Hired #9

5K 98 7
                                    

[MICHAEL]

Ngiting-ngiti ako habang pauwi. Kakatapos lang ng meeting ko at so far maganda naman ang kinalabasan. Nabigyan pa ako ng premyo ni misis kaya ayon good mood ako. Mukhang hindi ko mapapagalitan si Phoebe sa ngayon.

Iyong babae naman kasi, kung hindi siya lasing at hindi siya napahamak hindi ko siya tutulungan at mas lalong walang mangyayari sa amin. I just love my wife so much that I cannot take everything basta sa akin lang ang asawa ko.

I was planning to buy food for Phoebe and for my baby inside when she called. Mukhang may gusto siyang ipabili. 

Hel--

[Michael! Please tulungan mo ako may magnanak--] napakunot ang noo ko. The line didn't cut off kaya dinig ko ang lahat ng nangyayari sa bahay. Pinasibad ko ang kotse ko at dali-daling umuwi. 

Kinakabahan ako kung ano iyong narinig ko. 

Agad akong bumaba ng kotse at nakita ko ang sinasabi ni Phoebe. Hindi gumagalaw si Phoebe at iyong hinayupak na lalaki ay walang tigil sa paghalik kay Phoebe. Kumuha ako ng vase at hinagis iyon sa lalaki. Buti at agad itong nawalan ng malay. Tinawagan ko ang pulis upang papuntahin sa bahay. Tinignan ko muna si Phoebe at mukhang nawalan ito ng malay. 

"Phoebe" tawag ko dito, ngunit hindi ito gumagalaw. Akmang kakargahin ko siya ng makita ko ang hita niya. Sh.t

"Phoebe! Phoebe! Hold on" hindi ko na hinintay ang mga pulis at dali-dali kong dinala si Phoebe sa hospital.

"MA, KUMUSTA po?" tanong ko agad kay mommy paglabas niya.

"She's fine, mukhang na stress siya anak kaya ganoon nalang ang nangyari. And the baby is also fine, buti nga at malakas ang kapit ng bata. Ano ba ang nangyari? "

"I don't know mom. Tumawag siya sa akin at humihingi ng tulong. Ayon pala niluoban ako. Hindi ko alam kung sino iyon sana mahuli iyon" umupo ako at napayuko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mayroong masamang nangyari sa kanya.

"You see kasi anak, she is not just a girl na nabuntis mo. Anak mo kasi iyong dinadala niya. She need care and love. Im not saying na mahalin mo siya but what I am saying is alagaan mo siya anak. You can work sa bahay naman" napailing ako. 

"Ma naman, I don't want her to accept wrong signals. Baka akalain niya na mamahalin ko siya. After she gave birth uuwi na siya at magkakaroon  na ako ng masayang pamilya" iyon naman talaga ang plano. She agreed to it. 

"MA!" napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sampal ni mommy. 

"I didn't raise you like that. Ano ka ba naman anak. Binuntis mo iyong tao. Ng pumatol 'yan sayo, alam niya bang may asawa ka? Respect her, anak niya kasi iyan. Hindi iyong pagkatapos niyang magpakamatay sa panganganak ay basta-basta mo nalang siyang e didispatsya"

"Then, what do you want me to do ma? Accept her in our house and tell the truth to my wife?" hindi makapaniwala kong tanong kay mama. I won't risk my wife's trust

"Yes" 

"Ma-" I looked at her with disbelief.

"Anak, you face your own action. Mahal ka ng asawa mo, maiintindihan ka niya" Umiling ako tsaka umalis ngunit may sinabi si mama na nagpatigil sa akin.

"If you won't do it, I will do everything just to ruined you. Ako ang magsasabi kay Maria sa totoo at papauwiin ko si Phoebe dala ang anak niyo" umiling ulit ako. Hindi ko siya maintindihan, ako ang anak niya dapat ako ang kampihan niya. 

She need care and love. As if. 

Dumiritso na ako sa kwarto ni Phoebe at naabutan siyang gising na.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now