Hot Chick (25)

22.5K 653 9
                                    

Mas maaga akong pumasok para mas mahaba ang bonding namin ng dalawa kong baliw na kaibigan.

Pero nasaktuhan din naman na wala silang professor kaya diretso kami sa Canteen. Pero bago pa kami makarating ng Canteen, nakita ni Majah si Damon na may kausap na babae.

"Kilala mo yun Amber?" Luisa asked. I shake my head. Maganda yung babae at mukha ding mabait hindi mukhang nang bubully ng kapwa. Sino kaya siya? Bakit sila mag kausap. Hindi niya sinasagot yung tawag ko simula kahapon tapos makikita ko siyang may kausap na ibang babae? Ha! Ayos ah.

Hindi mawala sa labi ni Damon ang ngiti sa labi habang kausap yung babae. Tapos pag hinahampas siya nito sa braso tatawa siya. Ohh.. edi kayo na close!!!!

"Tara na nga!" Irita kong sabi.

Nauna na ko maglakad papunta sa Canteen at alam kong nakasunod lang sakin yung dalawa. Umupo ako sa lagi naming pinupwestuhan sa loob ng Canteen. Kinuha yung libro ko at nag basa.

"Jelly much, Amber?" Majah asked, smirking.

"No!!" I snapped.

"Owwss! Obvious kaya." Luisa said laughing.

"Bakit naman ako magseselos eh mag kaibigan lang kami."

"Asus wag nga kami! Obvious naman na gusto niyo isat isa nagtataka na nga kami kung bakit hindi pa nagiging kayo." Majah said.

"Ewan ko sainyo!" Nag basa nalang ako dahil baka pag pinansin ko pang iintriga nila lalo lang nila kong dikdikin kay Damon. Hindi naman ako nagseselos eh, naiinis lang talaga ako sa di niya pag sagot ng mga tawag ko. Samantalang siya pag tumatawag sinasagot ko agad. Tsaka magkaibigan lang kami kaya bat ako magseselos?? Tsss..

Haaay! Nakakaloka, di din naman ako makapag focus sa pagbabasa. Bwiset na Damon yun! Ano bumalik na siya agad sa pagiging playboy niya kaya may kausap siyang babae na parang dati lang?

Oo na! Nagseselos na ko! Tsk.

Nagpaalam na muna ko sa dalawa at pumunta sa rooftop. Pag nandito kasi talagang nakakapag isip akong mabuti at nalalabas ko talaga ang inis ko.

Umupo ako at sumandal sa pader. Kinuha ko yung IPod ko at nakinig nalang ng music. Magpapalamig lang ako ng ulo bago pumasok sa klase ko. Haaaaay!!! Breath in, breath out!

Naramdaman ko ang pag vibe ng cellphone ko sa bag ko. Tinangal ko yung isang earphone sa tenga ko,kinuha ko yung phone.. Unknown number ang tumatawag..

"Hello?" I answered it.

"Babe." Fuck. It's Ian. Biglang kumabog yung puso ko, at naginit na naman ang ulo ko.

"Ano bang kailangan mo sakin?? Tigilan mo na nga ko!!!" Nakidagdag pa siya sa init ng ulo ko.

"Babe, please naman.. wag kang ganyan sakin."

"Bakit?? Paano mo gusto kitang tratuhin?"

"Mahalin mo ulit ako." Mas lalong uminit ang ulo ko. Ang kapal ng mukha niya.

"Ang kapal mo din naman nu? Tigilan. Mo. Na. Ko!!!"

"Babe, please.. I'm really sorry.."

"Alam mo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may umagaw ng cellphone ko. Si Damon yun, itinapat niya sa tenga niya yung cellphone.

"Leave, Amber alone!!" Pagkasabi niya nun binaba na niya yung tawag at sinauli niya sakin yung cellphone. "Okay ka lang?" Seryoso niyang tanong. Mainit din ulo ko sakanya diba? Kaya ano bang ginagawa niya dito?

I stand, frustratingly. Aakma na sana akong maglakad palayo sakanya pero pinigilan niya ko sa pamamagitan ng pag hawak sa braso. "Hey, what's wrong?" He asked. Hindi niya talaga alam? Wow ha!

"Wala! Gusto ko lang mapagisa, yun lang yun!" Hinila ko yung braso ko. Aakma na sana ulit ako sa paglalakad pero humarang siya sa daan ko.

"Ano ba kasing nangyari?"

"Wala nga diba???" I yelled.

"Dahil ba to dun sa ex. mo?"

"Bakit ba ang kulit mo? Wala nga eh. Hindi to dahil sakanya! Basta gusto ko lang mapag isa!"

He hugs me that took me by surprised. "Alam mo namang di ko hahayaang mag isa ka lang." He whispered. Oh Gosh! Niyakap niya lang ako para na kong nanglambot, parang yung inis ko sakanya nawala agad. Ano ba tong nararamdaman ko? Naguguluhan na ko. Hindi ko alam kung bakit nagseselos ako sa babaeng kausap niya, na pati yung inis ko kay Ian nasama sa inis ko sakanya samantalang wala naman siyang ginawa kundi nakipag usap lang dun sa babae at hindi sinasagot yung tawag ko samantalang kaibigan niya lang naman ako. Kaya di ko alam kung bat ako nagrereact ng ganito.

Di nga kaya.. lumalalim na talaga ang tingin ko sakanya? Di nga kaya gusto ko na siya?

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now