Hot Chick (39)

22.9K 618 8
                                    

Ito na ang pinaka hihintay kong araw. Ang Training Camp namin. Yes!! Plano akong ihatid ni Mama sa school dahil dun kami hinihintay ni Coach. Ang alam ko kasi Van ni Coach ang gagamitin namin papuntang Batangas.

Pagkadating namin sa school, nandun na sila Coach at Justin.

"Late na ba ako?" I asked Justin.

"Maaga lang kami." He said smiling.

"Ready na ba lahat?" Coach asked us. We nods to him. He looked at my Mom. "You must be Mrs. Tuazon?" He asked.

"No, I'm Miss Suarez.. PO3 Suarez." May pagkamataray na sabi ni Mama. Di niya ata nagustuhan ang pag tawag sakanya ng Mrs. Tuazon. Paano naman kasi matagal na silang annulled ni Papa.

"Sorry about that, PO3 Suarez." My Coach said, he sounded amused.

"Sweetheart, update mo ko kung nasa Batangas na kayo." Mom said to me.

"Opo." She kissed my forehead. Naglakad na siya palayo samin. Tumingin ako kay Coach na nakatingin sa palayo kung Nanay. Ay Grabe siyang makatingin oh!

"Coach!" I called. Halata sakanya ang gulat sa pag tawag ko.

"Oh?? Alis na tayo." He cleared his throat, awkwardly opening the car door. "Ipasok niyo na yung gamit niyo, mahaba pa tong byahe natin."

Pumasok kami ni Justin sa Van, sa likod ako pumwesto samantalang si Justin sa harap kaya ang luwag ng upuan ko. Wuhuu! Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko dahil alam kong kanina pa ko tinitext ng mas mga excited kong mga kaibigan.

May mga text na ko mula kay Luisa, Majah and Damon. May missed calls din ako kay Damon. Inopen ko na yung text nila..

*** Bumabyahe na kami, girl. Saan na kayo? *** Majah texted.

*** Pumapagibig si Majah, kasama namin sa kotse si Mario. *** Luisa  texted. OhmyGosh! Kasama nila si Mario? Bakit sila na ba?

*** Baby, i miss you. *** Damon texted, making me grin. I miss him too.

"Amber.." Coach called.

"Bakit po?"

"Uhm.. hiwalay na ang Mama mo at Papa mo?" He asked. Kailan pa siya mag kainterest na tanungin ako nun? Tumawa si Justin.

"Bakit Coach type mo Mama ni Amber?" Justin asked laughing, teasingly.

"Nagtatanong lang ako, tumigil ka nga." Nanahimik nalang ulit si Coach at nag focus nalang sa pag mamaneho. Hala siya, mukhang type nga niya ang Nanay ko, sabagay maganda naman kasi talaga ang Nanay ko kanino pa ba ko magmamana? Haha! Kung type nga ni Coach si Mama, kawawa siya dahil wala ng planong magasawa si Mama after nilang mag hiwalay ni Papa. Mas gusto niya daw kasing mag focus sakin.

Finally nakarating din kami sa Batangas, kung hindi lang traffic sa edsa baka 3-4 hours lang ang byahe namin.

Sa isang Villa kami mag stay na may dalawang room, magkasama si Coach at Justin ako hiwalay. Hmm.. paano kaya kami makakatakas kay Couch para makita yung mga kaibigan namin na sa pagkaalam ko nasa isang Villa lang din malapit samin, di ko nga lang alam kung saan sana lang di sila makita ni Couch dahil baka masermunan kami.

*** Magkulong na kayo sa Villa baka makita kayo ni Coach, nandito na kami. *** i texted them.

Tinext ko na din si Mama na nakarating na kami ng Batangas.

Bukas pa namin sisimulan ang Training dahil daw sa haba ng byahe namin gusto muna ni Coach na magpahinga kami dahil bukas niya daw kami papagurin.

So, nag paalam kami ni Justin kay Coach para maglibot kunyari sa beach pero ang totoo hahanapin namin sila Luisa Majah, Mario at Damon.

Tinawagan ni Justin si Luisa para puntahan kami sa tabing dagat. Habang hinihintay sila binabad ko sandali yung paa ko sa tubig at dinamdam ang maliit na alon.

Bigla ko nalang naramdamang may yumakap sa bewang ko at kahit hindi ko nakikita kung sino yun alam kong si Damon na yun.

"Baby, i miss you." He whispered. Dahan dahan akong humarap sakanya at.. ang gwapo niya grabe, medyo magulo ang buhok niya at walang ayos o gell o kung ano mang nilalagay ng mga lalake sa buhok nila, bagay sakanya ang buhok niya ngayon. Meron din siyang hikaw sa left ear niya ngayon, siguro dahil Sem break naman kaya nag hikaw siya. Nakasando lang din siya kaya kitang kita ang muscles niya.

"Kanina pa namin kayo hinihintay." He pouts. I grin. Pinisil ko yung pisnge niya.

"Nandito na kami ngayon, na miss din kita." Ngumiti siya ng malaki tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Hot Chick (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon