Hired #24

5.1K 122 19
                                    

Tomorrow came and everyone is so busy for the upcoming beach wedding habang ako ay inaaliw ang sarili sa kakalakad sa dalampasigan. Mabuti na lamang at hindi masyadong mainit ngayon kaya okay lang sa akin ang magbilad sa araw. 

Nakasuot ako ng puting maternity dress. Ito iyong binili sa akin ni Anna noong kami palang ang nasa bahay. Habang suot ko din ang aking kulay blue na tsinelas na binigay din ulit ni Anna sa akin. 

Nakatanaw lang ako sa dagat at tila naiingit ako sa mga isdang nasa ilalim nito. Ang lawak kasi ng dagat, marami silang pwedeng puntahan, maaari silang tumakas habang ako at dito lang nanalagi sa pamilyang ito. 

Hinaplos ko ang aking tiyan. Alam kong magtatampo ka sa akin dahil iiwan kita sa ama mo pero sana lagi mong tandaan na mahal kita at akin ka.

Hindi nagtagal ay sinamahan ako ni Anna. Marahil ay inutusan siya ng kanyang kapatid o di kaya ni Maria upang samahan ako dito.

"Kumusta naman ang pag-aayos Anna?" kita ko sa mga mata ni Anna ang kasiyahan para sa kanyang kapatid. Hindi ko naman siya masisisi dahil akala nilang lahat ay magtatapos na ang relasyon ng dalawa.

"Maayos naman ang lahat. Hands-on si Kuya sa lahat ng ginagawa nila. Masaya din si Ate Maria at tingin ko ay bukod sa kasal nila at baby shower ay may sasabihin din sila sa atin." tumango na lamang ako at nanahimik. Ayaw ko ng magsalita dahil ayaw ko na ding masaktan pa lalo.

"Ikaw ba Ate Phoebe, hindi ka nagsisi na hindi mo pinaglaban si Kuya?" Aaminin ko na nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko inakala na maglalakas loob siyang sabihin iyon sa akin.

"Siguro sa ngayon hindi ko pagsisisihan dahil masaya pa ako at nakikita ko pa siya sa malapitan" ngitian ko siya bago nagpatuloy.

"Alam mo kasi, kapag nagmahal ka hindi naman importante na kasama mo iyong tao. Basta't masaya siya at nakikita mo sa mga mata niya na wala siyang pinagsisihan sa naging decision niya kailangan mong maging masaya nalang" kahit naman kasi hindi ako sigurado sa sagot ko ay alam kong wala akong pagsisisi.

"Masaya na ang Kuya mo. Iyong sa amin naman ay nadala lang siya at naging tukso ako upang magkalamat ang relasyon nila. Mali man iyon pero aaminin ko na hindi ako nagsisisi sa nangyari sa amin" tinanguan lamang ako ni Anna at nagkwentuhan na lamang kami ng kung ano-ano sa buhay.

Nalaman ko din na noong mga panahong masaya pa ang pamilya nila ay may naging nobyo si Anna. Inilaban nila ng patayan ang relasyon nila ngunit bandang huli ay napagod ang nobyo niya. Hindi na sila muling lumaban, bagkus ay pinakawalan na lamang nila ang isa't-isa habang maaga pa. 

Ganoon lang ang pinag-uusapan namin hanggang sa may narinig akong pamilyar na boses.

"I never thought that I would see you again" Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses at hindi nga ako nagkakamali. Right in front of me is my dear cousin, Daisy together with my traitor friend Carrina

"What brings you here Daisy?" tinignan ako ni Daisy at hindi niya pinansin ang tanong ko. Ngumisi ito at pumirmi ang kanyang mata sa tiyan ko. Hindi ko mapigilang kabahan.

"I didn't know that you already tied the knot my dear cousin at naunahan mo pa akong magbuntis" tumawa ito at nakigaya si Carrina. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit sa akin si Carrina.

"It's none of your business Daisy, halika na Anna" inaya ko na si Anna na umalis ngunit pinigilan ako ni Daisy. Humigpit ang kawak niya sa braso ko at dumiin pa ang kanyang koko doon. Napangiwi ako ng makaramdam ng hapdi.

"Who would have thought that their angel daugther is here and pregnant. My gosh I am so shocked" umiling pa ito at tsaka ako binitiwan.

"Hindi ka na ba nagpapigil and you let other men f.cked you and put his semen inside your p.ssy then here's the result!" she even exclaimed. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya pero hindi ko napigilan na sampalin siya.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now