Hot Chick (20)

24.6K 684 14
                                    

Nag Stay lang kami ni Damon sa rooftop ng magkatabi, nakasandal lang yung ulo ko sa balikat niya. Ngayon ay huminto na ko sa pagiyak, salamat sa mga kakornihan niya.

Naalala ko tuloy yung unang beses na nakapag usap kami, yun yung umiiyak din ako dahil sa away namin ni Trish. Kung saan nag simula ang lahat tungkol samin.

Pinupoint ni Damon yung pisnge ko, alam kong ginagawa niya yun para pag tripan ako at patawanin na naman ako pero hindi ko yun pinapansin hanggang pang limang beses na niya yung ginawa kaya tinangal ko yung pagkakasandal ko sa balikat niya at tumingin sakanya. Nag duling dulingan na naman siya, i grin at him. Iniharang ko yung kamay ko sa mata niya para tigilan na niya ang pag duduling dulingan dahil baka mahanginan siya at magkatotoong maduling siya.

"Tama na, okay." I said chuckling.

Tinangal niya yung kamay ko sa mata niya at hinawakan ito. "Okay." He said grinning. Hinila ko yung kamay ko na hawak niya pero di niya binitawan, sa halip pinaglapat niya ang palad namin na parang magkaholding hands na Couple.

Isinandal ko nalang ulit yung ulo ko sa balikat niya dahil alam ko namang hindi niya bibitawan ang kamay ko, useless lang makipag hilaan ng kamay sakanya.

"You okay now, baby?" He seriously asked.

"I'll be fine. Pero alam mo hiniling ko pa din na sana, sana kapag nakita ko siya hindi na ganun kasakit, sana hindi na ko nasasaktan, sana hindi na ko apektado."

"Darating ka din dyan baby, step by step."

"I know." He kissed my hand. "Thank you for being there for me, Damon."

"Anything for you baby. I will always be there for you whenever you want to kiss me." He said smirking. OhMyGod! Muntikan ko ng makalimutan yung pag halik ko sakanya. Haaay! Nakakahiya! Ano kayang iniisip niya noong hinalikan ko siya? Kasi alam ko namang alam niya na nagawa ko lang yun dahil nandun si Ian.

"Sorry nga pala about dun, kasi ginamit pa kita para lang tigilan ako ni Ian."

"No problem baby, gamitin mo lang ako kahit kailan mo gusto. Nag enjoy naman ako sa kiss natin eh, good kisser ka pala?" Oh Gosh! I slapped him on his forehead.

"Yung bibig mo na naman ah!" Pagpapaalala ko.

"Sorry, Sorry." He said laughing.

"Pero seriously, salamat talaga."

"Basta ikaw." He winks.

Biglang tumunog yung cellphone ko. Sinubukan kong hilain yung kamay ko kay Damon para kunin yung cellphone ko pero ayaw talagang bitawan. Ginamit ko nalang yung kamay kong hindi niya hawak para yun ang gamitin ko makuha lang ang cellphone ko sa bag ko.

Nang makuha ko yun, si Luisa ang tumatawag..

"Hey, Lulu." I answered.

"Lulu? Si Damon lang tumatawag sakin niyan ah."

I laughed. "Nakakahawa eh." Tumingin ako kay Damon na busy sa tignan bawat daliri ng kamay ko.

"Anyways, dito ka dumiretso sa Apartment nila Maj. Tinawagan na namin ang Mama mo na dito ka matutulog kasama namin." Excited niyang sabi.

"Eh paano naman yung pangpalit ko? Pangpasok ko sa school kung didiretso ako dyan?"

"Papahiramin ka daw ni Majah."

"Hello???? Paano naman yung.." i paused. Tumingin muna ko kay Damon kung nakikinig siya ng usapan namin, at... nakikinig nga siya. "Underwear?" Mahina kong sabi yung tipong di maririnig ni Damon.

"Ano??" She asked. Mukhang di niya din narinig. I roll my eyes.

"Underwear!" Nilakasan ko na, dibaleng marinig ni Damon. Tumawa si Damon ng malakas. Siniko ko siya.

"Bumili ka nalang, mura lang naman yun."

"May choice pa ba ko? Osige na, pupunta na ko dyan." Ibinaba ko na yung tawag. Tumingin ulit ako kay Damon na hindi padin binibitawan ang kamay ko. "Aalis na ko, pupunta ako kela Majah para dun matulog."

"Bakit dun ka matutulog?"

"Kasi walang kasama si Majah sa Apartment nila, kaya nagpapasama samin."

"Ihahatid na kita." Tumango ako but then bigla kong naalala na bibili pala ako ng Underwear kaya umiiling din agad ako.

He chuckled. "Pati ba naman sa pag hatid di ka padin sure? Ah basta, ihahatid kita!" Tumayo na siya at binitawan na ang kamay ko. Wuuh! Finally.

Tinulungan niya kong tumayo at hinawakan na naman ang kamay ko. Naglakad kami pababa ng Rooftop ng hawak hawak niya ang kamay ko kaya napapatingin samin yung schoolmates namin tsaka mag bubulungan.

Nag sisimula na naman silang mag tsismisan.

Sumakay din naman agad kami ni Damon sa kotse niya. Sinabihan ko siyang ibaba ako sandali sa bilihan ng mga damit dahil panigurado namang may bilihan din ng underwear dun.

Nang makarating kami dun, sumunod sakin si Damon kahit na pinagtutulakan kong wag siyang sumama sakin pero dahil matigas ang bungo niya, ayaw niyang makinig.

Kaya tuloy habang naglilibot sa Store hindi ko alam kung paanong bibili ng dapat kong bilhin kasi naman itong si Mokong ayaw akong lubayan. Wala na din akong nagawa kundi bumili ng Underwear kahit na kasama ko siya. Wala siyang ginawa kundi tumawa ng tumawa, minsan pa nga nag susuggest siya ng bibilhin ko, pumili pa nga siya ng tiger print kaya nabatukan ko siya sa inis na may halong hiya syempre.

Nakakaloka siya!

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now