin sa langit tanging ang ilaw galing sa bombilya lang ang nagbibigay liwanag sa kinaroroonan ko.

Piliin ang kung ano ang tama at kung ano ang makakapagpasaya sa iyo.

Pumikit ako, biglang bumuhos ang malakas na ulan pero hindi ako umalis. Hinayaan ko ang ulan na pumatak at basain ako. Naguguluhan ako pero itong ulan ay tila nagbibigay sa akin ng lakas upang magdesisyon ng tama.

"Phoebe" nilingon ko ang tumawag sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at hinapit siya sa akin. Akmang hahalikan ko siya pero lumayo siya sa akin. Nagtaka ako, kumunot ang noo ko.

"Phoebe, pumasok na muna tayo sa cottage" tumango ako at nagpatiuna na. Umupo kaming magkatabi. Siya. Si Harold ang pinipili kong makasama.

Alam kong mahal siya ng anak ko at alam kong maiintindihan ako ng anak ko. Mahal ko si Harold kahit na hindi pa ito ganoon ka tibay ay alam kong ito na ang hinihintay namin ni Harold. Iyong panimula na wala ng kahit anong hinanakit sa nakaraan.

"Harold..." pagbasag ko sa katahimikan. Akala ko ay may sasabihin siya pero nagpasalamat ako dahil hinayaan niya akong magsalita.

"Mahal na kita..." hinawakan ko ang pisngi niya at tinitigan siya sa mata.

"Sabi mo sa akin, na kapag magmamahal na ako ulit kailangan burado na ang nakaraan, kailangan maayos na ang nakaraan at ito na iyon Harold. Maayos na ang lahat, magiging masaya na tayo" pero iyon ini-expect kong masayang reaksyon niya ay hindi ko nakita sa mga mata niya.

The Hired BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon