Hot Chick (9)

26.4K 727 9
                                    

Maaga akong gumising para makapag prepare na sa practice ko mamaya. Sana lang hindi pa kumukupas ang husay ko sa pagtakbo. Hmm! Pag nakapasok talaga ulit ako, bibisitahin ko ang Anak ko.

Nagpaalam lang ako kay Mama bago ako pumunta sa Sports Center. Aaminin ko nakakamiss talaga to, kaya di ko maitago ang excitement ko.

Nakarating ako sa Sports Center at dun nakita ko na si Damon. Sinseryoso niya yung sinabi niyang sasamahan niya ko ah. May isang salita pala to, isa na namang nakakabigla sakanya.

"Good morning, baby." He greeted.

"Morning." Walang gana kong sabi.

Nag offer si Damon na bitbitin yung bag ko kasi yun naman daw ang dahilan kung bakit niya ko sinamahan. Bigla tuloy akong may naalala sa ginagawa niya.

No! Erase! Erase! I don't want to think about him. Baka masira lang araw ko.

Nag stretching na ko para masimulan ko na ang pagtakbo at dahil kasama ko naman si Damon, inabot ko sakanya yung cellphone ko para gamiting timer.. gusto kong malaman kung gaano kabilis yung takbo ko. Sa una nag jogging lang muna ko para hindi mabigla yung binte at katawan ko, baka din nabawasan na ko ng Stamina dahil sa tagal kong walang practice.

Huuuh! Sana talaga makapasok ulit ako. Dibale may inspiration na naman ako eh ang anak ko kaya gagalingan ko.

After kong mag stretching at jogging pahinga lang ako sandali.

"Ang hot mong panuorin, baby." Damon said pag kaabot niya ng tubig sakin.

"Ewan ko sayo!" Pinunasan ko na ng bimpo yung pawis ko.

"Gusto mo ako ang mag punas sayo?" Pagbibiro ni Damon.

"Gusto mong di makalabas ng buhay dito?" Pagbabanta ko. Tumawa lang siya.

"Concern lang baby."

I roll my eyes. "Ilagay mo na sa timer yung phone ko, tatakbo na ko." I said. He nods smiling. Kahit na annoying siya buti nalang sumama siya dito dahil laking tulong niya.

Pumwesto na ko.

"Ready baby??!" He shouted.

"Ready!" I shouted.

"Okay.. time starts... NOW!!" He shouted.

I started to run fast, fast as i can.. i sooo fucking missed this and i soooo enjoying it.

When i finally finish the Track.. tumakbo papalapit sakin si Damon. Napaupo naman ako sa pagod, oh fuck my Stamina!

"Baby.. ang oras mo ay 2 minute and 6seconds" Proud niyang sabi. Napa buntong hininga ako. Well mabilis pa din naman yun kaya lang hindi yun ang pinaka mabilis ko dati. Umupo sa tabi ko si Damon tsaka ako inabutan ng tubig. "Ang galing mo." He softly said.

"Thank you." Hinawi niya yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. Bigla akong nakaramdam ng ilang sa ginawa niya. Uminum nalang ako ng tubig at di pinansin yung ginawa niya. Bigla nalang niya kong hinalikan sa pisnge na ikinagulat ko.

"Hooy!" Pag aangal ko. He stands, laughing. "You. Are. So. Dead." I warned.

"Kung mahahabol mo ko, baby!" He said running. Ha! Seryoso ba siyang sakin pa talaga siya magpapahabol ah? Laki na ng sira nito sa utak.

I run to him fast, kaya para siyang nagulat na may kasamang takot. Haha! You're dead, boy! Mas binilisan niya yung takbo niya at dahil mas mabilis ako madali ko lang siyang nahahabol.

Huminto siya finally dahil siguro sa pagod. Pero tuloy tuloy padin ako sa pag takbo papunta sakanya at ng malapit na ko sakanya.. he open his arms and before i knew it, im on his arms now.. he's hugging me.

Bumitaw agad ako sa pagkakayakap niya at binatukan siya. Tumawa pa siya pagkatapos kong batukan. Grabe laki na talaga ng tama niya sa ulo.

"That was fun baby." Hingal na hingal niyang sabi.

"It wasn't to me." Hingal ko ding sabi.

"We should rest." Agree ako sakanya nakakapagod talaga to, dahil nabawasan na ang stamina ko sa katawan kaya ang bilis kong mapagod. Araw araw na kong mag jojogging para sa preparation ko sa Tryout.

Sabay kaming naglakad ni Damon papunta sa mga gamit namin. Dahil sa kapilyuhan niya naiwan tuloy yung gamit namin, buti nalang mataas ang security standard ng Sports Center.

Hot Chick (Unedited)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα