Hot Chick (11)

27.4K 747 8
                                    

Damon offered na sa Unit na niya ko mag shower para di na ko umuwi. Tutal may bitbit na din na naman akong damit pang pasok kaya pumayag na ko. Tsaka isa pa sa di malamang kadahilanan, ang gaan na ng loob ko sakanya at alam kong wala naman siyang gagawing kalokohan. Siguro masaya ding magkaroon ng kaibigang lalake lalo na kung playboy kasi marunong silang mag patawa ng babae dahil kasama yun sa mga the moves nila.. tama ba ko? Pero ang ikinaganda lang kay Damon nag bago na siya. At.. unti unti na kong naniniwala. Kaibigan ko siya kaya papaniwalaan ko siya.

Sinong magaakalang magiging magkaibigan kami?

Ako ang unang nag shower since isa lang naman ang shower room niya kaya kailangan pa niya kong hintaying matapos.

Nang matapos akong mag shower, nag bihis lang ako tsaka lumabas ng kwarto ni Damon para siya naman ang mag shower. "You're turn, Damon." I said.

Tumakbo siya papasok ng kwarto niya at halatang nagmamadali. Lapot na lapot na ba siya sa katawan kaya nag madali siyang tumakbo papasok ng kwarto? Oh baka napupupo na. Haha!

Nang matapos siyang makapag ayos ng sarili niya, sakto naman ang pagkatapos ko sa pag ma'make up ng simple lang. Di ako mahilig sa blush on kaya, mascara at eyeliner lang.. okay na sakin.

"Alis na tayo?" Pagmamadali niya.

"Bakit tila nagmamadali ka? Hindi pa naman tayo malalate ah."

"Baby, I'm doing my best just not to pull you on my room and kiss all over you, so if you don't really want that to happen.. alis na tayo!" OhmyGosh!

"Okay!!" Nagmadali akong kunin yung bag ko at nauna ng lumabas ng Unit ni Damon. Nakakaloka ang pagiging honest niya! Ganun ba talaga silang mga playboy?

Nasa likod si Damon na tawa ng tawa. I raised my eyebrow. "Sorry, baby. You're just so very tempting."

"Wag kang gagawa ng kalokohan sakin dahil pag ginawa mo yun, itong pausbong nating friendship mawawala agad!" Pagbabanta ko.

"Okay, Okay!" He holds up his hands, laughing.

Sumakay na kami ng kotse ni Damon at bumyahe na papuntang School. Hanggang ngayon tawa pa din siya ng tawa dahil sa sinabi niya. Grabe! Ano kayang nakakatawa sa sinabi niya? Baka natatawa siya sa sarili niya dahil nagawa niyang magpigil, mabuti naman kung ganun. Atleast mapag kakatiwalaan ko nga siya.

Pag dating namin ng School, bulungan na naman ang sumalubong samin. Kung sabagay bumaba ba naman ako sa kotse ng lalakeng dinidate ko daw. Edi wow! Ge lang pag fiestahan niyo kami sa kakatsismis niyo, wala kong paki!

"Oh.. magkasama kayo?" Pagtataka ni Majah.

"Sinamahan ko siya sa practice niya." Damon said smiling widely.

"Yung totoo kayo na?" Luisa asked smirking, teasingly. I roll my eyes.

"No, Lulu." Damon said. "Mauna na ko girls, baka malate ako sa klase." He added. He winks at me. I just grin at him.

"Pansin ko lang ah! Mas lalo ata kayong naging close." Majah said.

"Tingin mo din? Pansin ko din yan eh." Luisa said.

"I just already accepted him as a friend. That's it." I simply say. Hindi padin sila kombinsido. Well wala naman akong planong kumbinsihin sila.

Naglakad nalang ako papunta sa Open space kasi may thirty minutes pa bago ang klase ko, nakasunod lang sakin yung dalawa na kinukulit padin ako sa sudden closeness namin ni Damon.

Pero bago pa kami nakarating humarang sa daan namin si Trish at yung dalawa niyang alipores.. akalain mo nga naman buhay pa pala tong mga to, tagal di nag paramdam eh.

"So, totoo pala ang balitang nagdidate kayo ni Damon." Mataray niyang sabi. Haay! Yun lang naman pala ang dahilan kung bakit niya ko ginulo.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, wala akong pakialam." Nilamapsan lang namin sila tsaka binungo para alam nilang hindi sila pader para humarang.

"Alam mo bang may nangyari samin ni Damon?" Sabi ni Trish pagkalagpas namin sakanila. Napahinto kami sa paglalakad dahil sa pagkabigla. Whaaat??? Siya at si Damon? Ang cheap pala ng mga pinipili niyang girls. I face her and give a blank stare.

"You heard it right, he enjoyed my body once before." She said pointing her fatty body.

I clapped my hands, sarcastically. "As expected, ikaw lang ang kilala kong babae na ipapangalandakan pa sa lahat na nagalaw na ng kung sino sinong lalake. Congrats, you deserves a clap clap." I smirked at her. She glared.

Ha! I win again!

Buo na ang araw ko dahil nabwiset ko siya. Pero langhiyang Damon yun, pati ba naman si Trish pinatos niya? Tsk tsk tsk. Walang taste!

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now