Hired # 20

4.9K 104 4
                                    

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Nandito kami sa loob ng mamahaling restaurant at hinihintay ang mga magulang ni Michael.

 Magkaharap kami ni Michael habang nasa tabi naman nito si Maria. Nakatitig lang sa akin si Michael habang si Maria ay kausap ang waiter.

Kinuha ko ang cellphone ko upang e check kung may nag text o tumawag sa akin. Hindi ko na din nakakausap sa telepono ang mga magulang ko lalo na ang mga tao sa center. 

Ng buksan ko ang cellphone ay nakita kong nag reply na sa akin si Michael sa text ko kanina at may iba din siyang mensahe sa akin. Una kong binuksan ang reply niya.

MICHAEL 

 I'll go with you. Pupuntahan ko kayo


MICHAEL

We will talk again, wait for me tonight

Hindi ko napigilang ngumiti at ma excite sa nabasa ko galing sa kanya. Mukhang babawi na siya sa akin ngayon.

"Phoebe are you okay?" napabaling ako kay Maria at tumango na lamang. 

"By the way Phoebe, may pag-uusapan pala tayo tungkol sa pagiging baby maker mo sa amin ni Michael" napakunot ang noo ko. Limang buwan ko na itong dala at ngayon lang kami mag-uusap tungkol sa bata?

"Sa dami ng ginawa ko nitong nakaraang buwan nakalimutan kita. Hindi pala maayos iyong pag-uusap natin tungkol sa baby" hinawakan siya ni Michael upang pigilan.

"Wag dito Maria" ngunit hindi nagpapigil si Maria. 

"No honey, I need to give this paper to her. Yes it's late already pero hindi pa naman lumabas ang baby. Tsaka I talked to my friend last night and she suggested na gumawa ako ng ganito" hindi ko siya maintindihan. 

"Phoebe, I hope you will consider this. The first time I saw you again after years I was so excited that I trusted you so much with this matter. The baby is so important to me since it will complete my family and since you are my bestfriend I trusted you na nakalimutan kong ilang taon din tayong hindi na nagkita" bigla akong kinabahan sa mga pinagsasabi niya. Ano na naman ito Maria?

"I made this contract and we both know that you can't back out anymore. So there's no reason na hindi mo ito permahan. Besides, that baby in your tummy is our own flesh and blood. Nakigamit lang kami sa sinapupunan mo upang mabuo ang pamilya na matagal na naming inaasam mag-asawa" naiiyak ako, gusto kong pigilan siya ni Michael at gusto kong sigawan siya na wala siyang karapatan sa bata dahil akin ito ngunit ng tignan ko si Michael ay natigilan ako.

Nagmamakaawa ang kanyang mga mata na huwag patulan ang asawa. Mahal ako ni Michael, ramdam ko iyon pero hindi ko alam kung bakit ganito niya protektahan ang asawa. Paano ako Michael? Kailan mo ako pro-protektahan?

Magsasalita na sana ako ng makarinig kami ng tikhim mula sa kung saan.

"What is happening here Michael?" Napabaling ako sa nagsalita at nakitang ang mga magulang iyon ni Michael at ang kanyang kapatid. 

"Mommy!" parang batang salubong ni Maria sa dalawa. Napayuko naman ako, kilala ako ng mga magulang ni Michael at sana ay wag na muna nilang sabihin kay Maria ang lahat. 

"And who is this pregnant lady here?" dumoble ang kaba ko ng marinig ko ang boses ng daddy ni Michael. Hindi ko parin nakakalimutan ang sinabi niya sa akin noon. 

"Dad she is my bestfriend and she's carrying your granddaughter" nag-angat ako ng tingin at ngitian ang matanda. Tumango lamang ito at binalingan na ulit si Maria upang kumustahin ito.

Tumabi naman sa akin iyong kapatid ni Michael at hinawakan ang tiyan ko. Napaigtad pa ako sa ginawa niya.

"Nako sorry ate" tumango lamang ako at maya-maya pa ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lamang ako at ganoon din si Michael habang ang magulang nito at kapatid ay nakikipag-usap kay Maria. 

Maya-maya pa ay biglang nagpaalam sa amin si Maria at sinamahan naman ito ng kapatid ni Michael sa C.R. 

Tahimik lamang kami hanggang sa magsalita ang daddy nito.

"I hope you still remember us, Ms. Pamelle?" tipid akong tumango. Ayaw ko siyang kausapin.

"Ngayon anak, hindi parin ba alam ng asawa mo ang sekretong ito?" ang mommy naman niya ang nagtanong.

"Hindi na my, at tsaka alam naman ni Phoebe kung ano ang lugar niya sa buhay namin. I made it clear before we start this. She will give the baby to us at magpapakalayo siya sa amin" 

"Well then, hopefully Ms. Pamelle hindi ka maghahabol sa bata. Pinakain at inalagaan ka ng anak ko and here-" may ibinigay itong folder sa akin. Ito iyong hawak ni Maria kanina.

"Maria told me about this and I guess hindi niya pa rin ito naibigay sa iyo. So please do the honor to read it" nanginig ang mga kamay ko na hinawakan ang folder at binuksan iyon upang basahin.

I Phoebe Pamelle agreed to be a baby maker of Mr. Michael Chase Villona and Mrs. Maria Villona. As I agreed, I will follow the following rules written below.

1. I will stay in the house of Villona until I gave birth to the baby.

2. No other man should be involved in this agreement time. No boyfriend in the process of pregnancy.

3. I will be careful for the baby's safety and eat healthy foods. Follow the doctor's advice.

4. Once I give birth to the baby, I will give the full responsibility to the parents and never interfere.

5. I can visit and see the child ONLY holidays, such as Christmas, New Year and the child's birthday.

If the pregnancy process is successful, the babymaker will be given cash 500,000 pesos.

PHOEBE PAMELLE                           MICHAEL CHASE VILLONA                   MARIA VILLONA


Napatingin ako sa kanila pagkatapos kong basahin ang lahat. Bakit parang nag-iba si Maria?

"Kailangan pa po ba ito?" ngumisi ang daddy ni Michael.

"Oo, dahil kapag may isang bagay kang ginawa upang mapasama ang bata maipapakulong ka namin" 

"Alam namin hija na hindi madali sa iyo ito pero hindi din madali sa amin ito. May choice ka naman simula noong una. Pwede mong ayawan ang lahat ng malaman mong pinagbubuntis mo ang anak nila at aminin kay Maria ang lahat ngunit hindi mo ginawa at pinagpatuloy mo ito"

"Paano naman po ako kakawala sa lahat ng ito kung iyang anak niyo, simula palang sa una ay wala na akong balak pakawalan? Alam niyo po bang--" biglang hinampas ni Michael ang mesa at kinuha sa akin ang folder.

"That's enough mom, dad and Phoebe. Hindi na ba kayo nahiya at dito niyo pa naisipang pag-usapan ang bagay na ito? Please mom, dad I am trying to save my marriage here. Wag na po kayong makialam" umupo ito at yumuko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa mga magulang niya. 

"Well then, that's enough for us to know na walang namamagitan sa inyong dalawa" at ngumisi ulit ang daddy ni Michael. Nalilito ako pero mas nasasaktan ako. Bakit ang daling umikot ng mundo para kay Maria?

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now