Hired # 21

4.7K 101 11
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon ay tuluyan ng nawala ang lahat sa akin. Umalis si Maria at Michael sa sumunod na araw at naiwan ako sa bahay kasama ang maraming bantay. Na para bang isa akong kriminal na kailangan bantayan.

Hindi na din kami nag-usap ni Michael dahil sumama ang pakiramdam ng asawa niya. Kaya ito ako, laging nasa loob ng bahay at naghihintay sa pagbabalik nila. Hindi na kasi nagtrabaho si Maria dahil sa hindi ko alam na rason kaya ayon at sinusulit nila ang ilang buwang hindi sila magkasama.

"Phoebe?" napakurap ako at tinignan ang doctor sa harap ko. Ang doctor na din kasi mismo ang pumupunta sa akin upang tignan ang kalagayan ko. 

"Po? May problema po ba?" ngumiti lang ito at umiling. Bago na ang doctor ko at si Maria ang may pakana. 

"Masaya ako at kahit malungkot kang nag-iisa dito ay kinakaya mo parin. Alam ko ang kwento mo, kaibigan ng asawa ko si Michael at sinabi niya sa amin ang tungkol sa iyo" inayos niya ang mga gamit niya at hinawakan ang kamay ko. Tapos na kami sa check up ko ngayong araw.

"Malungkot din si Michael sa kung nasaan siya ngayon. Gusto ka niyang kausapin ngunit kailangan siya ni Maria. Sana balang araw ay maintindihan mo kung bakit kailangan niyang lumayo sa'yo" napaluha ako. Alam ko naman iyon, na itong paghihirap ko ay hindi magtatagal at magiging masaya din ako.

"Heto at may pinabibigay siya sa iyo. Binili ko iyan pero wag kang mag-aalala si Michael ang nag-utos sa akin na bilhin 'yan para sayo" binuksan ko ang kahon na binigay niya at isa iyong knot ring. Kumabog bigla ang puso ko.

"Ani niya, promise ring daw iyan. Hindi niya alam ang mangyayari Phoebe, hindi niya alam kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin niya pero iyang singsing na iyan. Palatandaan 'yan ng pagmamahal niya sa iyo." napaluha ako. Ano ba kasi ang nangyayari at biglang gumulo ang kwento naming dalawa? Akala ko magiging exciting lalo ang relasyon namin dahil ipaglalaban niya kaming dalawa.

"Salamat dito ha, at least may pang hahawakan ako galing sa kanya" tumango lamang ito at hinaplos ang pisngi ko.

"Babalik na sila Phoebe" napatitig ako sa kanya. Babalik na ba talaga sila? 

"Aalis na ako at may iba din ang pupuntahan Phoebe. Alagaan mo ang sarili mo at maging malusog ka para sa baby mo" tumango lamang ako at sinamahan siya sa may pintuan. 

Ng makaalis siya ay hindi mawala sa akin ang kasiyahan lalo na't babalik na ang matagal kong hinihintay. Sinabihan ko ang mga kasamang kasambahay na maglinis ng bahay lalo na ang kwarto ni Michael at Maria. 

"Linisin niyo at baka darating na sina Michael at Maria. Baka akalain ng mga iyon ay pinabayaan natin ang bahay nila dahil wala sila dito" nagsimula na nga'ng maglinis ang mga kasambahay kaya ganoon din ang ginawa ko. 

Naglinis ako ng kwarto ko at ng mga gamit ko. Wala akong cellphone dahil kinuha iyon ng daddy ni Michael. Naligo ako pagkatapos at naghintay sa living room. 

Nanonood lang ako ng palabas ng makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Kinabahan ako bigla pero nawala iyon ng maisip na babalik na kami sa dati ni Michael. Malalaman ko na ang lahat kung bakit ganito ang pangyayari sa buhay naming dalawa.

Ngunit nawala ang lahat ng kasiyahan ko ng makitang mga magulang ni Michael ang nandito. A-akala ko babalik na ang mahal ko?

"Ms. Pamelle" naupo kaming tatlo sa sofa at ang mga kamay ko ay nakalapat lamang sa aking mga hita. Takot na maulit iyong sagutan namin sa restaurant noong nakaraang buwan.

"Totoo ba?" galit ang tono ni Mrs. Villona. 

"Totoo bang inakit mo ang anak ko ng wala si Maria dito?" napabaling ako sa kanya. 

"Po? Kanino po galing ang mga salitang iyan?" Hindi ko naman kasi inakit si Michael. Hindi ko siya minahal noong una ngunit kalaunan ay natutunan ko siyang mahalin at hindi ko iyon kasalanan.

"Kinausap kami ni Michael. Sinabi niya sa aming maraming beses na may nangyari sa inyo dahil pinasok mo siya sa kwarto nilang mag-asawa. Anong karapatan mo?" galit na galit ang titig sa akin ni Mrs. Villona habang pinapakalma naman siya ng asawa niya.

"Kaibigan ka ba talaga ni Maria? Bakit ka ganyan? Bakit mo nagawa iyon?" umiling ako, walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko kayang ipagtanggol ang anak ko.

"Phoebe!!" napaiktad ako at umiling ulit sa kanya. Naiiyak na ako dahil wala akong magawa upang sabihin na hindi ko sinasadyang mahalin ang anak nila.

"Please, kaibigan ka ni Maria. Kalimutan mo iyang nararamdaman mo para sa anak ko. Hindi sila makabalik dito dahil natatakot si Michael na baka anong gawin mo kay Maria" naguguluhan ako. Akala ko ba mahal niya ako at gumagawa siya ng paraan para maging kami ulit?

"Please hija, nagmamakaawa ako sa iyo. Alam ko na napakalaking bagay na itong hinihingi namin sa iyo pero wala na akong pakialam" lumuhod ito sa akin at parang nakikita ko sa kanya iyong magulang ko.

Alam ko na kapag ako ang nasa posisyon ay gagawin din ito ng magulang ko kaya tumango na lamang ako. Talo na din naman ako at kahit lalaban ako ay hindi ko din kayang saktan ang lahat ng tao na involve sa aming dalawa.

Oo nga at may learning center ako, may pinapatayo akong bagong negosyo pero hindi ko kayang isakrispisyo ang lahat ng pinaghirapan ko noon.

Tama na siguro na hanggang dito na lamang ang lahat. Hindi nga siguro dito ang buhay na dapat sa akin. 

Gusto ko ng wakasan ang lahat ng ito.

Hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos.

I'm sorry baby, at hindi kita kayang ipaglaban.

"Salamat Ms. Pamelle" niyakap ako ni Mrs. Villona. Tumayo naman si Mr. Villona at kinamayan ako.

"Salamat at naiintindihan mo kami" ibinigay sa akin ni Mr. Villona ang cellphone ko at inutusan ang mga kasambahay na paalisin ang kahit sinong bantay sa labas ng bahay.

"Masaya na kami sa desisyon mong kalimutan ang anak namin. Mahal nila ang isa't- isa Phoebe. Isa ka lang sa mga taong magiging dahilan upang tumatag pa lalo ang relasyon nilang dalawa" Nagpaluto si Mrs. Villona ng hapunan sa mga kasambahay dahil sasamahan nila akong kumain.

"Next month pa makakabalik si Michael at Maria kaya habang wala pa sila ay pwede mong papuntahin dito sa bahay ang mga kaibigan mo upang hindi ka malungkot. Tsaka wag kang mag-aalala papupuntahin namin dito ang anak namin upang may kasama ka din" tango na lamang ako ng tango. May magagawa pa ba ako sa lahat ng ito?

At simula nga ng araw na iyon ay nagbago na ulit ang takbo ng buhay ko. Lagi na nila akong sinasamahan sa bahay at minsan naman ay inaaya ako ng kapatid ni Michael na pumunta sa mall upang mamili ng mga gamit ko. 

The Hired BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon