Hot Chick (7)

28.8K 756 12
                                    

Nasa open space kami ngayon at kasama na naman namin si Damon. Napapaisip tuloy ako kung paano naming naging close tong mokong na to. Samantalang nung nakaraang linggo lang nagkakabangaan kaming dalawa tapos binabalewala lang namin na parang walang nangyari. Tapos ngayon nandito siya kasama namin at nakikipag biruan pa kela Majah at Luisa.

Mukhang enjoy na enjoy niya yung presence naming magkakaibigan pero tingin ko mas enjoy siyang bwisetin ako.

"Guys.. may nabasa na naman akong post sa Facebook Group ng school." Luisa said. Sabay sabay kaming napatingin sakanya.

"Ano yun?" Tanong ni Majah.

"Amber and Damon, spotted dating." Luisa said, grinning. What the fuck! Tumawa sila maliban sakin.

"At kanino naman nanggaling yan? Spotted talaga ah? Saan naman nila nakitang magkadate kami, aber?" Inis kong sabi. Grabe na tong nga schoolmates ko ang lala pag chismisan ang buhay ko.

Pinakita ni Luisa yung cellphone niya sakin. May pictures namin ni Damon nung nagiinum kami sa Club noong isang araw. "The fuck.. yan na yun?" Inis kong sabi. She nods laughing.

"Let me see." Damon said.

"Mga tao talaga ngayon walang magawang matino!" Nakakairita!

"Hmm.. so we're dating now!" Damon said grinning. I roll my eyes on him. Pati ba naman kabaliwan ng iba sinasakyan niya, kung sabagay baliw din siya.

"Sino ba admin ng group na yan?" Inis kong tanong kay Luisa.

"I don't know."

"Magbasa ka ng comments." Majah suggested. Sabay silang tumawa ng sinimulan nilang magbasa ng comment. Naiintirga ako pero ayaw ko naman mag tanong dahil baka mag feeling tong si Damon.

"Anong mga comment?" He asked.

"'Bagay sila!'" Kim read.

"'For real? Kung sabagay always silang magkasama.'" Toru read.

"'Tama bagay sila, cute siguro ng magiging baby nila.'" Oh gosh!

"Enough!" I said. Nakakahiya na! Para na kong titiklop dito sa hiya dahil sa mga binabasa nila.

Luisa laughed. "Ito last na lang.. 'kung totoo yan, ang mixed ng pangalan nila ay AMBON." Are you fucking kidding me?

"AMBON??" Damon said laughing.

"AMBON for the win!" Majah said laughing.

"Ang saya niyo ah!" Hinampas ko sa braso si Damon. "Nakikitawa ka pa ikaw na nga tong pinagchichismisan!"

"Eh sa nakakatawa eh." He laughed loud.

"Amber.." tawag sakin na dahilan para tumigil sila sa pagtawa. Sabay sabay kaming tumingin sa tumawag sakin. Nakita ko ang dati kong teammate sa Track and field team.. si Justin Sebastian. I stand and walked to him.

"Oh?? Justin bakit?" I asked.

"Gusto kang makausap ni Coach. Punta ka daw after class mo sa field." He said. Ohh! Wow!

"Why?"

"Mukhang gusto ka niyang pabalikin." He said grinning. OH.My.GOSH! Hindi maalis sa mukha ko ang excitement, pinapabalik niya ko? Makakatakbo na ulit ako sa Track?? Makakapag compete na ulit ako for school?

Nag quit ako sa team noon dahil sa nagdalang tao ako at sobrang na disappoint ko si Coach nun dahil ako dapat ang itatapat niya sa ibang school.

"O'okay, sige pupunta ko." Ngumiti siya tsaka naglakad na paalis. I looked at my friends, smiling ridiculously at them. "Makakatakbo na ulit ako!" Excited kong sabi ko sakanila..

"Wow!" Majah said.

"Congrats!" Damon said.

"Let's celebrate!" Luisa said.

"No! Wag muna, kakausapin pa ko ni Coach. Oh my gosh!" Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti. Oh Gosh! This is my chance again para magawa ulit ang sport ko na nahinto dahil sa pagbubuntis ko.

Sa pagkakatanda ko din dahil sa pagsali ko noon sa Team nag simula ang pag tawag sakin na hot chick, basta may kumalat nalang nung picture ko sa Facebook din habang nag tatry out at dun na nag simula ang lahat.

Umupo nalang ulit ako. I'm biting my lips, smiling. "Happy, baby?" Damon asked smiling. I nod to him.

Hindi na ko makapag hintay na makausap si Coach. Sana sana sana talaga, pabalikin na ko ni Coach.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now