Hot Chick (34)

22.4K 616 6
                                    

ACQUAINTANCE NIGHT..

Luisa and Majah decided na sa bahay kami mag aasikaso para sa Acquaintance mamaya. Para rin daw sabay sabay na kaming pupunta parang nung mga nakaraang taon lang at nung mga nakaraan pang taon.

As Damon requested.. naka purple sdress ako ngayon, yun ang gusto niya eh. Haaay! Di ko alam kung bat ako napapayag sa gusto niya siguro talagang mabilis akong mauto dahil gusto ko siya. Ganun kasi ako dati kay Ian. Tss.. hindi pala dapat pinagmamalaki mabilis kang mauto sa lalakeng gusto mo.

Naka white dress naman si Luisa at blue naman kay Majah. Pareho silang maganda sa mga dresses nila, idamay niyo na ko minsan lang naman. Haha!

Si Justin at Damon ang sumundo samin. Hindi masyadong nakakailang mag pasundo kay Damon dahil kasama naman niya si Justin at tatlo kaming girls ang susunduin nila.

Pinapasok ko muna sila ng bahay para ipakilala sila kay Mama.

"Ma, si Justin.. teammate ko siya and boyfriend ni Luisa." Pagpapakilala ko.

I looked at Damon na sobrang gwapo talaga ngayon, ang hot pa niya tignan sa purple polo shirt niya na naka unbutton yung tatlong bottones niya kaya medyo kita ang sexy chest niya. "Siya naman si Damon uh.. schoolmate namin." Pagpapakilala ko. Diyos ko wag sana mapansin ni Mama na terno kami ni Damon ng suot kahit na lutang na lutang naman talaga na terno kami.

"Magandang hapon po." Nag mano si Damon kay Mama, bilang pag galang. Akalain mo nga naman oh!

"Schoolmate ka lang ni Amber?" Mom asked. Parang biglang kinabahan si Damon dahil napatingin siya sakin. Sino ba namang di matatakot sa nanay kong nakauniporme padin ngayon ng isang pulis. Halatang sinisindak yung boys eh.

I cleared my throat. "Mom.. friend namin siya."

"Oh.. so you're my daughter's another friend?" Oh-Ow! Bigla kong naalala yung unang beses na natulog ako sa Unit ni Damon, na nilaglag pa ko nung dalawang bruha kaya no choice akong sabihing natulog ako sa another friend ko.

"Yes, Ma'am!"

"Terno pa kayo ah!" Patay napansin na niya.

"Uhm.., Ma.. aalis na kami." I said to Mom. Bago pa kung saan mapunta to. She just nods to me. I kissed her cheek, bilang pag papaalam.

"Ihatid mo ng buo ang anak ko." Mom said to Damon more on warned.

"Ye'yes, Ma'am!" Damon said nervously.

Lumabas na kaming lahat sa bahay at dumiretso kami ni Majah sa kotse ni Damon para dun sumakay, si Majah  nasa back seat habang ako nasa front seat. Si Luisa  kasi nasa kotse ni Justin.

Sinimulan na namin ang byahe.

"Baby nakakatakot pala talaga ang  Mama mo." Damon said while driving.

Majah laughed from the back. "Nakakatawa nga yung itsura mo kanina eh."

"Napaka striktong tignan kasi." No comment ako dyan kasi totoo naman. "By the way baby.." i looked at him. "You looked beautiful." He said smiling.

"Thank you." Nahihiya kong sabi. He stares at me, i just stared back. Gustuhin ko mang sabihin na ang hot niya ngayon hindi ko kaya dahil una sa lahat nakakahiya, pangalawa kasama namin si Majah.

Majah cleared her throat. "Focus on the road, Damon!"

He chuckled. "Yes, Mrs. Matias."

"Woe what?? Mrs. Matias ka dyan, di ko pa nga sinasagot eh." Pag aangal ni Majah. Buti nalang at madilim dahil kung hindi siguradong makikitang nag bablush siya.

"Pakipot!" I said laughing.

"Nag salita ang hindi." She laughed.

"Kanino naman ako nag papakipot aber?" I asked.

"Kanino pa ba? Edi kay Mr. Driver Sweet Lover natin." Tumawa ng malakas si Damon sa sinabi ni Majah.

"Wag nga ako! Kailan naman ako nag pakipot sakanya?"

"Lagi kaya baby!" Pagsisingit ni Damon sa usapan namin.

I roll my eyes. "Wala kong maalala."

"Gusto mo ng list?"

"May list???" Excited na tanong ni Majah.

I slapped Damon on his shoulder. "Shut up, Dude!"

"Magagalit si Baby eh." Damon said grinning.

"So, there's really a list." Majah said smirking widely at me.

"No! Imbento lang yan ni Damon."

"Di kaya!" Damon said.

"Damon!!" I yelled. Nag kunyari siyang zinipper ang labi niya at ngumiti sakin ng pa sweet. I roll my eyes.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now