Hot Chick (26)

23K 637 5
                                    

Hinayaan ko lang siya na yakapin niya ko. Hindi ko alam kung gaano katagal niya kong yakap yakap basta na enjoy ko to.

"Enjoying my hug, baby?" Damon asked, chuckling.

Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya kaya bigla ko siyang tinulak. "Yabang ah!"

He grins. "Buti naman at kalmado ka na." Kumalma ako nung niyakap niya ko. Tsk. "Sorry kung di ko sinasagot tawag mo ah." He apologized.

"Bakit nga ba?"

"Nainis lang ako kasi di ka pumayag na hawakan ko kamay mo."

"Sus, kaya nakipagusap ka din sa ibang babae, ganun?" Hindi ko maialis sa tono ng boses ko ang pagkairita.

"Nakita mong kausap ko si Marie?" He asked grinning.

"Saya mo ah!" I roll my eyes.

He laughed. "Nagseselos ka ba?"

"Ha!! Ako??" I point myself. "Magseselos?? Gwapo mo huh?" Sarkastiko kong sabi.

Mas lumakas yung tawa niya. "Kapatid yun ni Mario, yung kaibigan kong mayari ng Club."

"Hindi ko naman sinabi na magpaliwanag ka."

"Okay." He grins. "Ahh.. you're so cute."

"Shut up, dude!" Hinawakan niya ko sa kamay. Hinayaan ko na siyang gawin yun dahil baka mag tampo na naman siya.

"Okay ka lang ba?" Bigla siyang naging seryoso.

"What do you mean?"

"Tinawagan ka nung ex. mo." Ah. Tungkol pala kay Ian, akala ko sa pagseselos na naman eh.

"Ayos lang ako, hindi ko lang maiwasang mainis at maginit yung ulo dahil gusto niyang mahalin ko ulit siya."

"Ayaw mo na talaga?" I shake my head. He smiles. "Good to hear that." Hinawi niya yung buhok ko sa likod ng tenga ko, mukhang hahalikan na naman niya ko sa pisnge. Hindi nga ko nagkamali, unti unti niyang nilapit ang labi niya sa pisnge ko para halikan ako. He looked straight at my eyes after he kissed me, he looked down at my lips, smirking. I bite my lower lip.

"Baby, you are very tempting." He seductively said.

Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. "Really?" I asked smirking.

He chuckled. "Baby, don't tempt me." Mas inilapit ko pa yung mukha ko sakanya kaya ramdam na namin ang hininga ng bawat isa. Aakma na sana siyang hahalikan ako sa labi pero hinawi ko yung mukha.

"Na-ah! Nice try." I smirked. Hinawi ko siya at nag lakad pababa ng rooftop.

"Baby!" He called running closer to me. Inakbayan niya ko. "Bawal ba kahit isang kiss lang?" Siniko ko siya sa tagiliran niya.

"Sira ka talaga."

"Sorry naman, nagbabaka sakali lang." He laughed. Ginulo niya yung buhok ko bago tumakbo palayo.

"Damon!!" I yelled.

"Yes, Baby?!!" He yelled back, laughing.

"You're dead!" I run fast to him. Nag patuloy lang siya sa pag takbo habang tumatawa, ang di niya alam lalo lang siyang mapapagod kung ipagsasabay niya ang pag tawa at pag takbo kaya mabilis ko siya nahabol pero syempre dahil atleta ako pag dating sa pagtakbo kaya para sakin mabagal siya. Pag kalapit ko sakanya, inangkla ko yung braso ko sa balikat niya iniyuko siya tsaka buhok naman niya ang ginulo ko.

"Kala mo ah." I said laughing.

"Tama na baby." Pagaangal niya. Binitawan ko na siya dahil sa ginawa kong paggulo sa buhok niya di ko maiwasang matawa dahil mukha siyang super sayan sa buhok. I laughed hard.

Inayos niya din agad yung buhok niya pero ginulo ko din naman agad. "Baby!" He scowls.

"Yes?" Malambing ko sabi.

"Nag papacute ka ba?"

"Yes."

He smirked. Oh-ow! May plano to. Bago pa ko makatakbo para makatakas sa plano niya nabuhat na niya ko. Binuhat niya ko na parang gamit lang sa balikat niya.

"Damon!" I shouted.

"That's right shout my name, baby."

"Leche ka!"

"Gwapo kamo!"

"Gwapong San Goku." I laughed hard. "Ibaba mo na nga ko masusuka ko sa ginagawa mo eh." Utos ko. Sumunod naman siya ayaw niya siguron masukahan ko siya sa likod niya.

"Don't do that again." Sabi ko pagkababa niya sakin. He just grins. Ginulo ko ulit yung buhok niya tsaka tumakbo palayo.

Hot Chick (Unedited)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin