Hired # 29

5.5K 114 11
                                    

Hindi makatulog si Phoebe ng gabing iyon. Nasa resort pa din sila ng anak niya dahil hindi siya pinakawalan ni Harold. Inisip niya din na siguro kailangan niya munang isipin ang lahat ng ito bago siya muling magdesisyon. 

Tinignan niya ang natutulog na anak. Sa desisyon niya kasi hindi lang siya ang masasaktan, maaaring masaktan din ang anak ko dahil sa pamilya ng ama niya at si Maria...

Hindi ko kayang iwaglit ang sinabi niya sa sulat. Nagawa niya lang iyon dahil desperada na siyang mahalin ni Michael, mahalaga ako sa kanya at ngayon iyong ginawa niyang wakasan ang buhay ay ang solosyon niya para maging masaya ako. Paano naman ako magiging masaya sa ganoong rason?

"P-papa!" nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Schyler. She's sleep talking.

"Wag mo akong iwan please" napahikbi pa ito. Hindi niya pa kilala ng lubusan ang papa niya pero napaginipan na niya ito. Niyakap ko ang anak ko at pinatahan. Nagising din siya kalaunan.

"Ma, kaya ba malayo tayo kay papa dahil iniwan niya tayo?" natahimik ako at hindi makasagot. Ni hindi niya ako tinanong tungkol sa papa niya.

"Hindi naman sa ganoon anak, hindi mo pa kasi naiintindihan ang lahat" 

"Ma, gusto kong makilala ang papa ko" at doon alam ko na kailangan ko ng magdesisyon para sa kanya. Ngitian ko ang anak ko at pinatulog siya. SIguro dapat ko na ngang gawin ang tingin ko'y tama. Pikit mata ko na lamang itong gagawin. 

Ng makatulog ang anak ko ay lumabas na muna ako upang mag-isip. Sakto naman at kalalabas lang din ni Harold sa silid niya.

"Let's talk?" Tumango ako, iginaya niya ako sa resort at doon kami umupo sa isang cottage malapit sa pool. Bukod sa tahimik ang paligid ay masarap din ang simoy ng hangin. Syempre nasa bukid kami kaya masarap sa pakiramdam ang paligid.

Tahimik lang kaming dalawa at ni isa ay walang nagsalita. Naiintindihan ko naman si Harold, ganoon naman kasi talaga siya. Noong minsang nag-away kami dahil hindi niya pinaalam sa akin na isasama niya ang anak ko sa lungsod, tatahimik lang siya at hahayaan na maging kalmado na muna ang kaaway niya. 

Sa sitwasyon namin ngayon hindi naman talaga kami magkaaway, nadismaya lang ako dahil pinangunahan niya ako sa mga desisyon ko.

"Sorry"

"I'm sorry" 

Sabay pa naming sabi, natawa na lamang kami sa aming sarili. Niyakap ako ni Harold at niyakap ko din siya pabalik. Sabi ko nga, mahalaga si Harold sa buhay ko at alam ko unti-unti na akong nagbubukas ng panibagong yugto kasama siya.

"I just want you to start a new life without thinking of your past. You know that right?" tumango ako at humilig sa kanya. 

"Talking to Michael doesn't mean I am letting him have you without a fight Phoebe. I told you before that I am falling for you and this is my way of fighting for our love story" He held my cheeks and make me look at him.

"Tapos na ang storya niyong dalawa Phoebe, this time I am doing them a favor, him and Maria, to close their chapter in your life. Yes, he can know your daugther but that doesn't mean he can get you back" and then slowly, he looked me in my eyes then to my lips. I licked my lips as if inviting him to kiss me.

Harold is a gentleman. I know that and I believe that he is. He pressed his lips against mine and kissed me heartily. I kissed him back telling him that I am feeling the same way. I am not yet hundred percent sure of my feelings for him dahil hindi ko pa nasirado ang yugto ng nakaraan ko. 

And this, feeling his love for me assures me that I will be loved despite of what happened in the past. Kahit naging kabit pa ako sa nakaraan alam ko na wala siyang pakialam and I loved him even more. 

"MA, SAAN tayo pupunta?" I looked at my daughter. Today is the day that she will meet her father. I haven't talked to Michael about it but I want it done as soon as possible. Ayaw ko na kasing magbago din ang isip ko tungkol sa nararamdaman ko. Michael is here for my daughter and I want to too, iyong si Schyler lang ang habol niya.

"You want to meet your father right?" I touched her face and check if she's ready to go. 

"I am really going to meet him? Is that okay with you?" tumango ako at doon ko nakita iyong kislap ng mga mata niya na sinabi sa akin ni Harold. Iyong kagustuhan niyang makilala ang ama niya.

"Ma pwede naman po kasing hindi kung hindi po okay sa inyo" I just smiled at her and assures her that I am okay with it. 

Lumabas na kami ng kwarto at naglakad na papunta sa VIP Room kung saan alam kong nandoon si Michael. Wala ngayon si Harold sa resort dahil may kinausap itong client outside the place at mamaya pa ang balik doon. 

Alam din ni Harold na ngayon ko kikitain si Michael at suportado naman niya ako. 

Habang naglalakad ay hindi ko pa din maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung sino ang kasama ni Michael ngayon doon pero sana maayos ang takbo ng pangyayari ngayong araw.

Ng makarating kami ni Schyler doon ay nakita ko agad si Michael sa isang table, mukhang may nakapagsabi na sa kanya dadating ako dahil nang makita niya akong pumasok ay agad siyang tumayo at sinalubong ako.

"I am here for formality Mr. Villona" He nodded and then he looked at the little girl beside me. Nakatitig sa kanya si Schyler at alam ko na alam na ni Michael kung sino ang batang ito.

"Let's sit" Ginaya kami ni Michael sa pwesto niya kanina bago paman ako makaupo ay napansin ko ang anak ko na nakatitig lang kay Michael habang ang lalaki naman ay halatang kinakabahan. Napangiti ako sa reaksyon ng dalawa kaya hindi ko na pinatagal pa. Ng makaupo kami ay agad kong nilingon si Schyler.

"Anak, alam mo naman na mahal ka ni mama diba?" sabi ko dito. Tumango naman ito sa akin bago tumingin ulit kay Michael.

"Sorry anak kung ngayon ko lang ito nabanggit sa 'yo. Natakot kasi ako at alam kong hindi mo pa ito maiintindihan kaya pangako, sasabihin ko sayo ang lahat kapag naiintindihan mo na ang sitwasyon" Hinalikan ko si Schyler bago tumingin kay Michael. 

"Michael" he sat properly after I called his name. 

"Ang nakaraan natin ay isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko kayang ipagmalaki. Nagkamali tayo at pinilit pa natin ilaban ang mali kaya alam ko Michael na nahihirapan ka din noon. Patawad kung pinili ko siyang ilayo sa'yo. Ginawa ko lang din kung ano ang tingin ko noon ay tama" hinawakan ko ang kamay ni Schyler. 

"This is our daugther, Schyler Leigh Pamelle" tumingin ako sa anak ko. 

"Baby, your father's name is Michael Chase Villona" Tumango ang anak ko at tumayo upang lapitan si Michael and to his surprise, Schyler hugged him and cried.

"I missed you papa, I thought you don't love me that's why you abandoned me" Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makita ang anak ko na umiiyak pero kasalanan ko din naman, I choose this for us pero tingin ko ito na din ang simula upang maipakilala ko si Schyler sa lahat at makauwi na din ako sa amin. 

Unti-unti kong aayusin ang buhay ko bago ako magsimula ulit. 

❤❤❤
Malapit na tayo sa ending, konting hintay na lang at malalaman na natin kung sino ang pipiliin ni Phoebe sa huli.

The Hired BabyMakerWhere stories live. Discover now