Hired #16

4.7K 106 6
                                    

It is already midnight nang magising ako sa ingay na nasa labas ng bahay. Hindi ko alam kung sino ang nandoon pero Michael is not in my bed anymore. Nalungkot naman ako pero hindi na ako nagreklamo. Masaya na ako kahit papano ay natugunan niya ang pagkagusto ko sa kanya.

"Michael?" Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya. Hindi ko alam kung may kasama ba siya pero sana naman wala at sana okay lang siya. 

"Send me all my appointments, I am going back the day after tomorrow" narinig ko ang boses na iyon sa kusina. Mukhang kalmado na siya sa pakikipag-usap. Pumasok na ako sa kusina at nakita ko si Michael na may kausap sa harap ng laptop niya. Mukhang may dumating na trabaho.

"Hey" tawag ko sa atensyon niya. Nilingon niya ako at agad na nagpaalam sa kausap niya.

"Did I wake you up?" tanong niya at nilapitan ako. Ngumiti ako at nagkamot.

"Medyo, but I'm fine" sabi ko pa. Umiling naman siya at ginaya ako papunta sa kwarto ko.

"Kakatulog lang natin kaya matulog ka ulit" aniya. Naupo kami ulit sa kama at inihiga niya ako.

"I'll be busy again but no need to worry. I'll make sure that I can still take care of you" tinitigan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Sana hindi ka nagsisi sa nangyari sa atin" mahinang usal ko. Hinawakan naman nito ang kamay ko at tinitigan ako. Iyong titig na puno ng kasiyahan. 

"Wala ni kahit anong paghihinayang ang naramdaman ko. Masaya ako dahil kahit paano ay naibigay mo iyong bagay na hindi ko na naramdaman" natakot ako pero gaya dati ay hindi ko na pinansin. 

Nagkatitigan kaming dalawa at muli na namang maglapat ang mga labi namin. Hinalikan niya ako ng puno ng kasiyahan, na lahat ng nararamdaman niya na gusto niyang maramdaman ko ay binigay niya sa pamamagitan ng mga halik na iyon. 

Nakaibabaw na siya sa akin at kahit gusto kong matulog ay sinabayan ko ang gusto niya. Nagpalunod na naman ako sa mainit na pagmamahal. Nagpalunod na naman ako na kahit mapaso pa ako ay wala akong pakialam basta ba't maibigay ko din ang kanyang pangangailangan.

Sinimulan ko na ito, at ayaw ko ng tapusin dahil kahit bawal kaya kong ipaglaban. Sabi nga nila, masarap ang bawal at iyong bawal na iyon ito'y aking nilalasap.

And then again, we had sex 'til dawn. Hindi na kami natulog dalawa at hanggang nag umaga ay sige pa din siya sa pagbibigay sa akin ng ligaya. Ayaw ko na, ayaw ko na siyang pakawalan.

"GOOD MORNING" Inilagay ko ang kape niya sa mesa kasama ang mga pagkaing niluto. Kami paring dalawa ang nandito, bukas ay papasok na siya sa trabaho kaya susulitin na namin itong magkasama kami buong araw.

"Are you fine?" Tumango ako at tinignan ang orasan. Alas dose na ng umaga at nagising ako kaninang alas onse.

"Let's eat?" aya ko sa kanya at umupo na. Nagsimula na kaming kumain at hindi ko mapigilang ngumiti. Para lang kaming mag-asawa ngayon, ako na naghahanda ng makakain namin at siya na kakain sa inihanda ko.

Napahawak ako sa tiyan ko. Excited na ako sa paglabas ng anak ko. Sana kamukha niya ang ama niya. Hindi ko pa alam kung ano ang gender niya pero tingin ko ay lalaki ang magiging anak ko. 

"Saan mo gustong pumunta ngayon?" Tanong niya bigla. Nag-isip naman ako ngunit kahapon kasi ay umalis na kami ng bahay, ayaw ko namang umalis ulit kami dahil baka mapagod si baby.

"Pwedeng dito nalang tayo? Manood tayo ng palabas o di kaya kilalanin natin ang isa't-isa lalo" Gusto ko pang mas makilala siya, dahil sa kanya ay muli kong naramdaman ang umibig.

"Well, I also like your idea. So yes, we will stay here and we will create another memory together"

And as what he said we stayed and started doing things we want to do. Hinugasan na muna namin lahat ng ginamit namin sa breakfast bago pumunta sa sala at kinuha niya ang scrabble board. Napangisi ako, I guess we will do this game while asking questions.

"This is one of my favorite brain games. So I hope you know how to play this one" aniya. Ngumisi ako at umupo ng tuwid. Mali ang kinalaban niya.

"Of course I do. Wanna bet?" Hamon ko pa. Umupo naman siya at inilapag ang board sa mesa. 

"After we put our words kung sino ang may maliit na score siya ang tatanungin. That means the one who have high score every words will have a chance to question the other" paliwanag nito. Tumango ako at hinanda ang sarili. Kumuha siya ng isang letter at ganoon din ang ginawa ko. 

Kung sino ang nakakuha ng naunang letra sa alphabeto siya ang mauuna. Inilapag niya ang letter niya "N" napangisi ako. Nilapag ko naman ang akin at pinakita sa kanya ang letrang "J".

"I'm first" sabi ko. There's a big chance na ako ang unang magtanong. Double ang score na makukuha ko dahil ako ang una. Kumuha na kami ng ibang letra. Each of us will have nine letters. Actually pwede namang seven letters but since dalawa lang kami kaya nine ang total of letters namin.

Tinignan ko ang letter ko. N J I I S F H A E ano kaya ang word na mabubuo ko dito? 

"Ready?" tanong niya. We have 30 seconds each to put our words. 

"My first word is F I N I S H" ngumisi ako. Well, I am good at words but I don't know kung ano ang kaya niya sa mga ganitong laro. He is a CEO for nothing so maybe he might be good with this one.

"Well challenging huh? My word is O Z O N E + O H" Ngumisi pa ito. Napapout naman ako, double words huh. Tinignan namin ang score board.

PHOEBE - 24                              MICHAEL- 18 

"I guess its my time to ask you question first" sabi ko sa kanya. Nag-isip naman ako ng pwede kong itanong and since its still the first round iyong light na tanong na muna ang itatanong ko sa kanya.

"What is your priced possession?" nag-isip naman siya bago niya sinagot ang tanong ko. 

"Shoes. I'm not into cars like the others but I have a shoe collection in my closet for my basketball game. I was a varsity way back college so ayun" tumango ako at naghanda na kami sa pangalawang laro. Kumuha na ulit ako ng anim na letra since anim ang nagamit ko habang siya naman ay lima. 

Iyong letra ko naman ngayon ay J A E R S I M O O 

Ano kayang words ang mabubuo ko na makakuha ako ng malaking score? Mukhang hindi ko yata siya kayang talunin ngayon. Inilapag ko sa board ang letrang I R E kung saan ang E ay nakalapat sa triple words at naka connect naman ang R sa huling letra ng ozone which is E tapos ang I naman ay nakalapat sa letrang N.

IRE + RE + IN a total of 13 points. 

The game continues and so far hindi naman ako nagpapatalo at lalo naman siya. Tignan lang natin kung sino ang magwawagi sa huli. 

Napapahikab na ako at nagugutom din ng malapit na kaming matapos. May dalawang letra na lamang ako habang siya ay isa na lang. Naghahanap pa siya ng pwedeng paglagyan ng letra niya dahil halos wala ng malagyan at mabuong salita. Tinignan ko ang score board, kapag nailagay ko lahat ng letra ko ay mananalo ako pero mangyayari lamang iyon kapag nag pass siya ng move.

SCORE BOARD

PHOEBE - 141                   MICHAEL- 141

"Baby, the one who will lose will give the other one a dare" sabi nito tumango ako at ngumisi kahit na kinakabahan ako. Dumaan ang ilang minuto at nakita na niya kung saan ilalagay ang huling letra niya.

"So, paano ba yan? I won" sabi nito kaya itinaas ko ang kamay ko na para bang sumusuko.

"What do you want me to do?" tanong ko. Tumango siya at nilapitan ako.

"Just want to see you..." niyakap niya ako patalikod at dinampian ng halik ang leeg ko. Napaiktad naman ako at napapikit. I want more gusto kong isigaw pero siya ang panalo kaya wala akong nagawa kundi ang hindi ipahalata sa kanya ang epekto niya sa akin.

"I want you naked" and there, I lost it again. 

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now