Hot Chick (33)

22.7K 597 4
                                    

Nasa practice ako ngayon kasama si Justin dito sa field ng school habang pinapanuod lang kami nila Luisa at Majah. Si Luisa  panigurado pinapanuod ang boyfriend niya si Majah naman busy sa cellphone, katext siguro si Mario.

"Justin, Amber.." Coach called.

"Yes coach?" Sabay naming sabi.

"Mag kakaroon tayo ng Training Camp sa Sem break, pupunta tayo ng Batangas para masubukan niyong tumakbo sa buhangin iba ang pressure pag dating sa buhangin kaya makakatulong sainyo yun. Bibigyan ko kayo ng letter sa next practice natin para ipapirma niyo sa Guardian niyo, understand?"

OhmyGod! Training Camp. Exciting yun. We just nodded our head to him tsaka nagkatinginan kami ni Justin at halata din sa mukha niya ang excitement.

"Preparation na din yun para sa papalapit na Competition, aasahan ko kayo!"

"Opo." Sabay naming sabi.

Naglakad na kami papunta kela Luisa at Majah, di namin maitago ang ngiti sa mukha namin.

"Anong meron at ang laki ng mga ngiti niyo?" Luisa asked us habang pinupunasan niya ng pawis ng boyfriend niya. Oh sila na Sweet!

"Magkakaroon kami ng Training Camp." Excited kong sabi.

"Oh! Wow! When???? Where???" Luisa asked. Bat parang mas excited pa siya samin?

"Sem break, Batangas." Justin said grinning.

"Pwede ba kaming sumama?" Majah asked.

"Training yun, di naman kami makakapag saya dun nu."

"Imposible namang pati gabi mag t'training kayo, kaya after niyong mag training gora kayo samin at magpapakasaya tayo para enjoyin ang sem break." Luisa said. Tsss.. gusto mo lang kamo makasama sa beach si Justin.

"Paano kung malaman ni Coach? Baka pagalitan kami." Justin said. I nodded saying he's-right.

"Edi wag niyo ipaalam." Majah said.

"Anong pinaguusapan niyo?" Damon asked, bigla nalang siyang dumating.

"May Training Camp sila Amber at Justin sa Batangas, plano naming makigulo ng di alam ng Couch nila." Luisa told Damon, informing.

"Kailan, baby?" He asked me.

"Sem break pa." I answered.

"Sama ko ah!" He said to me.

"Hindi pa nga ko sumasangayon sa plano nila eh."

"Payag ka na.." inakbayan niya ko. "Magkakasama tayo ng Sem break, ayos yun diba?" he whispered.

"O'Okay." Nauutal kong sabi.  "Basta hindi kayo magpapakita dun kay Coach." Pagpapaalala ko. Tumango sila na akala mo mga batang inutusan. Haay! Wag sana kaming mapahamak sa plano nila baka masermunan kami ni Couch.

Kinuha ko na yung bag ko na nakalapag sa bench. Pero kinuha din naman agad yun ni Damon sakin at siya na naman ang nagbitbit.

"Guys bago ang Sem break, Acquaintance muna." Excited na sabi ni Majah. "May susuotin na kayo?" Tanong niya. Habang naglalakad kami papuntang Canteen para tumambay muna.

"Wala pa eh." Luisa said. "Ikaw, Sweetie meron na?" Tanong niya kay Justin.

"Wala pa."

"Gusto mo terno tayo?" Luisa asked. He nods smiling to her. Edi sila na!

"Gusto mo terno tayo baby?" Damon asked. I shake my head. "Bakit naman?"

"Hindi naman tayo couple para mag terno tulad ni Lulu at Justin."

"Well.. rumored couple tayo." He jokes making everyone laughed, laughed except sakin.

"Pumayag ka na kasi." Majah said, laughing.

"Oo nga.. tutal ang iniisip ng lahat kayo." Luisa said.

I roll my eyes. "Sige na nga, may magagawa pa ba ko?" Kunyaring napilitan kong sabi pero ang totoo, yes!!

"Okay, let's wear purple." He said smirking. Oh Gosh! Hindi parin niya nakakalimutan ang purple underwear na yun? Black naman kaya para maiba naman. Haha!

"No! Mas gusto ko ng white."

"But i loved purple!" He pouts.

"Favorite mo ang purple, Damon?" Natatawamg tanong ni Majah.

"Yup! Kasi-" tinakpan ko yung bibig ni Damon bago pa niya sabihin ang tungkol sa purple underwear. I give him a shut-up look.

"Hmm.. ano yan ah?? May nililihim na naman kayo." Luisa said. Haaay! Yan tuloy nag tanong na naman sila, nakakainis kasi tong Damon na to eh ang daldal.

I shake my head saying nothing. Palihim kong kinurot si Damon sa tagiliran niya. "Wala lang yun." Damon said to them pero di padin sila convinced.

Hot Chick (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon