Special Chapter # 1

7K 107 6
                                    

Nagpaalam na kami ni Schyler sa mga kakilala namin sa lugar na iyon, nakausap ko na din si Harold at masaya siya dahil hindi nauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan. Gusto ko nga siyang pagtatadyakan kaso naintindihan ko siya.

"Good bye" masayang paalam ni Schyler sa mga tao doon habang nasa loob ng sasakyan. Magkakatabi kaming tatlo at papunta kami sa bahay ko doon sa lungsod. Kinakabahan ako sa totoo lang dahil hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko doon.

"Relax mama, nandito naman kami" ngitian ko ang anak ko at naghanda na para mamaya. Hinawakan naman ni Michael ang kamay kaya napanatag na ako.

Pagkalipas ng ilang oras ay narating na namin ang lungsod. Nakita ko iyong pinatayo kong building kay Arch. Hindi ko iyon nakita noon pero ngayon, manghang-mangha ang mata ko sa nakikita.

Sa pagkakaalam ko ay ang kapatid ko ang nag bukas ng cafe na ito. Sinabihan ko si Michael na dito nalang muna kami dahil gusto ko muna siyang makita. Sinabihan niya ang driver na mag park at pagkatapos  ay bumaba na kami ng sasakyan.

Pumasok kami sa loob at talagang masaya ako dahil napalakad ito ng maayos.

"Miss anong order niyo?" pagtataray ng babae. Napataas ang kilay ko, kailan magtaray?

"Miss ano na, hindi lang ikaw ang costumer dito" lumingon ako sa likod at wala namang taong nakasunod, tsaka hindi naman ako nakaharang sa counter. Bagkus ay nasa gilig ako ng store malapit sa isang four seater na table.

"Excuse me, hindi ka dapat magtaray miss —" tinignan ko ang name tag niya.

"—Joyce dahil kung oorder ako ay sasabihin ko naman, hindi makapaghintay?" napansin ko naman na pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Aba, wala sa policy namin ang costumer is always right at tsaka it's prt of our rules that when you come in, you order" well, I made that rule kaya siguro kailangan ko ng mag order, pero kasi...

"Dali na ano ba ang order mo? Papasok-pasok ka dito hindi ka naman pala bibili, labas na kayo..." tinignan ko si Michael, natatawa siya sa nangyayari habang ang anak ko naman ay walang pakialam.

"Nagfefeeling mayaman lang?" bulong pa nito. Nag-init ang ulo ko sa narinig kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at sumigaw.

"Patricia Pamelle!" I shouted on top of my lungs. Napangiwi naman si Michael sa sigaw ko at iyong babae naman sa harapan ko ay mas lalong ngumisi na siyang kinainis ko. Ang ayaw ko sa lahat iyong tinatarayan ako.

"Tatawagin mo talaga si Miss P? Congrats, you've done your research pero sorry ka, best friend ko 'yon" kung may itataas ang kilay ko ay naisampal ko na sa babaeng ito. Ano ang pinagmamalaki niya?

"Ikaw!" tinuro ko iyong isang crew na nasa malapit.

"Tawagin mo si Patricia sabihin mo nandito si Phoebe" matigas na uto ko. Hindi pa sana ito susunod pero nilakihan ko ang mata ko.

"Phoebe, stop harassing her" I heard Michael. Inirapan ko siya habang ang anak ko naman ay nagreklamo din.

"Mama naman ang ingay mo" kulang nalang ay paluin ko ang anak ko dahil sa sinabi nito. Pinapahiya pa ako at hindi man lang sumuporta.

"Ate?" Nilingon ko ang nagsalita. Nakataas parin ang kilay ko.

"Oh my gosh, Josh tawagan mo sa mama sabihin mo bumalik na iyong anak niyang naglayas" hysterical na utos niya doon sa crew na inutusan ko kanina. Napairap ako.

"Ano ka ba naman, don't you know how to  choose your employees? They're rude" sabi ko sabay ngisi at bumaling sa babae na ngayon ang nawala ata ang taray na meron ito kanina.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now