Hot Chick (45)

25.7K 602 11
                                    

Pressured!

Yan na ang tangi kong nararamdaman ngayon dahil nalalapit na ang Competition na sasalihan namin ni Justin as Sprinters.

Di kasi maikakailang magagaling at mabibilis ang kalaban namin. Buti nalang at nadyan ang mga kaibigan kong supportive at syempre ang boyfriend kong mas supportive, tinalo pa niya ang stage mother. Haha! Magdadala pa nga daw siya ng Banner para sakin pag dumating ang Competition na yun, for sure gagawin niya yun. Noong nag try out nga lang ako may pabanner na siya eh, sa competition pa kaya?

Kakatapos lang ng Practice namin at lumapit kami sa mga kaibigan naming nanunuod sa practice.

Inabutan ako ni Baby ng tubig pag kalapit ko. "Ang galing mo sa practice baby." Pangbobola niya.

"Salamat, pero di ko alam kung sapat na yun."

He touched my both cheeks, forcing me to looked at his eyes. "Ganto nalang isipin mo, yung mga babaeng kalaban mo gusto nilang magunahan na makayakap sakin at dahil hindi ka papayag kailangan mong mauna para ikaw ang makayakap sakin." Ano daw? I raised my eyebrow, amused.

Tumawa lang yung mga kaibigan namin sa nakarinig sa sinabi niya. Sinong di matatawa sa sinabi niya eh nakakatawa naman talaga yun. Kung ano ano na namang pumapasok sa malikot niyang utak.

"Salamat sa magandang strategy baby, susubukan ko." Pangagatong ko sa advice niya.

He laughed. "Effective yun maniwala ka baby." he winks.

"Oo na."

"So.. who's up for a drinks?" Majah asked. Sabay sabay kaming napatingin sakanya. Sus, nagyayaya ba talaga siyang uminum o talagang gusto niya lang makita boyfriend niya? Simula kasi nang maging sila ni Mario sa Club na nito kami lagi umiinum.

"Bakit miss mo na boyfriend mo?" Luisa asked smirking, teasingly.

"Naah! Araw araw kami nagkikita nu."

"I'm in." Damon said raising his hand.

"Okay, im in." Luisa said.

"I'll go but not for drinks, sorry." Justin said. Sabay sabay silang tumingin sakin at naghihintay ng sagot ko. Kung lahat sila pupunta pangit naman kung wala ako.

"Sasama lang ako hindi ako iinum."

"Okay, pagbigyan ang mga athletes natin. Let's go!" Majah said.

"Uuwi muna ako ng bahay." I said.

"What? No! Diretso na tayo." Pagaangal ni Majah.

"Susunod nalang kami ni Baby dun." Damon said.

"Pag bigyan mo na gusto pa nila mag solo eh." Malisyosang sabi ni Luisa habang nakangisi ng mapangasar.

Ayoko ng ganyang ngisi niyang nakakaloka may naiisip siyang di ko naiisip, joke lang syempre alam ko iniisip niya pero wag na muna yun kahit na sobrang hot ng boyfriend ko kailangan kong magpigil para hindi maulit yung dati.

Wala na silang nagawa kundi pumayag na umuwi muna ako, pambihira naman kasi wala naman akong dalang damit pang clubbing.

Damon drove us on my house first, dumiretso kami sa kwarto ko para makapag shower na. Hinayaan ko na munang umupo siya sa kama ko habang hinihintay akong matapos.

Oh gosh! kinakabahan ako di ko alam kung bakit. Dapat pala pinag stay ko nalang siya sa Sala.

After kong nag shower nakita ko si Damon na nakahiga sa kama ko at nakapikit. Hinayaan ko nalang muna siya kasi magaayos pa din naman ako ng sarili ko. Make up, dress, hair at kung ano ano pa. Haay! Minsan talaga ang hirap maging babae daming kailangang gawin.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now