Hot Chick (23)

23.1K 611 7
                                    

Isang matahimik na araw ngayon ang nagaganap sa school. Hindi joke lang, malamang maingay ngayon sa school dahil nalalapit na naman ang Acquaintance Party, kaya puro kwento dito kwento dyan, anong susuotin at ano kayang magaganap, kung ano ano pa.

At itong apat kong kasama ngayon sa Canteen na sino pa nga ba si Luisa, Majah, Damon and Justin.. Yaaaah! Kasama namin si Justin dahil nanliligaw na siya kay Lulu namin. Excited sila sa magaganap na Acquaintance Party palibhasa last year na nila, edi sila na!

Ako??? Hmm.. di masyado.

Paano kasi ilang buwan pa yun.

"Baby!" Damon whispered on my ear. Hindi ko siya pinansin dahil alam kong mangungulit lang na naman siya. "Baby!" He whispered again. Sinundot niya ko sa tagiliran ko, pero di ko padin siya pinansin. "Baby!" He whispered again.

"Ano ba kasi yun?!!" I yelled. Lahat sila napatingin sakin dahil sa ginawa ko. Haaay! Kasi naman eh.

"Sungit mo." He pouts. I roll my eyes. "Meron ka ba? Gusto mo ibili kita ng-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at tinakpan ko na ang bibig niya bago pa siya mag sabi nang kung ano.

"Para kayong mag jowa." Majah said laughing.

"Oo nga. Kulang nalang mag kiss kayo." Luisa said laughing.

"Nag kiss na kaya kami." Tuloy tuloy na sabi ni Damon. Hindi ko na siya napigilan sa pag sasalita dahil di ko naman ineexpect na dadaldal siya. Pambihira!

"OhmyGOD!!!!!!" Sabay nilang sabi.

"Amber, nasaan ang pangako nating walang lihiman?" Luisa asked.

"Oo nga! Bakit di namin to alam???" Majah asked.

"Looooooong story!"

"Makikinig kami!"

"Ginawa ko yun nung nagpakita sakin si Ex. hinalikan ko tong.." siniko si Damon. "mokong na to para layuan niya ko."

"Bakit di mo sinabi yan nung nag sleep over tayo sa bahay?" Majah asked.

"Oo nga! Ang lihim mo na ah!" Luisa agreed. I roll my eyes.

"She's a good kisser." Damon said to them, grinning widely. Fuck! Nag tawanan silang lahat sa sinabi na Baliw na si Damon.

"Damon..." malumanay kong tawag na may tonong inis.

"Yes, baby?" Malambing niyang sabi.

Hinila ko yung tenga niya. "Manahimik ka na pwede?"

"Awww! Baby, masakit."

"Masasaktan ka pa lalo pag di ka nanahimik!" I warned.

"Okay, sorry na baby." Binitawan ko na siya sa tenga. Hawak hawak niya lang yung tenga niya at nag kunyaring malungkot ang mukha. I roll my eyes on him.

"Guys.." Majah called, she's looking at her phone. Sabay sabay kaming tumingin sakanya. "Shocks, may post sa group page ng school."

Diyos ko sana naman hindi tungkol sakin. Nakakaulirat nang marinig na may post sa Group page na yan tungkol sakin o samin ni Damon.

"Ano yun?" Luisa asked.

"Trish is pregnant!"

"OhmyGod!" Sabay naming sabi ni Luisa.

"Saan naman nanggaling yang chismis na yan? Alam niyo bruha si Trish at inis ako sakanya, like sobrang sobrang inis pero di niya deserved pag chismisan na buntis siya. What the hell was wrong with that page? Dapat iblock na yan eh." Inis kong sabi.

"Wow that was unexpected, pagtatangol Amber." Luisa said, chuckling.

I shrugged. "Just sayin."

"At least we know na hindi sa grupo ni Trish ang admin ng Group." Majah said. Yah! She's right.. sino naman kaya ang may lakas ng loob na gumawa nun kay Trish? Poor girl, kinakarma na siguro.

Bigla ko nalang naramdaman ang malamig na tubig sa ulo ko na dahilan para mapatayo ako sa gulat. Hinarap ko ang gumawa nun at si Trish the bruha ang gumawa.

"What the hell???!!" I groan.

"Ikaw ang nag kakalat na buntis ako nu??" Inis niyang sabi. "Ang kapal ng mukha mo!" She slapped me.

"Hey.." pagpipigil ni Damon. Tumaas ang dugo ko sa ulo ko at nakaramdam ako ng sari saring emotions, galit, inis, poot.. etc. Pero dahil sa posibilidad na buntis nga siya pinipigilan kong hilain ang buhok niya at ingudngud yung mukha niya sa sahig.

"Para lang sa kaalaman mong bruha ka! Hindi ako nag bubukas ng kahit na anong social media keme dyan, kaya wala kang karapatang pag bintangan ako! Pasalamat ka, at.." i looked at her tummy, hindi naman malaki ang tyan niya. "nevermind, hindi nalang kita papatulan dahil karma mo na yan! Ngayon alam mo na ang feeling na pag tsismisan sana madala ka na!"

"tingin mo maniniwala ko?"

"Hoy bruha para lang sa kaalaman mo, nainis pa nga si Amber para sayo sa nabasa namin sa group page. Kaya wala kang karapatang mag wala dyan!" Majah said.

"Hayaan mo na, Maj." I calmly said. Padabog kong kinuha yung bag ko at bwiset na bwiset na umalis ng Canteen.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now