Hot Chick (47)

23.4K 709 17
                                    

Nasa Sports Center ako ngayon para alam niyo na.. mag practice ano pa nga ba? Hindi ko pa kasama ang boyfriend kong supportive dahil tinanghali siya ng gising kaya wala na kong nagawa kundi mauna nang pumunta dito kesa naman hintayin ko pa siya, kagabi kasi sabi niya sasamahan niya ko pero yung mokong ayun tulog pa din.

Nag sisimula palang akong mag stretching ng biglang dumating na naman ang lalakeng ayaw kong makita, si Ian kaya di ko maiwasang mairita na naman.

Pati ba naman dito? Guguluhin niya ko?

"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong.

"Amber, gusto ko lang humingi ng sorry sa ginawa ko nung nakaraang araw. Nadala lang ako ng selos at kalasingan, hindi ko gustong gawin yun."

"Naka pag sorry ka na, makakaalis ka na! Ayaw kong magkaabot na naman kayo dito ni Damon. Ayaw ko na ng gulo, please Ian.. tumigil ka na!"

He sighed. "Bakit ba kasi hindi ka nalang bumalik sakin?"

What? Seriously? Ito talaga pag uusapan namin? Para namang di niya alam ang dahilan ko kung bakit.

"Dahil may mahal na kong iba."

"Yung Damon na yun??" He laughed sarcastically. "Amber hindi mo siya kilala, mas malala siya sakin!"

"Bakit dahil sa history niya na pagiging playboy? Nag bago na siya!"

"Ha! Alam mo bang yang Damon na yan, may babaeng nang nagpakamatay dahil sakanya?!" What?

"May nabuntis siyang babae at alam mo bang nalaglag yung batang yun sa babae dahil naaktuhan niya ang pangbabae ni Damon."

"Pwede ba!!!" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. "Ginagaya mo lang yan sa istorya natin. Wag mo siyang itulad sayo! Malayong malayo siya sayo!"

"Hindi talaga ako katulad niya! Dahil siya totoong niloko yung babae, ako hindi! At dahil sa ginawa niyang yun nag pakamatay yung babae! Bakit di mo siya tanungin kung anong nangyari sa babaeng ang pangalan ay Bam!"

OH.MY.GOD!

Paano niya nalaman ang tungkol kay Bam? Totoo kaya ang mga sinasabi niya? Dahil kung hindi paano niya nalaman ang tungkol kay Bam?

Shit! Kaya ba lagi nalang hindi handa si Damon na pag usapan si Bam? Gusto nga ba niyang pagusapan namin yun?

"Ayokong saktan ka niya, kaya ngayon palang Amber tapusin mo na! Ayaw kong matulad ka sa babaeng yun. Wag mong hayaang masaktan ulit, tama na yung ginawa ko. Kung di ka babalik sakin, ayokong mapunta ka sa mas malala sakin. Pag isipan mo babe." He sounded sincere.

"Umalis ka na lang!"

"Babe.."

"Umalis. Ka. Na!"

He sighed heavily. "Okay."

Umupo lang ako sa bench pagkaalis ni Ian, hindi ko alam pero para akong nanghina sa narinig ko hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ian.

Kaya ba ayaw ni Damon pag usapan ang tungkol kay Bam dahil pareho kami ng pinagdaanan nung babaeng minahal niya din? Ang pinagkaiba lang nawala yung babae dahil sa sobrang kabaliwan sakanya.

Shocks! I want to hear his side.

Kasi sa totoo lang unti unti ko ng naiisip na sumangayon sa sinabi ni Ian na same lang sila ni Damon.

"Baby!" I heard his lively voice calling me. Pinipilit kong wag tumulo yung mga luha ko luckily nagawa ko. "Sorry na late ako, hindi kasi ako nagising ng maaga eh. Iniisip kasi kita kagabi yan tuloy napuyat ako." He tries to joke pero di ako natawa.

"Okaaaay, hindi magandang palusot yun. Uhm.. okay ka lang?" He asked, concerned.

"Damon, pwede na ba nating pag usapan si Bam?" I said giving him a blank stares.

Tumitig siya sa mga mata ko at mukhang wala padin siyang planong sabihin.

"Hindi pa ko handang pagusa-"

"Kailan ka magiging handa?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya. I sounded desperate.

He looked down. "Hindi ko alam."

"Damon!!" Frustration strikes me. "Girlfriend mo ko, alam mo na ang lahat sakin pero ako sayo.. hindi!"

"Tsaka na natin pag usap-"

"Dahil ba nagpakamatay siya dahil sa pangbababae mo? Dahil nakita niyang may kalandian ka nung buntis siya at nalaglag yung anak niyo?!"

Tumingin siya sakin ng gulat na gulat. So totoo nga! Damn it!

"A'alam mo na?" Gulat niyang tanong.

"Oo!"

"So ano pang silbe sabihin ko kung alam mo na?"

"Dahil gusto ko sayo mismo manggaling yun! Bakit di mo agad sinabi sakin? Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Kahit sa anak mo manlang, na kahit isang beses hindi mo siya binangit sakin, sakin na girlfriend mo!" Hindi siya sumagot pero halatang halata sakanya ang frustration and irritation.

"Kahit sana noong mag kaibigan palang tayo sinabi mo na sakin! Damon sinabi ko sayo lahat ng tungkol sakin, alam mo at nakita mo kong nasaktan dahil kay Ian. Ni wala na nga ata akong maitatago sayo eh. Pero bakit ikaw? Hindi mo magawang sabihin sakin ang tungkol sakanila?"

"Dahil ayaw kong mawala ka! Pag sinabi ko ba ang tungkol sa mag ina ko matatangap mo ba ko? Kakaibiganin mo ba ko? Diba hindi? Dahil iisipin mo katulad lang ako ni Ian!"

Kung iisipin may point nga siya, naisip ko nga yun kanina.

"Gago ako dati Amber, kasalanan ko kaya nawala sakin ang mag ina ko. Nasaktan ako para sakanila, kung nasaktan ka sa nangyari sainyo ng baby mo nasaktan din ako! Dahil pareho silang nawala sakin dahil sa sobrang gago kong tao. Alam mo ba kung gaano kasakit na pati yung nagiisang babaeng kaya akong mahalin sa kabila ng pagiging playboy ko namatay dahil sakin? Ni hindi ko manlang siya napa saya, ni hindi ko manlang nasabi na salamat dahil dinadala mo anak ko, ni hindi ko manlang naiparamdam sakanya na mahal ko siya. Hindi ko to masabi sayo dahil ayaw kong iwan mo ko at hindi ko to masabi sayo dahil hanggang ngayon nakukunsenya padin ako! Hindi ko to masabi sayo dahil nasasaktan pa din ako! Sa tuwing naaalala ko sila, kumikirot yung puso ko, hindi ko matangap na nawala ang dalawang taong importante sa buhay ko. Paano ko magagawang ikwento sayo yun? Kung hanggang ngayon nasasaktan pa din ako! Paano ko magagawang ikwento yun kung alam ko na iiwan mo ko."

He started to cry. Shit, he's crying. Hindi ako makapaniwalang makikita kong umiyak ng ganito si Damon.

I hold his both cheeks and wipes his tears. "Baby, im sorry please stop crying. Di ko nalang pala sana tinanong."

"No, tama ka dapat malaman mo na yun. Natakot lang ako na sabihin sayo dahil tama ka nakita ko kung gaano ka nasaktan kay Ian kaya mas lalong akong natakot na sabihin sayo. Mahal kasi talaga kita eh, pag pati ikaw nawala pa sakin baka di ko na kayanin."

"I love you too, i don't care kung anong nangyari sa past mo, basta may tiwala ako sayong hindi mo ko sasaktan. Naniniwala akong nag bago ka na, dahil matagal na kitang nakasama. I'm sorry, nung nalaman ko yun nag doubt ako na baka saktan mo din ako tulad ni Ian. Pero ngayong narinig ko na yung side mo, naniniwala ako sayo dahil mahal kita." I kissed his lips na lasang luha.

"I love you baby." I said after my kiss.

He finally smiles. "Mahal din kita baby."

Our lips locked again by our kiss.

--

Nearly end, babies. 😉

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now