Hot Chick (17)

24.3K 684 10
                                    

Dumiretso ako sa kwarto ko pagkauwi na pagkauwi ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko. Naiisip ko padin ngayon ang ka wirduhang pumapasok sa isip ko, nakakaloka. Huling beses na may gusto akong halikan ay yung ex ko pa. Hindi nalang sana ako nakipag sayaw kay Damon, dahil kasi dun kung ano anong pumapasok sa utak ko.

Narinig kong nag ring yung cellphone ko mula sa bag ko. Kaya tumayo ako para kunin ang cellphone ko para tignan kung sino yung tumatawag.. si Damon..

Nakalimutan kong tawagan siya, ang sabi pa naman niya tawagan ko siya pag nakauwi na ko.

"Hello?!" I answered it.

"Nakauwi ka na?" He asked.

"Yes.." ibinagsak ko ulit yung katawan ko sa kama. "Nakahiga na ko." I added.

"Okay, rest now baby."

"Okay, goodnight Damon."

"Goodnight baby." He ended the call. Blangko ang isip ko pagakatapos kong makusap si Damon sa cellphone. Nakatingin lang ako sa kisame at unti unti kong naramdaman ang antok.

Tunog ng alarm mula sa cellphone ko ang gumising sakin, nagpapaala na kailangan ko ng gumising dahil mag jojogging ako.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang sarili ko, hindi na pala ako nakapag palit ng damit. Pumunta na ko ng bathroom para mag hilamos at mag toothbrush, mamaya na ko maliligo pagkatapos kong mag jogging.

Nang nakabihis na ko para sa pag jojogging sinimulan ko na ito. Sa village lang namin ako nag jogging habang may earphone sa tenga ko at nakikinig ng music sa IPod ko.

Nag pahinga lang sandali ako sa playground, at nag stretching kunti. Hmm.. i missed this.

Bumalik din naman agad ako sa bahay after kong mag jogging. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. at dun nakita ko si Mama na nagluluto na ng breakfast namin.

"Goodmorning, Sweetheart." Mama greeted. "How's your Tryout?" She asked.

"I'm in." I said smiling.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Congrats, hija."

"Thanks, Ma." Sana lang kahit papaano bumalik na ang tiwala ulit ni Mama sakin. Gagawin ko ang lahat para bumalik yun.

Sinimulan na naming kainin ni Mama yung breakfast na niluto niya. After naman naming kumain, ako na ang naghugas kasi nakakahiya naman kung si Mama pa ang gagawa nun.

Nag pahinga lang ako sandali sa kwarto ko para mamaya makapag shower na, nakakaramdam na ko ng lagkit sa katawan ko dahil sa pawis.

Nagpupunas na ko ng buhok ko dahil kakatapos ko lang mag shower nang tumunog yung cellphone ko, si Damon na naman.

"Hello baby." He said from the other line. Sa tono ng boses niya mukhang kakagising niya lang.

"What makes you call?" I asked.

"Hmmm?? It's Sunday."

"It's.. Sunday?!"

"It's Sunday." He repeated.

"It's Sunday.." I repeated. Anong meron sa Sunday???

"It's Sunday." He repeated again. I sense he's  grinning.

"Damon i know it's Sunday!! Tumawag ka lang ba para ipaalala sakin na Sunday ngayon??" I yelled. Kaloka, ang aga aga iniinis ako.

"It's Sunday, it means.. di tayo magkikita."

"Yun lang naman pala."

He chuckled. "Hindi mo ba ko mamimiss?"

"Magkikita naman tayo bukas, kaya bat naman kita mamimiss?"

"Hmmm?? Pero ako namimiss kita." I roll my eyes. Ang aga aga kung ano anong sinasabi niya. "Can you come?" He asked.

"Come?? Where?" I asked.

"Unit ko."

"Why?"

"Let's eat."

"May pagkain dito sa bahay."

"Dyan tayo kain?"

"Sira ka ba? Gusto mong sermunan ako ni Mama dahil nag papunta ako dito ng lalake?"

"Sabihin mo kaibigan mo lang ako."

"Eh kaibigan lang naman talaga kita ah."

He laughed. "Oo nga nu?" I roll my eyes. "Punta ka na dito, kakain tayong fries." Okay nagtatatalon na naman sa tuwa ang tyan ko sa narinig ko. Mokong na to alam kahinaan ko. Haha!

I grin. "Okay, coming." I excitedly said.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now