Hot Chick (42)

21.9K 585 8
                                    

Uwian time..

Gustuhin man namin ni Justin na sumabay sa mga kaibigan namin pauwi hindi pumayag si Coach dahil daw siya ang nagdala samin dun at responsibilidad niya kami. Tama nga naman siya so wala na kaming nagawa kundi sakanya sumabay.

Nung ipinaalam naman namin sa mga kaibigan namin ni Damon ang tungkol samin, ang sabi nila mag pa celebrate daw kami kasabay ng celebration nila Mario and Majah.

Ang hilig talaga nila sa inuman.

Nang makarating ako sa bahay nag paalam lang ako kay Coach at Justin, ako kasi ang una nilang hinatid.

Pag pasok ko ng bahay at una agad na pumasok sa isip ko ay.. humiga sa kama ko. Haay! Nakakamiss tong kama ko, feeling ko makakatulog agad ako dahil sa pag higa ko.

Masaya ang Training Camp dahil dun naging kami ni Damon pero sobrang nakakapagod talaga nakadagdag pa ang haba ng byahe namin.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto, dahan dahan itong nag bukas at si Mama ang pumasok. "Sweetheart, how's the training camp?" She asked.

Umupo ako mula sa pag kakahiga. "Kakapagod po."

"Okay, sige magpahinga ka muna dyan." Aakma na sana siyag umalis pero pinigilan ko.

"Pwede po ba tayong magusap?" Tanong ko. Ayaw ko na kasing maglihim sakanya tulad ng paglilihim ko sa relasyon namin ni Ian. Nalaman nalang niya ang tungkol samin nung nabuntis na ko. Ayaw ko ng ulitin pa yun kaya ipapaalam ko sakanya ang tungkol samin ni Damon.

"Ano yun Sweetheart?" Lumapit siya sakin at umupo sa kama.

"Tungkol po samin ni Damon.." I looked down. Kaya mo to Amber.

"I'm listening.."

"Uh.. sorry po kung sinira ko ang pangako kong walang boyfriend hanggang makagraduate ako. Sinubukan ko naman po eh, kaya lang unti unti na talaga kong nahulog sakanya kaya po ngayon.. kami na."

Unti unti kong inangat ang ulo ko para tignan ang reaksyon niya, nakatitig lang siya sakin at di ko naman mabasa yung iniisip niya. Baka di niya nagustuhan yung ideang boyfriend ko na si Damon.

"Sorry po, Sorry po talaga. Sinusubukan kong ibalik yung tiwala niyo pero nabigo ko na naman kayo."

"You still have my trust Sweetheart, hindi yun nawala. Sadyang naging strikto lang ako ngayon dahil ayaw na kitang masaktan pa. Walang magulang ang gugustuhing makita na nasasaktan ang nila, kung nasaktan ka nun mas nasaktan ako. I'm sorry Sweetheart kung inisip mong wala kong tiwala sayo hindi ko yun gustong iparamdam sayo. Kung tungkol naman sainyo ni Damon, alam mo na ang tama may napagdaanan ka ng alam kong nakapag bigay aral sayo kaya alam kong kaya mo ng ihandle yan. Naniniwala ako sayo."

Hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko sa simula palang na magsalita si Mama. Unang sentence palang na hindi naman pala nawala yung tiwala niya sakin sobrang na paiyak na ko. Akala ko all this time wala na siyang tiwala sakin, hindi naman pala yun nawala.

She wipes my tears. "Don't cry Sweetheart, thank you dahil pinaalam mo ang tungkol sainyo ni Damon. Bring him here again at sabihin mong magpakilala siya ng maayos."

"Opo." I said nodding. Hinalikan muna niya ko sa noo bago niya ko iniwan ulit sa kwarto ko.

Ibinagsak ko ulit ang katawan ko sama hanggang ngayon di parin tumitigil sa pag tulo ang mga luha ko. Sobrang saya ko talaga. Sobra!

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Damon..

"Hello baby." He greeted.

"Hi." Halata padin sa boses ko ang pagiyak.

"Are you okay?" He sounded concerned.

"Yah, im fine baby. No worries, were you home?" Hindi siya sumagot. "Baby?"

"Are. You. Okay?" He asked again more on forcing it. Mukhang hindi siya titigil sa kakatanong kung okay lang ako samantalang okay naman talaga ako.

I chuckled. "You're over acting baby, I'm okay nag usap lang kami ni Mama tungkol satin, gusto niyang pumunta ka dito para makapagpakilala ka daw ng pormal."

"Really?" Gulat niyang tanong.

"Yes. Be ready, you know what i mean." I giggle.

I heard him chuckled. "Always akong ready baby."

"Sabi mo eh." I said laughing.

"Uhm.. hindi naman niya ko ikukulong diba?" Di ko maiwasang matawa sa sinabi niya.

"No, baby."

"Okay, i love you."

"I love you too." I ended the call.

Humiga nalang ulit ako sa kama ko habang yung mga ngiti ko sa labi ay hindi mawala. Haay! Sana wala ng sumira nito.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now