Hot Chick (48)

24.6K 655 12
                                    

Nasa kotse kami ngayon ni Damon, tahimik lang kami habang nasa byahe. Siguro dahil sa pag iyak niya kaya until now medyo wala pa sa siya sa mood.

Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin na pwedeng mag pagaan ng mood niya, wala kasi akong maisip.

Siya naman kasi lagi ang nag papagaan ng mood saming dalawa eh. Haay!

"Baby.." He finally speaks.

"Ano yun?"

"Ayos lang bang ano uh.. pumunta tayo ngayon kung saan naka lagak yung mag ina ko?" Seryoso niyang tanong.

"Uh.. Oo naman sige." Siguro kaya niya ngayon na isip yan dahil ayaw na talaga niyang mag lihim sakin. Mabuti naman kung ganun.

Nang finally makarating kami sa isang Cemetery, kita sa mata at mukha ni Damon ang lungkot. Totoo ngang masakit padin sakanya ang lahat, tulad ng sabi niya.

Hawak hawak niya lang yung kamay ko habang papunta kami kung saan nakalagak ang katawan ng magina niya. Nang nakarating kami dun, dalawang name ang nakalagay sa lapida.. Baby Angel Martin and Bambie Martin.

"Hi, Sweetie im back.", Damon speaks, talking to Bam. "Uh.. siya nga pala si Amber, girlfriend ko. Naalala mo yung huling beses kong punta dito? Kwinento ko sayo na may babae akong nagugustuhan, siya yun. Girlfriend ko na siya ngayon." He introduced.

Uh.. ano ba dapat kong sabihin? Dapat ba kong mag salita o manahimik nalang muna?

Pero dahil sa nakita kong malungkot niyang mga mata. Nananahimik nalang muna ako.

"Pareho kayo ng pinagdaanan, siguro yun yung dahilan kung bakit ako napalapit sakanya. Yung hindi ko nagawa sayong pag comfort ginawa ko sakanya lalo na nung malaman kong pareho kayo ng pinagdaanan dahil sa lalakeng katulad ko, hanggang sa nahulog ako sakanya." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Alam kong madaming beses ko ng sinabi to pero, sasabihin ko ulit.. Sorry, Sweetie.. Sorry talaga, sorry sainyo ni Baby Angel."

He's crying again. Shit!

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at pinunasan yung mga luha niya. Sa lahat ng oras nung nakikita niya kong nasasaktan kay Ian nandyan siya para i'comfort ako, this time ako naman ang gagawa nun para sakanya.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit ng walang sinabi na kahit na ano. Gusto ko lang ipaalam sakanya na nandito lang ako para sakanya, sasamahan ko siya kung nasasaktan siya tulad ng ginawa niya noon para sakin.

Hindi ko alam kung gaano katagal ko siyang yakap yakap basta nung naramdaman kong huminto na siya sa pag iyak dahan dahan akong bumitaw sa pagkakayakap sakanya at tumingin sa mga mata niya.

"You okay now?" I softly asked.

He nods. "Yah, thank you."

I smiled. "Welcome."

"Alis na tayo?" He asked.

"Uh.. actually gusto ko sanang kausapin muna ng pribado si Bam. Okay lang ba?"

Tumitig muna siya sakin na tila iniisip kung anong sasabihin ko kay Bam. Tumango nalang siya tsaka nag simula na siyang mag lakad pabalik sa kotse niya at iniwan muna ko kay Bam.

I face Bam. "Uh.. Hi Bam.. ako nga pala ulit si Amber. Uhm paano ba? Sa totoo lang di ko alam ang sasabihin sayo. Siguro pareho tayong mag aagree na gwapo siya diba?" I giggle a little.

"Kaya lang napakapilyo niya, yung mga kalokohang lumabalabas sa bibig niya minsan nakakainis na pero nakakatuwa din at nakakakilig. Siguro di mo din alam kung bakit ka nainlove sakanya kasi ganun din ako. Alam mo mahal ka talaga ni Damon, siguro nararamdaman mo na yun ngayon. Wag kang magaalala sakanya, ipagpapatuloy ko yung nasimulan mong pagbabago sakanya. Alam kong yun din ang gusto mo. Aalagaan ko siya para sayo, kaya sana hayaan mo din akong mahalin siya tulad ng pagmamahal mo."

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now