Hot Chick (5)

32K 808 6
                                    

Damon took us to the nearest Car wash shop. Buti nalang sa malapit lang dahil baka masuka na naman ako sa amoy ng kotse niya. Grabe, ano ba kasing pumasok sa isip ko at uminum ako ng bongga kagabi? Nakakahiya tuloy.

"Aalis na ko." I said to Damon. He just nods to me without saying anything.

Sumakay na ko ng taxi at nang makauwi na. Sa totoo lang gustong gusto ko ng umuwi dahil sa suot kong to! Bwiset talaga! Hindi na maganda ang araw ko kahapon, hindi pa maganda simula ng araw ko ngayon.. sana naman mamayang hapon okay na. Wala ng epal!!

Nakarating ako sa bahay pero wala na si Mama siguro nasa trabaho na. Naligo nalang ulit ako at nagbihis ng ripped jeans and white plain shirt. Kailangan ko pa kasing pumasok ng school.

Haaaay! Ang sakit padin ng ulo ko tapos papasok pa ko ng school. Ang saya saya talaga nito!

Nakarating din naman ako ng school pero late na ko sa first subject ko, sana lang di ako bumagsak dun dahil di ko na nga napasukan kahapon di ko pa papasukan ngayon. Dumiretso ako sa open space ng school para maipahinga pa tong ulo ko. Buti nalang may upuan at table dun.

Inilapag ko yung bag ko sa table at inyuko dun yung mukha ko. Urgh!! my head!!!

"Amber, kanina ka pa namin hinahanap!" I heard Luisa's voice. Naramdaman ko ang pag upo nila sa same table kung nasaan ako.

Dahan dahan kong inangat yung ulo ko at sinamaan sila ng tingin. "Nilalag niyo ko kay Mama." Inis kong sabi. Tumawa sila.

"Malay ba kasi naming magsasama kayo mag damag ni Damon." Majah said laughing. I roll my eyes.

"Ano bang ginawa niyo?" Maintrigang tanong ni Luisa. I shake my head. "Wala? As in wala?? Kahit kiss manlang?" I shake my head again.

"Mukhang tama ang tsismis na nagbago na siya." Mahina kong sabi at yumuko ulit tsaka ipinikit ang mata.

"Awww sayang! Chance mo nang matikman yung hot playboy na yun eh." Luisa said.

"Not happening. I don't want to fall from the second time to a wrong guy again." I murmured. "Tsaka isa pa sinisikap ko pang mabalik tiwala ni Mama sakin after kong mabuntis at malaglagan ng anak, kaso mga baliw kayo kasi nilaglag niyo ko."

They laughed again. "Sorry naman." Majah said laughing.

"Hayaan niyo muna kong umidlip, masakit padin kasi yung ulo ko."

"Okay." Sabay nilang sabi. Thank god! Unti kong naramdaman antok.

"BELL RANG!!" Nagising ako sa gulat dahil may sumigaw sa tenga ko. Oh you fucking idiot! I looked at Majah and Luisa, laughing. Boses ng lalake ang narinig ko kaya for sure di sila yun. Nilingon ko yung tawa ng tawa sa likod na lalake at nakita ko si Damon. I glared at him.

"You think that's funny?" I yelled.

"I just want to wake you up Baby." He said laughing.

Hindi ko lang pinansin yun pagtawag niya sakin ng kung ano. "By shouting at my ear??? You almost broke my eardrum!!"

"O.A na yun!" He said laughing. Kinuha ko yung bag ko at hinampas ko siya ng hinampas sa braso. "Aww ano ba!" Pagaangal niya.

"Pag ginawa mo pa yun, patay ka na sakin. Tandaan mo yan!"

He holds up his hands, laughing. "Okay, Okay!! Calm down." I roll my eyes. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Ahh tama dito pala siya nagaaral. Pero kailangan ba talagang istorbuhin pa ko sa pag tulog? Umupo nalang ulit ako, di ko pa din maialis ang inis sa mukha ko.

"Amber.. malalate ka na sa second subject mo pag umupo ka pa dyan." Toru said.

"Whaaat?? Anong oras na ba??"

"Nag bell na, diba yun yung sinigaw ni Damon sayo?" Luisa said laughing. Oh fuck! Tumakbo na ko papuntang classroom ko at iniwan na ang mga nagtatawanang kaibigan ko at siarulong si Damon.

Kaibigan ko ba talaga sila? Para kasing enjoy na enjoy silang pagtawanan ako eh. Babawi ako, humanda sila. Ha! Kala nila ah!

At dahil isa akong track runner mabilis lang akong nakarating ng room. Pinagtinginan ako ng mga classmates ko pagkapasok ko. Buti nalang sanay na ko sa mga ganyan nila sila sakin. Umupo na ko sa favorite spot ko sa likod at yumuko ulit sa table ko dahil wala pa namang professor.

"Amber.." someone called me. I saw my boy classmate. He seats beside me, wearing his pa cool smile. "Pwede ko bang hingiin number mo?" Tanong niya.

"Hmmm? Okay." Ngumiti siya ng malaki at halatang nagulat dahil mukhang ineexpect niyang di ko ipamimigay ang number ko. Hindi naman talaga. Inabot niya sakin yung cellphone niya. Naglagay ako ng ramdom numbers. "Here!" Inabot ko sakanya yung cellphone niya. "Magkontakan kayo ng tatay kong pulis." I said smirking.

Halata sa mukha niya ang gulat at takot. "Pulis tatay mo?" I nod to him. Ha! Mukhang gagana na naman ang panakot ko. "Okay.. uhm.. number niya to?" I nodded again. "Pagiisipan ko." Tumawa siya ng pilit tsaka bumalik sa upuan niya. I laughed secretly. Oh boys!

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now