Hot Chick (32)

24K 583 13
                                    

Ring ng ring yung cellphone ko na dahilan para magising ako. Kinapa ko yun sa side table ko without looking at the screen.

"Hello?" I sounded husky.

"Good morning baby wake up." It's Damon's voice. Ang aga naman niya atang tumawag sakin? Baka miss na ko, miss na kong bwisetin sabagay di niya ko napagtripan kahapon dahil wala siya tapos kagabi naman ang seryoso ng pinagusapan namin.

"Ang aga mong napatawag ah."

"Gusto ko lang mag pasalamat ulit tungkol kagabi."

"Wala yun." Matipid kong sabi.

"Okay, see you at school baby."

"Okay, see yah!" Ibiniba ko na yung tawag para makababa nadin ako ng kusina at matulungan si Mama sa pag asikaso ng breakfast namin.

Nagmadali din naman akong pumasok ng school dahil ewan ko siguro gusto ko nang makita si Damon. Haay grabe, gantong ganto ako dati kay Ian.

Kakapasok ko lang sa gate ng school bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko.

"Hi, baby." He greeted smiling.

"Hi. You're very energetic today."

"Dahil nakita ulit kita!" Ting.. tunog ng kinikilig kong mga paruparo sa tyan. Kinuha niya yung bag ko at siya ang nag buhat.

"Anong ginagawa mo?" Pagtataka ko.

"Bibitbitin ko bag mo. May practice ka? Ang bigat ng bag mo eh."

I chuckled. "Oo meron nga. Ako na ang magbubuhat niyan." Sinubukan kong kunin yung bag ko pero di siya pumayag.

"Ako na."

"Ano ka ba, kaya nila tayo pinag chichismisan eh."

"Di ka pa sanay? Hayaan mo sila." Nag simula na siyang maglakad.

"Teka saan ka pupunta?" Tanong ko. Tumakbo ako papalapit sakanya.

"Canteen." Hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ko na inisip na subukan pang hilain yung kamay kong hawak niya kasi baka mag tampo na naman. Hihi! Pero yung totoo.. gusto ko din.

So.. magkahawak kami ng kamay habang papunta sa Canteen, syempre pinagtinginan na naman kami ng mga schoolmates namin.  Dedma nalang kami ni Damon.

Sa pwesto namin sa table kami umupo, wala pa yung girls siguro may klase pa. Habang wala pa naman akong klase at mukhang ganun din si Damon hinintay na muna namin sila Maj at Luisa sa Canteen, bumili din siya ng makakain namin habang nag hihintay.

"Hindi naman ako nagugutom ah. Bakit mo ko ibinili ng pagkain?" Tanong ko.

"Ako nagugutom eh. Di ko na matiis baka kasi mamaya ikaw na kainin ko." Pagbibiro niya. Hinamapas ko siya sa balikat niya.

"Yung bibig mo huh!"

"What's on my mouth, baby?" He asked smirking, looking at my lips. OhmyGosh!

"Ano ding nasa labi ko at nakatingin ka na naman?"

He chuckled. "Parang ang sarap kasing hali-"

"Hi, guys." Pagpuputol ni Luisa sa nakakalokang sasabihin ni Damon. Nakakaloka talaga tong si Damon kahit kailan.

"Anong ganap sainyo?" Luisa asked nang makaupo sila.

I cleared my throat. "Wala naman, nag uusap lang."  Sinimulan na niyang kainin yung pagkain niyang binili. Kaya ako din, para matapos ang usapan.

Kanina ko napapansin ang pananahimik ni Majah kaya di ko maiwasang mag tanong. "Hey, Maj.. what's wrong?"

"Huh?" She innocently asked.

"Kanina ko pa tinatanong yan, hindi nag sasalita." Luisa said.

"Okay lang ako." She reassured.

"Okay ka dyan! Kakakita ko lang sayo, halata na agad na may problema ka. Nasaan ang pangako nating walang lihiman?" Pangungunsensya ko. Yan ang ginagamit naming linya para mangunsensya. Haha.

"Tama!" Luisa agreed at me.

She rolled her eyes. "Confirmed na buntis si Trish." Mahina niyang sabi.

I raised my eyebrow confused. "Bakit mo naman pinoproblema pa yun?" Tanong ko. Wow! Confirmed? talaga?

Tumingin siya sandali kay Damon na tila naiilang. "Ano kasi eh.. tingin ko nagkakagusto na ko kay Mario, paano kung si Mario ang ama nung dinadala nun?" WOE!!!!!!!!!!

Damon laughed loud. Dahil sa ginawa niyang pag tawa, ayun nag blushed si Maj kaya binatukan ko siya sa likod ng ulo si Damon. Loko talaga! "Awww!" He mouthed at me.

"Hindi si Mar ang ama nun. Yung nangyaring yun isang taon nang nakakalipas kaya napaka imposible nun." Damon explained. "Atsaka diba ang akala ni Trish ako yung nakasama niya ng isang gabi? So dapat kokomprontahin niya ko na ako ang ama nun." He added.

"Tama! Dapat ipinamukha na niya sakin na ang rumored boyfriend ko eh.. nabuntis siya." I said. Mukhang biglang nag ningning ang mata ni Maj. I smirked at her.

Luisa laughed. "Nagiisip ka kasi masyado eh."

"Alam mo gusto ka talaga ni Mario." Damon said. Sabay sabay kaming napatingin sakanya. "Sabi niya sakin, iba ka daw sa lahat.. masarap ka daw seryosohin." He smirked at her.

"Seryoso ka dyan?" I asked.

"Oo naman baby. Ayaw ko sanang makialam sakanila kaya lang parang nahihirapan si Majah mag desisyon tungkol sakanila ni Mario."

Dali daling kinuha ni Mario yung cellphone sa bag niya at lumayo sandali samin.

"Shit!!!" I groan. Napatingin sila sakin at halatang nagtataka. "Kung huminto si Trish ngayon dahil buntis siya at bumalik siya next year.. for sure magkakasama pa kami."

They laughed. "Mukhang destined kayong magsama pa." Luisa said laughing. I roll my eyes.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now